Miyerkules, Disyembre 14, 2022

December 14, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
Miyerkules

Ihandog natin nang may isang puso at diwa ang ating mga panalangin sa Ama na hindi lamang nagpapatawad ng ating mga kasalanan bagkus nagpapagaling ng mga sugat na sanhi ng kasalanan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tanda ng awa at pagpapatawad ng Diyos sa buong mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lumayo sa Simbahan dahil sa kasalanan nawa’y matuklasan ang pagpapatawad ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilyang watak-watak at nagkakalayo nawa’y muling pagsamahin ng nagpapagaling na pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makadama ng ginhawa at pag-asa sa pamamagitan ng ating mga panalangin at mabubuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y maranasan ang liwanag ng walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos na aming Ama, tulungan mo kaming ihatid ang iyong pagpapatawad at kapayapaan sa mga taong aming nakakadaupang-palad. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 13, 2021 at 8:09 am

PAGNINILAY: Ngayong papalapit na tayo sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, ang ating gawain ngayong Adbiyento ay isang pananabik sa pagdating ng ating Panginoon.

Ang Unang Pagbasa ngayon ay ang paanyaya ng Diyos na patuloy na magtiwala sa kanya, at lumapit sa kanya upang sila’y mas pagpapalain. Ang pananampalataya at pagkilala sa kanya ay nangangahulugugang na maging tapat sa kanyang mga utos at ang tipan na mas kilalanin natin siya bilang Panginoon ng ating buhay.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagbabalita ng mga alagad ni San Juan Bautistang nakabilanggo tungkol sa kanyang pinsang si Hesukristo. Nabilanggo si Juan alang-alang sa paninindigan sa pagtutuwid ng kamalian nina Herodes at Herodias ukol sa kanilang pakikiapid. Kaya nagpadala siya ng mga mensahero kay Hesus upang malaman kung sino talaga nitong ipinahayag niya sa Ilog Jordan bilang Panginoong ipaghanda ng daan. At ang tugon ni Kristo ay ang kanyang mga magagandang gawain sa mga mahihirap, inaapi, mga maysakit, at iba pang nangangailangan ng tulong ng Diyos. At sinasabi rin ni Hesus na mapalad ang sumasampalataya sa kanya at sa kanyang ministeryo.

Ang Adbiyento ay isang panahon ng pagbabalik-loob at pamumuhay sa katuwiran at pamumuhay na ayon sa pamantayan ng Diyos. Si San Juan Bautista ang ating gabay upang tayo ay maghanda ng isang diretsong daan para patuloy na dumating ang Panginoon sa ating buhay. At higit dito ay si Hesus ay maging ehemplo natin upang ipagdala natin ang kagandahang-loob ng Diyos, lalung-lalo na sa mga nangangailangan nito.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño December 15, 2021 at 10:05 am

Ang aral at hamon ng Unang Pagbasa ay ito:

Kung mangangagsisi at hindi na babalik sa gawang masama ay pauunlarin ng Diyos ang iyong buhay at bibigyan ng sunod sunod na tagumpay. Pagnilayan natin ito suriin ang ating mga sarili, tayo ay nagsisi sa mga kabalastugan natin at nagsisikap na matalikuran na ang kasamaan o nagpapakasarap pa din sa mga alok ng demonyo na sa bandang huli ay siguradong kapahamakan at kapighatian ang dala. Ikaw na ang mamili kapatid.

Sa ating ebanghelyo naman ngayon ay pagpapa-alala sa atin na anupa’t may alinlangan ka pa din kay Hesus. Hindi pa ba sapat ang lahat ng iyong nakikita magsimula sa araw, sa mga bituin, ang lahat ng mga nilalang sa dagat, hinpapawid at lupa? Maging ang buhay mo. Ang Diyos lamang ay may kayang maglalang ng mga ito, ang Diyos lamang ang may kapangyarihan, ang Diyos na nagmamahal sa atin ng lubos, ang Diyos na may kayang gawin ang imposible, ang Diyos na kayang ibigay sayo ang lahat at kayang bawiin sayo lahat. Kaya’t nararapat na papurihan natin ang Diyos, pasalamatan araw araw mula sa maliliit at malaking bagay, at higit sa lahat sundin ang kalooban nya, sundin ang kautusan nya, mahalin ang Diyos at ang ating kapwa at sya na ang bahala sa iyo. Tanggalin na ang pangamba at mamuhay ng maligaya na may relasyon kay Kristo.

Reply

Alfred B. Sugayan December 14, 2022 at 7:41 am

Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa Panginoong Diyos Hesus,amen.

Reply

Merly Tejemo December 14, 2022 at 8:55 am

Pinupuri sinasamba ka namin panginoong Jesus ikaw ang aming kalakasan, kapayapaan ng aming buhay habang kami’y nabubuhay…??

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: