Linggo, Enero 30, 2022

January 30, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Patnubay sa Misa

Sa Bautismo, nagingkabahagi tayo ng misyon ni Hesus. Nakababatid sa kahirapan ng pagiging tapat na propeta sa ating lipunan, manalangin tayo:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Na ang buong Simbahan, sa ilalim ng kanyang mga namumuno, ay makatupad sa kanyang misyong magpahayag ng Salita ng Diyos sa lahat ng tao, manalangin tayo!

Na lahat ng mananampalataya ay tapat na tumupad sa kanilang tungkulin bilang mga propeta ng Diyos sa kani-kanilang lugar, manalangin tayo!

Na ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang kapangakuang magtaguyod ng katarungan ay buong tapang na magsikap sa kanilang misyon, manalangin tayo!

Na magtagumpay sa kanilang kapuri-puring gawain ang mga nagsisikap para sa pagkakasundo, manalangin tayo!

Na ang mga nahihirapang magmahal na tulad ng ginawa ni Kristo ay magpunyagi nang di nakalilimot na ang pagmamahal ay siya pa ring mahalaga sa buhay na ito at sa kabilang buhay, manalangin tayo!

Na ang lahat ng mga kabilang sa apostolikong Biblikal ay umani ng mga masaganang bunga ng kanilang mga pagsisikap, at hindi kailanman panghinaan ng loob sa mga minsanang pagsalungat o pagtalikod, manalangin tayo!

Na, sa pagdiriwang natin ng Pambansang Linggo ng Bibliya, ito ay ituring nating hamon na basahin ang Salita ng Diyos araw-araw, pakinggan ang Kanyang mensahe, at isabuhay ito, manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.)
Manalangin tayo!

Panginoon, bigyan Mo kami ng tapang, dunong, at katapatan sa aming misyong maging propeta sa harap ng panunuligsa o pagpapahirap. Ikaw na nabubuhay o naghahari nang walang hanggan. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Meil Udiel Francisco January 31, 2019 at 9:20 pm

Nagmahal, Nasaktan, Nagpatawad, at patuloy na Nagmamahal! Magandang Umaga po sa ating lahat mga Kapatid kay Kristo!

Noong huling lingo tayo ay nagnilay sa tunay na Simbahan; Si Kristo ang Ulo at tayo ang kanyang mga katawan ng Simbahan. Ngayong ika-apat na Linggo sa karaniwang panahon ipinaparamdam sa atin n gating Panginoon kung gaano niya tayo kamahal bilang isang Simbahan. Ating napakingan kay Propeta Jeremiah, “Bago ka ipinaglihi, kilala na kita. Bago ka ipinanganak, itinalaga kita sa akin upang maging propeta sa lahat ng bansa.” Sa isang relasyon bilang magkaibigan o magkasintahan napakahalaga na malaman natin na tayo’y kilala hindi lang sa pangalan sapagkat ito’y nagdadala sa atin ng malalim na ugnayan sa isa’t isa. Lumalabas ang tiwala at nagbubukas ito ng maraming mga oppurtunidad para humaba pa ang isang relasyon. Ika nga sa Ingles, “Do not talk to the strangers because they are not safe to talk with.
Ganun pa man, may mga panahong tayo’y hindi natatanggap dahil sa mga bagay na iba tayo mag-isip, magsalita at gumawa tulad ng mga propeta bago pa dumating si Hesus. Sa Banal na Ebanghelyo na ating napakinggan, naramdaman din ni Hesus na hindi matanggap sa sarili niyang bayan ngunit siya’y hindi nagpasindak at ipinagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa nakakarami na ating mapapakingan sa mga susunod na pagbasa ngayong linggo. Kaya, mga Kapatid patuloy natin isalaysay ang dulot na kaligtasan ni Hesus sa ating lahat sa pamamagitan nang taimtim na panalangin lalong lalo na sa mga Kapatid natin na may pinagdadaanan, namatayan, at mga nagdurusa sa digmaan. Ipagpatuloy din natin ang pagmamahalan at pagpapatawad upang makamtan natin ang kapayapaan na ibinibigay sa atin ni Kristo. Amen.

Reply

Reynald Perez January 22, 2022 at 1:27 pm

PAGNINILAY: Natunghayan ng Diyos ang pagwawalang-bahala ng tao sa kanyang katapatan at mabuting kalooban. Kaya hinangad niya ang kaligtasan ng sangkatauhan mula sa pagsusuway at pagtatalikod sa kanya. Subalit ipinapahayag sa atin na bagamat nagsugo siya ng mga propeta upang ituro ang katuwiran at kabutihan, tumigas pa rin ang puso ng kanyang bayan. Gayunpaman itinuloy ng Diyos ang kanyang magandang plano ng kaligtasan alang-alang sa kanyang pagmamahal sa mundo.

Si Propetang Jeremias ay nabuhay 700 taon bago dumating ang Kristo. Tinawag siya kahit noong nasa sinapupunan pa nito upang ipahayag ang mensahe ng Diyos sa bayang labis na tumalikod sa kanya. Kaya nagduda si Jeremias sapagkat isinaalang-alang niya ang kanyang pagiging “bata”. At ipinahiwatig ng Panginoon sa kanya na ang pagiging “bata” ay hindi dapat maging hadlang upang ipahayag ang mahalagang mensahe na ito, sapagkat ang Diyos ay nangako at nagtalaga ng kanyang presensiya, kaya dito itinalaga si Jeremias bilang propeta. Ang katauhan ni Propetang Jeremias ay nagbigay-daan sa katauhan ng Panginoong Hesukristo, ang Bugtong na Anak na isinugo ng Diyos Ama sa takdang katuparan ng oras.

At ang Ebanghelyo ay pagtutuloy sa Ebanghelyo noong nakaraang Linggo. Si Hesus na puno ng kapangyarihan ng Espiritu ay nagpahayag ng kanyang misyon ayon sa propesiya ni Isaias habang siya’y nangangaral sa sinagoga sa Nazaret, at dito’y nagduda ang kanyang mga kababayan sapagkat nakilala na siya at ang kanyang ama na si San Jose, na itinuring nila bilang isang karpintero. Kaya ang naging tugon ni Hesus ay walang propetang tinatanggap sa kanyang sariling bayan. At dito ipinapahiwatig ni San Lucas ang kaligtasan ng Diyos na para sa lahat. Kaya 2 pangyayari sa Lumang Tapan ang ipinahiwatig ni Hesus, na kung saan biniyayaan ng Diyos ang balo ng Sarepat dahil sa kanyang tapat na paglilingkod kay Elias at kay Naaman na taga-Siria sapagkat tumalima siya na sumunod sa payo ni Eliseo na 7 beses na ibabad ang kanyang sarili sa Ilog Jordan. Subalit tumindig ang galit ng mga taga-Nazaret sa puntong inilabas nila si Hesus upang ipataboy siya mula sa matataas na burol, ngunit pinigilan niya sila at umalis sa gitna nila.

Makikita dito ang malungkot na pangyayaring hindi tinanggap si Kristo ng kanyang mga sariling kababayan. Una ay nasanay na sila sa naging katauhan ni Hesus dati noong bata pa ito, at ikalawa ay ang kanilang pag-iisip na ang kaligtasan lamang ay ibibigay lamang daw sa mga Hudyo. Subalit dahil sa katapatan ni Hesus na sundin ang kalooban ng Ama, siya’y patuloy na nagpahugot ng lakas sa panalangin, pangangaral, at paggawa ng mga kababalaghan. At sa hantungan ng kanyang buhay, siya’y nagpakasakit, namatay, at muling nabuhay upang magkaroon tayo ng bagong buhay at karapatang tawaging mga “anak ng Kataas-taasang Diyos”.

Kaya narinig natin sa Ikalawang Pagbasa ang isa sa mga pinapaboritong Biblical passages, ang 1 Corinto 13. Ngunit higit pa sa pagiging “favorite Bible verse” ay ang pagsasabuhay ng naging misyon ni San Pablo nang matunghayan niya ang Panginoon sa daan patungo Damasco hanggang sa buong buhay niya, na ang pagmamahal ay nagmula sa Diyos at itong pagmamahal ay dapat ginagamit sa tama at mabuting paraan. Nawa sa ating buhay ay tanggapin natin ang Panginoon sa ating buhay at tugunin ang panawagang maging mga “kontemporaryong propeta” sa pakikibahagi at pagsasaksihan ang kanyang kagandang-loob sa pananampalataya, pagmamahal, at pag-ibig.

Reply

Marlon Nebres January 24, 2022 at 3:43 pm

Salamat sa Diyos sa mga biyayang ibinigay niya sa amin at sa pagkakapit ko sa Salita ng Diyos at kay Hesukristo.

Reply

ruel arcega January 28, 2022 at 7:06 am

Salamat sa Diyos, na aking narinig ,ngbigay ito sa akin ng buhay at ganap upang akong maging mabuting anak ng Diyos. Ang tunay na anak ng Diyos ay marunong makinig, umunawa at gawin ang natanggap ayon sa kalooban ng Ama. Ito ang nais ipahiwatig ng Ebanghelyo. Ang nakikinig ng Salita ng Diyos at tumanggap at sundin ay pagkakalooban ng mga biyaya ng kagalingan, kaligtasan at bagong buhay sa Diyos. Amen

Reply

Ellen Puso Soriano January 29, 2022 at 6:43 am

Maraming salmat sa DIOS sa mga minsahi niya sa aking buhay.bagamat hindi kopa kayang ibahagi ito o ishare sa iba ngunit naniwala akong darating ang panahon nanopagkaloob ng DIOS sa akin. Bigyan nawa niya ako ng sapat na kaalaman upang maisagaw ko ang nais niya sa buhay ko.
Mahal na Panginoon Hesus Ikaw ang hari ng aking buhay..at handang sumunod sa kalooban mo. Patawarin mo nawa ako sa lahat ng aking mga kasalanan at baguhin mo ang aking buhay.nais kp ang isang bubay na naaayon sa mga plano.mo at isbuhay ang mga banal mong salita, at makalaya sa aba kong kalahayan amen

Reply

Erwin Cabrera January 29, 2022 at 1:12 pm

Unang Pagabasa mula sa Aklat ni Propeta Jeremias –
Isang paalala sa ating lahat na ang ating buhay ay alam na ng Diyos; mula sa tayo ay mamulat sa mundong ito; Tayo din ay inuutusan ng Panginoon para humayo at huwag matakot ipalaganap ang mabuting balta ng Panginoon.

Sa panahon ngayon madali ng mag pa laganap ng balita ng Diyos; huwag lang fake news na gawa gawa ni Matites; marami ng venues o daan paano, sa Messenger, sa facebook, sa Viber, paraan para ipalaganap ang pagmamahal ng Diyos sa ating lahat;

Pangako ng Diyos kay Jeremias;
Ngunit gagawin kitang sintibay ng isang lungsod na naliligid ng mga muog, sintatag ng haliging bakal, o pader na tanso. Hindi ka nila matatalo sapagkat ako ang mag-iingat sa iyon. Akong Panginoon ang nagsasabi nito.”

Ito rin ang Pangako nya sa atin. Amen.

Reply

Ferdy Baetiong Parino January 30, 2022 at 12:10 pm

Mga aral at hamon ng mga pagbasa:

Unang Pagbasa
Ang katuparan ng pangako ng Diyos sa atin, walang kayang gumiba sa atin kung tayo ay sumusunod sa mga kautusan sapagkat panig sya sa atin. Ituloy mo lamang ang tamang asal at wag sumuway sa sampung utos ng Diyos at wala ka nag dapat pang alalahanin dahil hatid nito ay lubos nakaligayan ag kapayapaan ng puso’t isipan.

Ikalawang Pagbasa
Ang buod ay “pag-ibig”. Walang saysay ang anumanh gawain kung wala ang pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Ebanghelyo
Sa buhay natin ay hindi lahat ay aayon sa atin maging ang ating mismong kapamilya, kamag anak o mga tinuturing mong kaibigan.. Pero ipagpatuloy mo lamang ang paggawa ng mabuti at pagapapatotoo kay Hesus. Bukod sa kabutihang asal ay may tungkulin din tayong ipalaganap ang Mabuting Balita ay ipabatid sa kapwa ang kaligayahan at pag-asang dala ng Salita ng Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: