Huwebes, Hunyo 9, 2022

June 9, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-10 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Manalangin tayo sa Diyos upang makapaghatid sa sanlibutan ng kaligayahan ng pakikipagkasundo tayong mga nakaranas ng kanyang pagpapatawad.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, gawin Mo kaming daluyan ng iyong kapayapaan.

Ang Simbahan nawa’y maging tunay na sakramento sa sandaigdigan sa pamamagitan ng pakikipagkasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga taong sumumpang manungkulan para itaguyod nang matuwid ang katarungan at kalayaang pantao nawa’y hindi magparatang at maghimagsik, at sa halip ay kilalanin at supilin ang kasalanan sa kanilang sariling mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa na nagkalayo o naging malayo ang kalooban sa isa’t isa nawa’y matutong magpatawad, umunawa at kalugdang muli ang isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hilumin sa ating pagmamataas at maging mapagkumbaba na tanggapin ang ating pagkukulang at pagkakamali para mamuhay tayo nang mapayapa na kapiling ang ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nawa’y mabuhay sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ilayo mo kami sa katigasan ng puso at ipaubaya mo na lagi kaming maging handang lumapit sa pakikipagkasundo at hilumin ang anumang uri ng pagkakahiwa-hiwalay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

ruel arcega June 9, 2022 at 7:07 am

Sa unang bahagi ng ebanghelyo, ay nais ni Hesus na huwag natin tularan ang ginagawa ng mga ilang pariseo at eskriba sa pagsunod sa batas ng Diyos. Dahil sila’y mga mapangibabaw, Kaya’t sinabi niya na hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos ang mga tumutulad ng mga taong mga mapangibabaw. Na ibig sabihin ay hindi mga totoo ang kanilang hangarin at ito’y kasinungalingan. Ang ama ng kasinungalingan ay si satanas. Siya’y pinalabas sa kaharian ng Diyos. Kaya ang pagtulad ng iba sa ginagawa ng mga pariseo at eskriba sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay ay hindi makakapasok .Kaya’t kung ating susuruin ang mga dapat na pamamaraan na ibinahagi ni Hesus ay mararamdaman mo na ito nagmumula sa malinis na puso. Dahil ang may malinis na puso ay nakikita ang Diyos. At kung nakikita mo ang Diyos sa iyong puso ng tao ay hindi ka mapoot sa kapwa mo, hindi ka magtatanim ng galit sa kapwa mo at ang hangad mo ay kapakumbabaan. Ikaw ay makakapasok sa kaharian ng Diyos.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño June 9, 2022 at 9:15 am

Ano ang aral at hamon sa atin ng ebanghelyo ngayon?

Totoong namang hindi ganun kadali ang magpatawad, lalo na kung mabigat ang nagawa sa ating kasalanan. At ang kadalasang nasa isip natin ay maghiganti o ipanalangin na may masamang mangyari sa taong iyon. Pero hindi ganyan ang nais ni Hesus na gawin nating hakbang kapag may nakasakit sa atin. Kung tayo ay nananalig sa Diyos at nais nating makasunod sa kanya ay dapat na pag aralan natin ang pagpapatawad. Kung tayo ay nagsisimba subalit may kapatid o taong kinasasamaan ng loob at hindi rin tayo kalulugdan ng Diyos.

Alisin natin ang poot sa ating dibdib wala itong idudulot na maganda sa atin, mawawalan pa tayo ng peace of mind. Hindi na ito usapan kung sino ang may kasalanan, sino ang nauna, sino ang nakasakit, sino ang traydor, ito ay usapan mg pakikipagkasundo kahit pa sa plagay mo ay wala kang ginawang mali sa taong ito. Oo mahirap pero kaya. Kung nais talaga nating makasunod kay Hesus at kalugdan tayo ng Diyos ay matuto tayong magpatawad upang tayo ay patawarin din ng Panginoon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: