Huwebes, Oktubre 20, 2022

October 20, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Maaaring dumating sa atin ang mga pagsubok at mga suliranin. Subalit bunga ng ating buong pagtitiwala sa kalooban ng Diyos Ama, patuloy tayong nananalig na hindi siya magkukulang sa kanyang pangako.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin mong karapat-dapat ang aming buhay sa iyo, O Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan na hayagang inuusig nawa’y mabigyan ng tapang at lakas upang manatili sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y magkaroon ng lakas at tapang na patnubayan ang kanilang mga anak sa pamamaraan ng pananampalataya at Kristiyanong pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pamilya at mga komunidad na pinaghihiwalay ng pagkakaiba ng relihiyon nawa’y matagpuan ang katotohanan at magpakita ng paggalang sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga matatanda, at mga may kapansanan nawa’y tumanggap ng pag-ibig at pagkalinga mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y maging maligaya magpakailanman sa Kaharian ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, ipinadala mo ang iyong Anak upang tulungan kami sa aming mga paghihirap. Kalingain mo kami sa aming mga sakit at bigyang lakas kami upang laging makatugon nang may pananalig sa iyong salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 24, 2018 at 4:59 pm

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ay isa sa mga kontrobersyal na pahayag ng ating Panginoong Hesukristo. Unang sinabi ni Hesus na naparito siya upang ipadala ang apoy ng lupa at ito’y magnangis na. Ang nais niyang ipahiwatig na ang apoy ay sumusimbolo sa pag-aalab na dala ng Espiritu Santo. Ito ang magpapaningning sa tao tungo sa liwanag ni Kristo. Kaya ang binyag na ninanais ni Hesus ay nagmumula sa Espiritung iyon. Minsan nga sinabi ni Santa Catalina ng Siena: “Be who God wants you to be, and you will set the world on fire.” Tayong mga Kristiyano ay inaanayayahang maging apoy hindi lang panariwain ang init ng pag-ibig ng Diyos, kundi pati na rin ipagdala ang kanyang liwanag sa lahat, lalung-lalo ang mga nasa kadiliman dulot ng kasalanan. Ikalawang pahayag ni Hesus ay hindi siya naparito upang magbigay ng kapayapaan, kundi ang pagkbaha-bahagi. Sinasabi rin dito sa Ebanghelyo ang hidwaan ng dalawa laban sa tatlo, ama laban sa anak na lalaki, ina laban sa anak na babae, at biyenan laban sa manugang. Hindi ito nangangahulugang si Hesus ay nagsasaya dahil sa pagkawatak-watak ng mga tao, kundi ito ay nagsisilbing babala sa atin tungkol sa mga pagkakataong hindi tanggap ng ilan ang mga mensahe ng Panginoon. Kahit pinipilit ng mga mananampalataya sa mga hindi naniniwala na ilagay ang pananampalataya sa Panginoon, marami pa rin ang ayaw makinig at minsan umaabot hanggang sa punto ng pagsasalungat. Sa kabuuan, ang gustong ipunto ng Panginoon na sa panahon ng mga ganitong pagsubok sa buhay, ang hindi matitinag ay ang pagmamhal ng Diyos sa ating lahat. Bagamat tayo’y mga tao lamang na may posibilidad na magkasala, patuloy tayong mamahalin ng Panginoon habambuhay upang tayo’y mas lumapit sa kanya. At ganun rin ang ating ituturing sa mga ibang taong nagsuway sa kanya na sana iakay natin sila sa pamamagitan ng pagmamahal tungo sa Panginoon na siyang dala ang apoy ng liwanag.

Reply

Melba G. De Asis October 25, 2018 at 5:49 pm

Nawa’y maging gabay sa aking buhay sa lahat ng oras ang liwanag at init ng apoy na dala mo dito sa lupa. Patawad Panginoon na may pagkakataon na nakakagawa ako ng mga bagay na di naaayon sa iyong mga ipinag-uutos, salamat Lord sa kabila ng mga ito ay andyan ka at ipinadarama mo pa rin ang Iyong pagmamahal at di mo ako pinababayaan sa aking mga pangangailangan. For all these Lord, I praise you and I thank you. Amen

Reply

Ellen Puso Soriano October 20, 2022 at 6:17 am

Maraming salamat po o DIOS sa mensahi mo name nagbigay ng liwanag at Angie’s apoy ng iyong pag-ibig naway pag-alabin mo sa aking buhay upang lubusang mabago at lumakad sa kaliwanagan mula sayo. Ikaw lamang ang pag-asa at gabay.. Ang ningas ng apoy ay simbolo ng paghubog upang dalisayin ang mga pusong nagmatigas sumunod sa kaluoban ng DIOS. soya’y naparitu taglay ang kapangyarihang nagsasaad ng paglaban-laban ngunit ang katutuhanan ay labanan sa kabutihan ang lahat ng masamang layunin ng Diablo sa ating buhay. Binigyan tau ng awareness ng DIOS sa pamamagitan ng babala back ito. Upang hwag mahulog sa impiyerno ang ating kaluluwa. Don wala ng pag-asa sapagkat ang apoy na un ay walang katapusan. Kaya gumising tayo sa katutuhanan at tanggapin at sundin ang kaluoban ng Dios.. Pagsisihan at talikdan ang mga kasalanang nagawa.. Isuko sa Dios at mamuhay na kasama ang panginoong Hesukristo.. Amen

Reply

Roben Hur Sean L. Mariano October 20, 2022 at 9:05 am

Panginoon Diyos namin, nawa’y patuloy po ninyong pag-alabin ang apoy na pinadala ninyo sa bawat puso ng mga anak mo at patuloy lang kaming lumaban at bumangon sa mga pagsubok na pinagdaraanan namin. Ganun rin para sa aming bansang Pilipinas, patnubayan at gabayan nawa ng iyong banal na Espiritu ang mga namumuno sa aming bansa at kapakanan ng bawat pilipino ang kanilang unahin at hindi ang kanilang pang sariling kapakanan. Ang lahat ng ito ay tinataas ko na po thru the intercession of our Blessed Mother Mary and in mighty Jesus name. Amen. ???

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: