Sabado, Disyembre 17, 2022

December 17, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI ?– Ikalawang Araw
Patnubay sa Misa

Pinasisigla ng katapatan ng Diyos sa Kanyang mga pangako, pakumbaba nating idulog sa Kanya ang ating mga kahilingan para sa mga pangangailangan ng Simbahan at ng sangkatauhan. Tumugon tayong:

Panginoon, gawin Mo kaming tapat sa Iyo!

Para sa Simbahang Katolika at lahat ng Kristiyano: Nawa sa bisa ng Ebanghelyo, magkalapit-lapit ang lahat ng nananampalataya kay Kristo. Manalangin tayo!

Para sa mga inaalipin ng demonyo sa kanilang buhay na makasalanan: Nawa patnubayan sila ng Diyos upang magsimulang mamuhay nang tapat sa Ebang- helyo. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga nabiktima ng kawalan ng katarungan: Nawa ikintal ng diwa nitong Simbang Gabi sa kanilang mga puso ang pagpapatawad at kapayapaan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng Pilipinong mag-anak, lalo na iyong mga biktima ng paghihiwalay at kahirapan sa buhay: Nawa makatagpo sila sa kanilang Kristiyanong pananampalataya ng kailangan nilang lakas upang makaraos sa kanilang mga paghihirap. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat na naririto at sa ating mga ipinagdarasal: Nawa liwanagan ng ilaw ng Diyos ang ating mga puso at gamitin tayong kasangkapan ng Kanyang pagmamahal. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, Ikaw ang laging tapat at bukal ng lahat ng biyaya. Palakasin Mo kami upang matupad ang mga pangako sa aming binyag, lalo na ngayon sa aming Simbang Gabi. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

MU Francisco December 16, 2021 at 1:20 am

Ang tema sa ikalawang Simbang Gabi ay Ang kahalagahan at pagtanggap Ng ating Pamilya. Gaano natin kakilala Ang ating Pamilya? Kaninong angkan tayo nagmula? Anong kwento Ng ating angkan? Ilang mga katanungan na dumaan sa asking isipan. Sa unang pagbasa ipinapabatid sa atin Ang suporta ni Javcob sa kanyang Pamilya sa pamamagitan Ng pangangaral nito sa kanyang mga Anak sa pakikinig, paggalang, at pagtutulungan Lalo na sa panahon Ng paghihirap. Sa pag-aaral Ng pinagmulan Ng angkan Ng ating Panginoong Hesukristo o Genealogy masasabi nating walang perpektong Pamilya pero may ugnayan Ang Pamilya. Mula Kay Abraham na ama Ng ating pananampalataya, si Tamar na mapagpanggap, Ang haring David ay nagkasala Ng pakikipag-apid, si Tamar na Isang prostityot, at marami pang iba na Ang kwento nang angkan ni Hesus ay meron ding unos, dilim, at mga pagsubok. Ganun Hindi natapos Ang ugnayan nila at umabot Ng apat na pung henerasyon hanggang kina Jose, Maria, at Hesus. Ang hamon sa atin ay kilalanin at tanggapin Ang ating Pamilya at angkan. Ang simpleng kainan Ng sama-sama, tuloy-tuloy na Komunikasyon sa social media, pagdalo Ng mga pagdiriwang Ng Pamilya tulad Ng kasal, at reunion at marami pang iba ay isang pasasalamat na GinAgawa na nang aming angkan para Lalo pang mapatagtag Ang aming samahan.

Reply

Reynald Perez December 16, 2021 at 9:44 am

Pagninilay: Tayo ngayon ay nakapasok sa ikalawang bahagi ng Panahon ng Adbiyento mula ika-17 hanggang 24 ng Disyembre, kung saan pagninilayan natin ang mga pangyayari tungo sa katuparan ng ating kaligtasan sa Pagkatawang-tao ng ating Panginoong Hesukristo, na siyang ipagdiwang natin ngayong Pasko.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang simula ng panunulat ng Ebanghelistang si San Mateo. Ang pokus ng manunulat ng Ebanghelyo ay ang pagkatao ng ating Panginoong Hesus bilang katuparan ng mga propesiya sa Lumang Tipan. At makikita natin sa pagbasang ito ang isang talaan ng mga lahing pinagmulan ni Hesus. Ito yung ang kanyang mga ninuno mula sa 42 henerasyon (Abraham-Jose at Maria). At makikita sa talaang ito ang napakadaming ninuno ng ating Panginoon, kahit sila’y kilala o ‘di kilala.

Subalit makikita rin natin na mayroon silang kahinahan nang sila’y namumuhay. Si Abraham dati ay tilang nagsinungaling sa faraon sa Egipto nang sabihin niya na si Sara ang kanyang kapatid, na sa totoo ay ang kanyang asawa. Sa Jacob naman ay tilang nanloko ng kanyang panganay na kapatid na si Esau dahil ipinagbigay sa kanya ang karapatang pagiging “mapagpala”. Si Haring David naman ay nagnais na mapasakanya si Batseba, kaya’t hinayaan niyang mapatay si Urias sa harap ng labanan upang angkinin ang asawa nito. At si Haring Solomon ay kilala sa pagkakaroon ng 300 asawa at 700 na babae, at sila pa’y mga pagano na hindi naniniwala sa Diyos ng Israel.

Marami pang ibang kahinaan ang mga ninuno ni Hesus. Subalit mayroon ngang kasabihan: “Gumuguhit ang Diyos ng mga matuwid na landas mula sa mga baluktot na daan.” Sa kabila ng naging kahinaan nila, pinili pa rin sila ng Ama upang paglingkuran siya at ipaalala sa kanyang sambayanan ang kanyang dakilang presensiya. At sa pagtupad ng kanyang planong pangkaligtasan, isinugo ng Ama ang kanyang Bugtong na Anak na si Hesukristo, bagamat Diyos ay naging Tao at ipinangnak ng Mahal na Birheng Maria lalang ng Espiritu Santo.

Ang maari nating kuning aral mula sa Ebanghelyo ay ang katuwiran ng Diyos sa gitna ng mga kahinaan sa buhay. Lalung-lalo na sa buhay-pamilya, maraming pagsubok ang dinadaan ng pamilya, maski sa bawat iisang miyembro. Aminin man natin, wala pong perkpektong pamilya. Ngunit kahit walang perpektong pamilya ay bawat isa sa atin at bawat indibidwal ng mga grupo ay ginagawa ng Diyos bilang ganap ng kanyang pagmamahal. At ito yung ating ipagdiriwang sa darating na Kapaskuhan kung paanong dumating ang ating Panginoong Hesukristo sa ating katauhan nang hindi kailanman siya’y nagkasala upang iako at iugnay ang ating mga sarili patungo sa Ama nating Diyos.

Kaya nawa atin pong kilalanin ang Diyos sa bawat pagkakataon at katulad ng sinasabi sa Salmo na bagamat tayo’y nagkakasala at nagkukulang, tayo’y patuloy pa rin na mabuhay nang marangal upang sumagana pa kailanmanang ating buhay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño December 17, 2021 at 6:09 am

May kasabihan ang matatanda na “Kung anong puno ay syang bunga”. Subalit ito ay kasabihan lamang at maraming beses ng hindi tumugma sa maraming pamilya.

Katulad na lamang ng ebanghelyo ngayon, isinalaysay ang mga pangalan ng taong pinagmulan ng lahi ni Hesus. Sa mga taong nabanggit ay mga personlidad na nagkaroon ng mabibigat na kasalanan.

Patunay lamang ito na ano man ang ating nakaraan ay kaya nating baguhin. Para sa mga kabataan, kung ano ang nakikita mong maling mga gawain ng iyong mga magulang o matatandang kamag anak ay wag mong tularan, sundin mo ang kalooban ng Diyos. Sa atin naman mas mga nakakatanda ay mabuting ehemplo ang ating ipakita sa ating pamilya, wala man tayong yaman o aria arian na maiiwqn sa kanila ay maipamana man lang natin ang kabutihang asal at pgiging mabuting tao, turuan natin sila na magkaroon ng takot sa Diyos na huwag gumawa ng mga kabalastugan .

Walang perpekto, maging sa pamilya, maging ang pamilya ni Hesus. Pero nangangahulugan na gagamitin natin itong excuse palagi kapag gumagawa tayo ng kasalanan. Oo walang perpekto pero mayroon tayong choice, mamimili lamang tayo sa dalawang, ang tama at mali, ang masama at mabuti, ang udyok ng demonyo o ang kautusan ng Diyos, ang mapapahamak tayo o ang gagantimpalaan tayo ng Diyos. Ikaw na ang mamili.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: