Sabado, Enero 21, 2023

January 21, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Manalangin tayo sa Ama sa Langit upang matutunan natin sa kanyang Anak na si Jesu-Kristo ang kahulugan ng paglilingkod.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, turuan Mo kami sa pamamaraan ni Jesus.

Bilang isang Simbahan nawa’y lumabas tayo sa lungga ng ating sariling daigdig at maglingkod sa tao nang may pagpapakumbaba, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga taong naglilingkod sa bayan nawa’y ibigay nila ang pinakamabuti at pinakamagaling na pagsisilbi sa mga tao at hindi paglingkuran ang kanilang pansariling kapakanan at interes, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga naglilingkod sa atin sa iba’t ibang pamamaraan nawa’y maipakita nating lahat ang ating pasasalamat, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, tayong lahat nawa’y nakatuon at mulat sa pangangailangan ng kapwa at hindi sa ating makasariling kaginhawahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at matatanda nawa’y makatagpo ng kalinga at paggalang mula sa kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, hindi madali sa amin ang tumulong sa iba lalo na kung magdudulot ito sa amin ng hindi kaginhawahan. Matuto nawa kami mula kay Jesus na laging handang tumulong sa nangangailangan at bigyan mo kami ng lakas na gawin ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno January 21, 2019 at 5:28 pm

Ayon sa Unang Pagbasa, sinabi sa sulat ng mga Hebreo na linisin ng dugo ni Jesus ang ating mga puso at isip upang bayaan nila ang walang kabuluhang gawa at paglingkuran ang buhay na Diyos.

Reply

Mark Jefferson Magno January 24, 2019 at 7:42 pm

Ayon sa Unang Pagbasa, narinig natin ang ating Panginoong Hesukristo na hindi lamang nagtatalaga ng Labindalawang Apostol, kundi din ng pitumpu’t dalawang alagad. Ang bilang na ito ay tumutukoy sa bilang ng mga bansa sa mundo. Ang mensahe ng kaligtasan ng Diyos ay hindi lamang para sa Israel, kundi ito rin ay para sa buong mundo. Ang pagpapakibahagi sa misyon ng ebanghelisasyon ay nangangahulugan na kailangan mong iwanan ang lahat ng iyong mga pag-aari sa likod, at huwag kumuha ng anumang kahalagahan na pag-aari kasama mo. Sapagkat ang Panginoon ang siyang magbibigay sa iyong mga pangangailangan. Kailangan mong magtrabaho nang husto, hindi lamang para sa salapi at mga pag-aari, kundi para sa masaganang ani sa halamanan ng Panginoon.

Reply

Reynald Perez January 23, 2021 at 12:02 am

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ngayon ay patuloy pa rin na ipinapahayag na walang hanggang pagkapari ng ating Panginoong Hesukristo at ang ating pagiging karapat-dapat na tawaging mga anak ng Kataas-taasang Diyos dahil sa Anak na si Kristong namamagitan sa atin. Sa pahayag ngayon, narinig natin ang pagpasok ni Kristo sa Dakong Kabanal-banalan sa Jeruslaem, na kadalasa’y mga saserdote lang ang dapat pumasok diyan ayon sa Kautusan. Nang si Hesus ay pumasok sa Dakong Kabanal-banalan, sinabi ng manunulat na hindi siya nag-alay ng dugo na galing sa mga hayop. Sa halip ay inialay ni Kristo ang kanyang sarili sa Krus, at ang pagdanak ng Dugo niya ay ang tanda ng pagpapatibay at pagpapanibago ng Tipan ng Diyos, na minsan na nga’y nawasak dahil sa pagkakasala. Sa pamamagitan ng Misteryong Paskwal, natunghayan natin ang kaganapan ng ating katubusan mula sa kasalanan, na siyang niloob ng Diyos ng pag-ibig sa pamamagitan ng kanyang Bugtong na Anak. Ang pakikipagsundo ni Kristo sa atin patungo sa Ama ay tanda na patuloy tayong maging matapat sa mga dakilang utos at isabuhay ito sa mabubuting gawain, upang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan.

Ang ating Ebanghelyo ay isa sa mga pinakaiksing Ebanghelyo sa Taong Panliturhiya, ngunit mayroon ito isang mahalagang aral. Nasaksihan natin ang pagtitipun-tipon ng mga tao upang makinig sa mga pangangaral ni Hesus. Subalit narinig din natin kung paano kinuha siya ng kanyang mga kasambahay, na nagsasabing nasisiraang ng bait ang kanilang kamag-anak. Makikita natin dito ang hindi nilang lubos na pag-iintindi sa kanyang gawain bilang Mesiyas. Subalit patuloy pa rin si Hesus sa pangangaral hindi dahil maraming tao ang humahanga at pumupuri sa kanya, kundi alam niya na ang mahalaga ay sundin ang kalooban ng kanyang Ama nating Diyos.

Hilingin natin sa Panginoon na tayo nawa ay maging karapat-dapat sa kanyang mga pagpapala at mga kaloob, upang gamitin natin ang mga ito para ipadama sa iba ang pag-ibig at katapatan niya na para sa lahat.

Reply

Ma. Luisa L. Belardo January 20, 2023 at 9:12 pm

Purihin ang Panginoon.

Reply

SAINSPOT January 21, 2023 at 6:52 am

SHARE & SUBSCRIBE:
https://www.youtube.com/watch?v=DQ0dctmgHQU

Kung isasaalang-alang mo ang mga paghihirap ni Hesus, hindi lamang yung pagkapako at kamatayan niya sa krus. marami pang pagdurusa ang tiniis niya para lamang makamit natin ang kaligtasan na inasam niya para sa atin. Hindi lang pisikal na pahirap, marami pang ibang mga pagdurusa na kasing hirap nito na kanyang tiniis. Kasama dito ang hindi siya maunawaan at tratuhin ng sariling pamilya na sira ulo siya. Maaaring sila’y naiinggit o napahiya dahil sa dami ng taong lumlapit at sa atensyon na natatanggap ni Hesus. Anuman ang nangyari, malinaw na sinubukan ng sariling mga kamag-anak ni Jesus na pigilan Siya sa paglilingkod at ginawan pa ng kwento na si Jesus ay nasisiraan na ng bait para wakasan ang Kanyang katanyagan.

Ang buhay pamilya ay dapat na isang komunidad ng pag-ibig, ngunit para sa ilan ito ay nagiging dahilan ng kalungkutan at pasakit. Bakit hinayaan ni Jesus ang Kanyang sarili na tiisin ang ganitong uri ng pagdurusa? upang makaugnay ito sa anuman at bawat pagdurusa na iyong pinagdadaanan sa sarili mong pamilya. Kaya, kapag bumaling ka sa Diyos sa panalangin kasama ang iyong mga nararanasan sa pamilya, ay makikita at mauunawaan mo na kaisa ka ni Hesus sa iyong kahirapan.

Reflect, today, upon any way that you need to surrender some hurt within your own family over to God. Turn to our Lord Who fully understands your struggles and invite His powerful and compassionate presence into your life so that He can transform all that you endure into His grace and mercy..

Aking mahabaging Panginoon, marami kang tiniis sa mundong ito, kasama na ang pagtanggi at pangungutya ng sarili mong pamilya. Iniaalay ko sa Iyo ang sarili kong pamilya at lalo na ang sakit na nararanasan ko na dulot nila. Mangyaring samahan mo ako sa lahat ng pinagdadaanan ko sa aking pamilya upang magawa kong ibahagi ang iyong pag-ibig sa mga taong higit na nangangailangan nito. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Merle Tejemo January 21, 2023 at 8:59 am

Purihin sambahin dakilain ang panginoon Jesus ng buwis ng kanyang buhay para tayo maligtas sa napakaraming kasalanan, Lord have mercy on us???

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: