Miyerkules, Nobyembre 24, 2021

November 24, 2021

PANALANGIN NG BAYAN

Mapagmahal na Diyos, lumalapit kami sa iyo bilang isang Simbahang nagmula sa Krus ni Kristo, isang Simbahang lumaganap sa loob ng dalawang libong taon mula sa maluwalhating dugo ng mga martir.

Ating itugon:
Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.

Mula sa diskriminasyon laban sa mga mananampalataya at laban sa buong Simbahan.

Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.

Mula sa kadiliman ng mga bilangguan at sa kalungkutan ng pagkakatapon dahil sa aming pananampalataya kay Kristo

Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.

Sa matinding pagkabagabag ng pagsamba nang patago sapagkat hindi ito pinapahintulutan.

Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.

Mula sa kawalang-katarungan, digmaan, terorismo, pagpapahirap, pagpatay at lahat ng uri ng pasakit dahil sa aming pananampalatayang Kristiyano

Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.

Sa pasakit na dulot ng coronavirus, lalong-lalo na para sa mga frontliner na nag-aalay ng kanilang buhay sa ikaliligtas ng lahat

Iligtas mo ang iyong sambayanan, Panginoon.

Atin ngayong itugon sa bawat pagsamo:
Sa iyo Panginoon kami umaasa!

Para sa mga Obispo at paring pinagbabawalang isagawa ang kanilang ministeryo sa Simbahan o sa anumang lugar.

Sa iyo Panginoon kami umaasa!

Para sa mga relihiyoso at mga misyonerong inihayo subalit hindi maisagawa ang kanilang misyon

Sa iyo Panginoon kami umaasa!

Para sa mga bukas-palad na lalaki at babaing pinipigilang maisakatuparan ang kanilang paghuhubog sa buhay relihiyoso

Sa iyo Panginoon kami umaasa!

Para sa mga magulang na nawawalan ng pagkakataong makapagbigay ng tamang aral sa pananampalataya sa kanilang mga anak.

Sa iyo Panginoon kami umaasa!

Sa mga propesyunal at mga ordinaryong manggagawang hindi mabigyan ng pantay na karapatan at oportunidad dahil sa kanilang pananampalataya.

Sa iyo Panginoon kami umaasa!

Sa mga kapatid nating nagdurusa dahil sa COVID19, ihatid nawa sila sa kagalingan at bigyan ng lakas at pag-asa

Sa iyo Panginoon kami umaasa!

Sa mga pumanaw dahil sa COVID19, kamtin nawa nila ang kaligayahang walang hanggan sa piling ng Panginoon.

Sa iyo Panginoon kami umaasa!

Amang mapagmahal, batid namin ang pagtutunggalian ng buhay at kamatayan dahil sa aming pakikiisa sa iyong Anak at sa aming pagsambit ng pananampalataya sa kanya. Pagaanin mo ang sakit na aming nadarama. Nawa ang mga paghihirap na nararanasan ng iyong Simhahan ay maging daan para sa buhay at paghihilom ng mundo. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

Leave a Comment



Previous post:

Next post: