Martes, Agosto 17, 2021

August 17, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Manalangin tayo sa Diyos Ama para sa katatagan na mapaglabanan ang tuso ng materyal na bagay at kasiguruhan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, tulungan mo kaming ituon ang aming mga puso sa iyong kaharian.

Ang Simbahan nawa’y magbigay saksi sa halaga ng makalangit na Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mauunlad na bansa nawa’y magbahagi ng kanilang likas na yaman sa mga mahihirap na bansa, at huwag nila silang pagsamantalahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong namumuhay sa karangyaan nawa’y maging matalino sa paggamit ng kanilang kayamanan ayon sa diwa ng pagbabahagi at pagmamahal, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga matatanda, dukha, at maysakit nawa’y maipakita natin ang ating pagkalinga at habag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makibahagi sa kayamanan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pakinggan mo ang mithiin ng iyong bayan. Mapuno nawa kami ng karunungan ni Jesus, siya na nabubuhay at naghahari, kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 18, 2019 at 6:12 pm

PAGNINILAY: Ang ating Ebanghelyo ngayon ay pagpapatuloy sa ating narinig na pagpapahayag ni Hesus tungkol sa pagiging mayaman na nakita natin sa anyo ng mayamang binata (Ebanghelyo kahapon). Nakita natin kahapon kung paanong nilapitan si Hesus ng binatang ito at tinanong kung ano ang dapat gagawin upang makamit ang buhay na walang hanggan. Tugon sa kanya ni Hesus na kung tinupad ng lalaki ang mga Sampung Utos, ipamigay niya ang kanyang mga ari-arian at sumunod sa Panginoon, kaya’t malungkot na umalis siya. At dahil dito, nagsalita si Hesus na mahirap pumasok ang isang mayayamang tao sa Kaharian ng Langit, ngunit mas madali pang pumasok ang kamelyo sa butas ng karayom. Hindi po literal na makakapasok ang isang malalaking kamelyo sa maliit na butas ng karayom. Ito po ay tungkol sa paghahangad ng tao sa tunay na kaligayahan at kayamanang nakasalalay sa Kaharian ng Langit. Kaya’t ito’y panawagan sa pagsunod sa yapak ng Panginoon tungo sa buhay na walang hanggan. Ngunit ang magiging sakripisyo nito ay ang pagdaraan sa mga pagsubok ng buhay. At patuloy na nagsasalita si Hesus na kung sino man ang nag-iwan sa lupain, tahanan, at pati na mga kapamilya ay magkakamit ng kaligayahan sa kalangitan. Iyon nga ba ang gusto nating gantimpalaan kahit isasakrispiyo natin ang mga mahal natin sa buhay? Makikita natin dito na mahirap sundin ang panawagan ni Hesus, subalit ang nais niyang ipahayag ay ang katatagan ng ating pananampalataya sa kanya at sa Diyos Ama. Hindi naman minasama ni Hesus ang ating mga pamilya at tahanan, subalit ang nais niya ay siya’y unang prioridad sa tawag ng pagsunod sa kanya. Hindi naman kinakailangang ibenta natin ang lahat ng mayroon tayo dahil alam ng Diyos na pinaghirapan natin ang mga ito sa edukasyon at trabaho, subalit dapat manatili tayong simple at mababa ang loob sa kabila ng mga kayamanan natin sa buhay. At matuto din tayong magbahagi ng iilang-ilang ari-arian at pagpapala sa ibang tao, lalung-lalo na ang ating mga buhay sa espirituwal na pangangailangan nila.

Reply

Mylene Farinas August 20, 2019 at 7:33 am

Oh. God Almighty Father, give us the will to abide by thy will and follow all your commandments. Let us not dwell on material wealth but rather aim for the heavenly reward that awaits the one that follows you. In Jesus name, Amen.

Reply

Mark Jefferson Magno July 3, 2021 at 6:50 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez August 16, 2021 at 8:17 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay nagsasalaysay sa kwento ng paghuhukom ni Gedeon sa Israel. Alam nating nagkasala muli ang bayang Israel, kaya’t sinalakay sila ng mga Madianita. Ngunit patuloy pa rin ang pagkakalugod ng Diyos sa mga taong matapat katulad ng Gedeon, na itinakda upang iligtas ang Israel mula sa Madian. Subalit nag-alinlangan siya ng kaunti kung paano niyang gagawin iyon dahil sa kanyang mababang katayuan sa Meneses, at itinuturing din na walang kwenta sa kanyang pamilya. Kaya’t inaanyayahan ng Diyos si Gedeon na sumunod sa kanya, at naghanda nga ito ng isang batang kambing na naging laman, at hinalo sa harina. At nilagay niya ang laman sa batong itinuro ng Panginoon sa kanya, at nakita natin kung paanong tinanggap ng Diyos ang alay ni Gedeon nang nasunog ng apoy ang handog na iyon. Ito ang patunay sa lakas ni Gedeon, na makikita natin sa Aklat ng mga Hukom kung paano niyang namunuan ang 300 kawal ng Israel patungo sa tagumpay laban sa napakaraming kawal ng mga Madianita.

Ang ating Ebanghelyo ngayon ay pagpapatuloy sa ating narinig na pagpapahayag ni Hesus tungkol sa pagiging mayaman na nakita natin sa anyo ng mayamang binata (Ebanghelyo kahapon). Nakita natin kahapon kung paanong nilapitan si Hesus ng binatang ito at tinanong kung ano ang dapat gagawin upang makamit ang buhay na walang hanggan. Tugon sa kanya ni Hesus na kung tinupad ng lalaki ang mga Sampung Utos, ipamigay niya ang kanyang mga ari-arian at sumunod sa Panginoon, kaya’t malungkot na umalis siya. At dahil dito, nagsalita si Hesus na mahirap pumasok ang isang mayayamang tao sa Kaharian ng Langit, ngunit mas madali pang pumasok ang kamelyo sa butas ng karayom. Hindi po literal na makakapasok ang isang malalaking kamelyo sa maliit na butas ng karayom. Ito po ay tungkol sa paghahangad ng tao sa tunay na kaligayahan at kayamanang nakasalalay sa Kaharian ng Langit.

Kaya’t ito’y panawagan sa pagsunod sa yapak ng Panginoon tungo sa buhay na walang hanggan. Ngunit ang magiging sakripisyo nito ay ang pagdaraan sa mga pagsubok ng buhay. At patuloy na nagsasalita si Hesus na kung sino man ang nag-iwan sa lupain, tahanan, at pati na mga kapamilya ay magkakamit ng kaligayahan sa kalangitan. Iyon nga ba ang gusto nating gantimpalaan kahit isasakrispiyo natin ang mga mahal natin sa buhay? Makikita natin dito na mahirap sundin ang panawagan ni Hesus, subalit ang nais niyang ipahayag ay ang katatagan ng ating pananampalataya sa kanya at sa Diyos Ama. Hindi naman minasama ni Hesus ang ating mga pamilya at tahanan, subalit ang nais niya ay siya’y unang prioridad sa tawag ng pagsunod sa kanya. Hindi naman kinakailangang ibenta natin ang lahat ng mayroon tayo dahil alam ng Diyos na pinaghirapan natin ang mga ito sa edukasyon at trabaho, subalit dapat manatili tayong simple at mababa ang loob sa kabila ng mga kayamanan natin sa buhay. At matuto din tayong magbahagi ng iilang-ilang ari-arian at pagpapala sa ibang tao, lalung-lalo na ang ating mga buhay sa espirituwal na pangangailangan nila.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño August 17, 2021 at 9:42 am

Marami ang nauuna na mahuhuli at maraming nahuhuli na mauuna. Mag kapatid, sa buhay natin dito sa lupa marahil nasasabi natin sa ating sarili na bakit hindi pantay pantay ang tao, bakit may mayayaman at ubod ng yaman, may mahihirap at ubod ng hirap. May mga tao pang nakapagsabi na hindi fair amg buhay. Maaaring totoo ito sa paningin mo, pero hindi natin alam kung ang mayayamang ito ay kasingsaya ng mga mahihirap, hindi natin ang alam ang mga pinagdadaanan ng bawat isa, hindi natin alam kung ang mayayamang ito ay may peace of mind o nakakatulog ng mahimbing, hindi rin natin alam kung buo ang kanilang pamilya at hindi nag aaway away. Ang ibig ko lang sabihin ay nasa tao ang pagiging masaya, kung ikaw at hindi mayaman subalit marunong kang magpasalamat at makuntento sa kung anong meron ay daig mo pa ang mayayaman, Kung ay mahirap subalit walang inaapakang tao o hindi nanlalalmang ikaw nakahihigit sa mayaman, kung grateful ka dahil isa ka binigyan ng Diyos ng buhay ay napakapalad mo. Kung sa kabila ng iyong kahirapan ay nakukuha mo pa ding tumulong ay kalulugadan ka ng Diyos at kakaibang kasiyahan ang mararamdaman. Huli ka man sa paningin ng tao ay una ka sa paningin ng Diyos at ang gantimpala mula sa langit ang naghihintay sayo. Kung ikaw nman ay makasalanan ay simulan mo ang pagbabago NGAYON! hindi pa huli ang lahat sa kahit sino sa atin. Magsisi, humingi ng kapatawaran at talikuran ang kasamaan at ang Poong Hesus na ang gagawa ng mga bagay na ikasisiya na hindi mabibili ng salapi.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: