Linggo, Disyembre 18, 2022

December 18, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-4 na Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon
Patnubay sa Misa

Tuwina tayong inaanyayahan ng Panginoong maging katambal Niya sa pagtupad ng Kanyang plano. Dahil sa ating mga kahinaan, ipanalangin natin ang Kanyang tulong sa atin at sa mga mahal natin. Tugon nati’y:

Panginoon, masunod nawa ang Iyong kalooban!

Nawa ang Simbahan ay lubos na manalig sa Diyos, lalo na sa harap ng pagsubok, at maging laging tapat sa Kanya. Manalangin tayo!

Nawa lahat ng nanunungkulan sa Simbahan ay makapagbigay ng magandang halimbawa ng pakikipagtulungan sa pagtupad ng plano ng Diyos. Manalangin tayo!

Nawa ang mga nagdurusa ay makatagpo sa pakikiisa ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan ng kailangan nilang lakas para sa pag-ayon sa plano ng Diyos para sa kanila. Manalangin tayo!

Nawa ang mga namamahala sa ating lipunan ay makapagbalak ng mga gawaing ganap na alinsunod sa mga utos at plano ng Diyos. Manalangin tayo!

Nawa ang ating kabataan ay makapagplano para sa kanilang kinabukasan alinsunod sa kalooban ng Diyos at sa tulong ng dasal at payo ng mga nakatatandang guro at gabay. Manalangin tayo!

Nawa lahat tayong nagsisimbang gabi ay magtotoo sa ating pangakong makipagtulungan sa pagtupad sa plano ng Diyos. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, biyayaan Mo kaming tumulad sa halimbawa ni Hesus na masunurin Mong Anak, at gawin Mong tapat na kasangkapan ng Iyong plano ang aming buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 15, 2019 at 11:11 pm

Pagninilay: Ang Ika-4 na Linggo ng Adbiyento ay ang huling Linggo sa ating paghahanda sa nalalapit na Dakilang Kaspistahan ng Pagsilang ng Panginoon sa Kapaskuhan, na siyang naging katuparan ng buong planong pangkaligtasan ng Diyos Ama. Noong Ikatlong Araw ng Simbang Gabi [Disyembre 18], narinig natin ang pagpapahayag ng anghel ng Panginoon ang magandang balitang ito sa panaginip ni San Jose. Ngayong Linggong ito, tunghayan po natin muli ang katauhan ni San Jose na asawa ng Mahal na Birhen at inatasang maging ama ni Hesukristo dito sa sangkalupaan. Ngunit bago pa mang mangyari ito, narinig natin sa Ebanghelyo ang kanyang sinaunang kabuhayan bilang isang karpintero at isang matuwid na lalaki. Sa kanyang katuwiran ay makikita ang pagpapasya ng kanyang mga plano sa Diyos. At nakita niya dito ang planong magpakasal kay Maria. Subalit nang malaman niya na siya’y buntis at dahil pumapasok sa isip niya na hindi pa niya kaya ang tungkulin na maging ama, dito siya’y nagdalawang-isip. Alam niya ang kautusan noon na kapag natagpuan ang mga babaeng hindi pa kasal na buntis, sila’y babatuhin kasama na ang mga kinasasangkot na mga kasintahan. Kaya ayaw ni Jose na mapahiya at mapahamak si Maria, kaya nagpasya na lang siya na iwanan ito sa tahimik na paraan. Ngunit nagbago ang kanyang isip nang dumating ang isang anghel ng Panginoon sa kanyang panaginip. Dito ipinahayag ng anghel kay Jose ang mabuting balita tungkol sa pagdating ng Emanuel, ang Diyos na sumasaatin, na siyang isisilang ng Birheng Mahal upang iligtas ng Mesiyas na ito ang sangkatuhan mula sa pagkakasala. Kaya nang magising si Jose, agad niyang tinupad ang planong Diyos sa pagpapakasal kay Maria at pagiging ama ni Hesukristo dito sa lupa. Makikita natin sa buhay ni San Jose ang kahalagahan ng pagiging matuwid hindi lang para hindi hayaaang mapahamak ang ibang tao, kundi upang makilala niya ang tunay na plano ng Panginoon. Sa kanyang pananaginip, ipinasya niya sa tulog kung paano niya idadala ang orihinal na plano na tahimik na iwanan si Maria. Ngunit n’ung hinayaan niyang pumasok ang Diyos sa kanyang plano, diyan pinakita niya na tunay siyang matuwid. Sabi nga sa Salmo na ang mga matuwid na nabubuhay nang mangaral ay sasagana kailanman. Bagamit walang linyang binabanggit ang sinabi ni San Jose, pinahalagahan niya ang aksyon na sundin ang kalooban ng Ama. Kaya sa ating buhay lalung-lalo tuwing Pasko, tularan natin si San Jose sa pagtutupad ng dakilang plano ng Panginoong Diyos.

Reply

ruel arcega December 17, 2022 at 8:57 am

Sa patuloy nating pagninilay sa simbang gabi, at sa ika-apat na linggo ng adbiyento, muli pinakikita sa atin ang plano nang Diyos ay matutupad, at ang Diyos ay gagawa ng paraan para matupad ito. Subalit hindi tayo pipilitin ng Diyos dahiil nga pinahahalagahan ng Diyos ay ating kalooban, subalit ipapaunawa sa atin ang magandang plano ng Diyos para sa atin. Ang ating pakikipag unayan sa plano ng Diyos at intrumento upang matupad ito’y nabibigay ito ng biyaya para lahat. Kaya’t inaanyayahan tyao nang Diyos na makipagugnayan tayo para sa ikakabuti ng lahat. Katulad ni San Joise nais niyang hiwalang si Maria subalit pinaliwag sa kanya ng Angel Gabriel ang plano nang Diyos para sa sanlibutan. Kaya’t nang ito’y naunawaan ito’y sumangayon sa plano ng Diyos hindi ang nais niya sa halip sinunod niya ang kalooban ng Diyos. At ngayon tayo ay nakikinabang sa magandang plano ito. Salamat kay San Jose dahil hindi ang gusto niya ang hinangad . Tingnan at pasalamatan natin ang mga tao nagsakripisyo para hangarin ang plano ng Diyos. Amen

Reply

Alfred B. Sugayan December 18, 2022 at 6:36 am

Patuloy nating pasalamatan at purihin ang Panginoon at Diyos Hesus, sa kanyang kabutihan at pagliligtas sa mga lubos na sumasampalataya sa kanya, amen.

Reply

Allen Manabat December 18, 2022 at 6:41 am

Mahiwaga ang buhay ng tao.

Binibigyang-inspirasyon tayo ni San Jose na harapin ang anuman at bawat misteryo o hiwaga sa buhay na ating makakaharap nang may lubos na pagtitiwala sa Diyos. Sabi nga sa awitin: Mahiwaga ang buhay ng tao, ang bukas ay di natin piho. At manalig lagi sana tayo, ang Diyos siyang pag-asa ng mundo.

Ang karunungan at mga paraan ng Diyos ay palaging malayo sa atin. Kadalasan sa buhay, tatawagin tayo ng Diyos na tahakin ang hindi alam at mahiwagang landas. Ang buhay ay hindi palaging may perpektong kahulugan mula sa isang makatuwirang pananaw. Kadalasan, dapat nating pahintulutan ang ating makataong katwiran na mabatid at mapangunahan ng supernatural na plano ng Diyos. Para sa bawat isa sa atin, ang mahiwagang landas na ito ay magkakaiba. Ngunit kung tayo ay lalakad sa parehong pananampalataya na mayroon si San Jose, kailangan nating tanggapin ang dakilang kalooban ng Diyos at hayaan nating ihayag niya sa atin sa pamamagitan ng kanyang salita.

Mahal kong San Jose, ikaw ay isang tao ng tunay na matuwid at may katapatan. Naging bukas ka at hinawarap ang hiwaga ng buhay na kahit hindi mo maintindihan ay sumunod ka dahil sa iyong pananampalataya. Ipagdasal mo ako na sana rin ako ay matuto sa iyo at mabigyang inspirasyon na tularan ang iyong buhay. San Jose, ipanalangin mo kami. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: