Huwebes, Abril 22, 2021

April 22, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Lumapit tayo ngayon at manalangin sa Diyos Ama, na sa kabutihan ng kanyang puso, ay isinugo ang kanyang Anak, ang Tinapay ng Buhay.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, turuan mo kami sa pamamagitan ng iyong anak.

Ang Bayan ng Diyos na pinalalakas ng Eukaristiya nawa’y magkaisang mamuhay sa pananampalataya at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagtanggap natin ng Eukaristiya nang may pagpapahalaga, nawa’y mapalalim natin ang pag-ibig sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y hindi magkulang sa pagbabahagi ng mga biyaya sa mga nangangailangan at sa gayon ay makatulad tayo ni Kristo na nag-alay ng sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman sa katawan at pag-iisip nawa’y palakasin ng kanilang pagtanggap sa Katawan at Dugo ni Kristo sa Eukaristiya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makabahagi sa ipinangakong piging sa Langit ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, patnubayan mo kami sa aming paglalakbay, at tulungan kaming lumakad sa daan ng iyong Anak na si Jesus na siyang Tinapay ng Buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste February 26, 2021 at 11:51 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez April 15, 2021 at 10:01 am

PAGNINILAY: Patuloy nating pinagninilayan ang mga kasabihan ni Hesus tungkol sa kanyang sarili bilang Tinapay na nagbibigay-buhay. Ang mga taong pinakain ng pinaraming 5 tinapay at 2 isda ay namangha sa kababalaghan, kaya naglayag sila sa dagat sa Capernaum saka natagpuan ang Panginoon. Ipinaalala sa kanila ng Panginoon na sikapin nila ang pagkaing nagbibigay-buhay. At saka nila’y ikinuwento sa kanya tungkol sa pag-uulan ng manna mula sa langit. Nang sabihin ni Hesus na ibibigay ng Ama ang tinapay na nagbibigay-buhay, sila’y humiling na ibigay ito sa kanila. At dito idineklara ni Hesus na siya ang Tinapay na Buhay na sinumang lumalapit sa kanya ay hindi magugutom, at sinumang naniniwala sa kanya ay hindi mauuhaw. At ang kanyang misyon ay nagmula sa Ama na makilala siya ng mga tao at sumampalataya upang magkaroon ng buhay na walang hanggan, at sila’y bubuhayin sa huling araw. Subalit ngayon ay parang matindi ang reaksyon ng mga tao na hindi nila tanggap ang mga diskurso ng Panginoon. Patuloy na ipinakilala ni Hesus ang kanyang sarili bilang Tinapay na nagbibigay-buhay, at sinumang kumakain ito ay mabubuhay ng walang hanggan. Karaniwang pangyayari ang sinapit ng mga Israelita nang kainin nila ang manna, subalit sila rin ay pumanaw.

Ang mga pisikal na pagkain sapagkat nagpapabusog ay hindi senyales na panghabang-buhay sa daigdig na ito. Subalit si Hesus na siyang walang hanggang Tinapay ay tanging Daan upang lahat ay magkamit ng buhay na walang hanggan, at ang tinapay na kanyang ibinibigay ay ang Laman na katawan niya mismong. Bago pa man siya’y nabayubay sa Krus, noong sila’y nasa Huling Hapunan, ipinagkaloob ni Kristo sa atin ang kanyang Katawan at Dugo upang maging sakramental na tanda na kapiling niya tayo tuwing tayo’y dadalo sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Kung tinatanggap natin siya bilang Salitang nagkatawang-tao at ang kanyang Katawan sa Banal na Komunyon, tayo rin ay inaanyayahang maging “Eucharistic” para sa ibang tao.

Nawa’y tayo rin ay magbigay-buhay para sa iba upang bigyan rin nila ng halaga ang biyaya ng buhay na galing sa Panginoong Diyos.

Reply

Daisy G.Esplana April 22, 2021 at 7:04 am

Pinupuri ka namin Panginoon Hesukristo.

Reply

Sherwin D. Yanoria April 22, 2021 at 7:32 am

Ano ba ang iyong pinag-aaralan? Kadalasan kung saan tayo interesado at kinakailangan yun ang inaalam. Kadalasan ay kanya kanyang hanap ng oras kung kailan magbabasa ng salita ng Diyos, lalo na kung hindi makakadalo ng banal na Misa. Maraming matutunan sa Bibliya, lalo na kung ano ang kalooban ng Diyos. Kung baga para itong manual ng ating ating buhay. Pag ito ay sinunod ay makikilala natin ang Diyos lalalim ang pananampalataya, at mapapalapit tayo sa Diyos. Kaya nga nawa ay maisabuhay ng bawat isa ang salita ng Diyos.

Reply

Manee April 22, 2021 at 1:25 pm

Pinupuri ka namin Panginonng Hesukristo. ALELUYA!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: