Miyerkules, Setyembre 28, 2022

September 28, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Iniluluhog natin sa Diyos Ama ang ating mga pangangailangan dahil tinawag tayo ng kanyang Anak na si Jesus upang sundan siya. Manalangin tayo nang may pananalig para sa biyaya na tanggapin ang pagtawag na ito.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming ganap kay Kristo.

Ang mga pinuno ng Simbahan at lahat ng nagpapahayag ng Salita ng Diyos nawa’y masigasig na magpatuloy sa kanilang pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating komunidad nawa’y mapanibago sa araw-araw sa pamamagitan ng pananampalataya sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa mas maganda at mabuting buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nawalan na ng pag-asa dahil sa mga kasalanan nawa’y mapagtanto na kasama nating naglalakbay ang ating Panginoon at tinutulungan tayo sa pagpasan ng ating krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga pinahina ng karamdaman o pagkakasakit nawa’y mabigyang lakas-loob ng kasiyahang mula sa Diyos sa pamamagitan ng kalinga at pag-aaruga ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na sumunod kay Jesus sa buhay na ito nawa’y makapasok sa walang hanggang presensya ng Diyos sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa langit, sa aming pagnanais na sumunod sa yapak ng iyong Anak, gawin mo kaming iisa sa isip at puso sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

ruel arcega September 27, 2022 at 11:08 am

Ang pagsunod kay Hesus ang ebanghelo natin , maraming nagnais sumunod kay Hesus subalit meron silang dapat iwan at meron silang iisa lang ang dapat gawin. Pero bago iwan anu dapat gawin natin sa pagsunod kay Hesus dahil ang unang dapag gawin ay dapay si Hesus ang iyong laman ng buhay, sa puso , sa diwa at gawa dahil kapag ito ang laman ng buhay mo marami kang iiwan sa susunod sa kanya. Una iiwan mo ang mga worries mo sa buhay o mga alalahain, dahil ang lahat ng ito ay si Hesus ay bahala sa mga ito. At hindi tayo pababayaan ni Hesus sa pagsunod sa kanya, dahil ginagawa ito ni Hesus para din sa atin upang walang maging sagabal sa buong pagsunod sa kanya. Total commitment ang hinihiling ni Hesus sa pagsunod sa kanya . At dahil kalakip nito ay walang hanggang pagbibigay ng biyaya ni Hesus sa mga sumusunod sa kanya.

Reply

Reynald Perez September 28, 2022 at 4:54 am

PAGNINLAY: Sa ating Ebanghelyo (Lucas 9:57-62), tumawag si Hesus ng mga ibang tao upang sumunod sa kanya. Subalit makikita natin ang mga hadlang na nagpapahinto sa kanila upang maging tagasunod ni Kristo. Ito ay dahilan sa mga makamundong bagay katulad ng ari-arian, pagkaabala, at ibang priyoridad sa buhay. Kaya ang hamon ni Hesus sa mga taong iyon na ang pagiging alagad niya ay kinakailangang gawing prioridad siya sa ating buhay, bumaklas sa mga marangyang bagay, at ipasa-Diyos ang ating magiging buhay habang sinusundan natin si Kristo.

Sa Unang Pagbasa (Job 9:1-12, 14-16), natunghayan natin ang kwento ng matuwid na taong si Job, na nawala ang lahat ng mayroon siya dahil sa mga paghihirap na binigay sa kanya ni Satanas. Tila nga ba’y pinabayaan ng Panginoong Diyos na dumanas si Job ng malaking dagok na ito. Subalit patuloy na nagtiwala ang taong ito sa Diyos sapagkat alam niya kung ano ang inihanda ng Panginoon para sa kanya upang lalo pa siyang maging matatag sa pananalig at kagandahang-loob. Kaya tuwing tayo’y nagdurusa ng anumang paraan, huwag tayong bumitaw, kundi kumapit lang tayo sa Diyos. Higit pa kay Job ay ang pagtalima ng ating Panginoong Hesukristo sa dakilang kalooban, hanggang sa kamatayan sa Krus upang tayo’y magkaroon ng kaligtasan mula sa ating mga pagkakasala.

Reply

Ellen Puso Soriano September 28, 2022 at 5:12 am

San unang pagbasa ipinagayag ni JOB ANG KATUTUHANAN NG DIOS AT ANG MAKAPANGYARIHANG MGA GAWA.. AT WALANG MAKAPAPANTAY NITO.. AT TUNAY NGANG SIYA LANG ANG ATING SANDIGAN AT PAG-ASA.. KAYA KAILANGAN NATING MAKINIG SA KANYANG PANAWAGAN.MANALANGIN ARAW2 AT HINGIN SA PANGINOO’Y DINGGIN ANG ATING PAGSAMO AT ISUKO ANG LAHAT NATING MGA KASALANANG NAGAWA. PAGKAT BATID NIYA ANG LAHAT AT SIYA LAMANG ANG PAG-ASA SA SANGKATAUHAN..
KATULAD SA EBANGHELYONG ATING NAPAGNILAYAN.. MAY TATLONG TAONG NABANGGIT DITO. UNA AY NAGNAIS SUMUNOD KAY JESUS KAHIT SAN MAN PAROROON SI JESUS.. SUBALIT SINABI NI HESUS SA TAONG ITO. NGUNIT SINABI NI JESUS MAY LUNGGA ANG ASONG GUBAT AT MAY PUGAD ANG MGA IBON, NGUNIT ANG ANAK NG TAO AY WALA MAN LAmang matulugan o mapagpahingaan.
Ang pangalawa kataga ay ang pag-anyaya ni JESUS sa Isa na sumunod ka sa akin subalit may excuses pang namagitan sapagkat kailangan muna niyang ipalibing ang kanyang ama.. But JESUS answered him. Hayaan muna ang mga patay ang maglibing sa kanya.. Sapagkat nais ng DIOS na humayo siya at ipahayag ang paghahari ng DIOS.. ITO ANG ATING MISSION SA IBABAW NG MUNDO NA NAIS NG DIOS SA BUHAY NATIN DITO SA IBABAW NG MUNDO.. AT SINABI NIYA SA PANGHULING MINSAHI NA ANG SINU MANG At ang huliNG BINANGGIT NI JESUS AY ANG ISANG TAONG NAG-AARARO AT LAGING LUMILINGON SA PINANGGALINGAN AY HINDI KARAPAT DAPAT SA PAGHAHARI NG DIOS. KUNG IISIPIN PARANG MAHIRAP GAWIN.LALO NA SA ATING MGA MAHAL SA BUHAY KUNG MAY MANGYARI. TELA AYAW NATING IWANAN… MAGING SA MGA BISYO O PAGKAHUMALING SA MAKAMUNDONG BAGAY. AYAW NATING TALIKDAN. NGUNIT SA EBANGHELYONG NAPAKINGGAN AT ITINURURO NI JESUS ANG NARARAPAT GAWIN KUNG NAIS NATING SUMUNOD SA KANYA…

MANALANGIN TAYO.

PANGINOON HESUS PATAWAD PO KUNG NAGING PRIORITY PARIN NAMIN ANG MGA BAGAY DITO SA MUNDO.. ANG PAGKAHUMALING SA MAKASANLIBUTANG PAGNANASA..WALANG PAKUNDANGAN PAGSASAYA AT PAGSAWALANG BAHALA SA IYONG PANAWAGAN. NA SUMUNOD SAYO AT IHAYAG ANG IYONG PAGHAHARI SA AMING MGA BUHAY. TULONGAN MO KAMING MAKALAYA SA MGA BAGAY NA ITO AT TALIKDAN NG LUBUSAN ANG MAKAMUNDONG PAGNANASA. MATUTU NAWA KAMING MAGPAHALAGA SA IYONG MGA BANAL NA SALITA AT MAGMAHAL SA AMING KAPWA LALO’T HIGIT SA PAGBIGAY TULONG SA MGA DUKHA MAMUHAY NAWA KAMI NA NAAAYON SA IYONG KALOOBAN. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: