Huwebes, Abril 1, 2021

April 1, 2021

PANALANGIN NG BAYAN

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya

manalangin tayo sa Panginoon.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez March 16, 2021 at 12:27 pm

PAGNINILAY: Ang Huwebes Santo ay ang katapusan ng Kuwaresma at ang simula ng Banal na Triduo. Sa araw na ito, ginugunita natin hindi lang ang pagtatag ni Hesus ng Sakramento ng Eukaristiya, kundi pati na rin ang Sakramento ng Banal na Orden. Kung binigay ni Kristo sa atin ang kanyang Katawan at Dugo sa Huling Hapunan, ipinamana rin niya ang mga taong isasariwa ang paggunitang ito, at iyan ang mga kaparian. Kaya sa Misa ng Krisma, inaalala ng lahat ng mga Pari ng bawat Diyosesis ang kanilang mga pangakong isinumpa nila sa Diyos noong sila’y inordenahan. At gayundin ay ang binasbasan ng Obispo ang mga langis upang ibigay sa bawat parokya na gagamitin sa paghihirang ng mga bagong binyagan at kumpilan at ang paggaling sa mga maysakit. Makikita natin sa mga pagbasa kung paanong tunay nga ang ating Panginoong Hesukristo ay tunay na hinirang ng Diyos Ama upang tuparin ang misyon ng kaligtasan. Sa katunayan, ang salitang “Mesiyas” at “Kristo” ay nangangahulugang “Ang Hinirang ng Diyos”.

Ang Unang Pagbasa ay ang gawain at misyon ng Lingkod upang ipadala ang Mabuting Balita sa mga mahihirap, magpalaya ng bilanggo, hilumin ang mga maysakit, at magpahayag ng isang taon ng grasya ng Panginoon. At ang Ebanghelyo ay ang patotoo ni Hesus sa harap ng kanyang mga kababayan na siya ang tumutupad sa propesiyang iyon. Dahil sa kagandahang-loob na ipinamalas ni Kristo hanggang sa kanyang pag-aalay ng buhay sa Krus, siya’y dinakila ng Ama upang pagharian ang sansinukob. Kaya ang Ikalawang Pagbasa ay nagpapaalala sa atin na minahal tayo ng Panginoon kaya namatay siya sa Krus at muling nabuhay. Binigyan niya tayo ng bagong buhay upang maging mga matapat na anak ng Kataas-taasan. At balang araw, siya ay babalik upang itupad ang pangako ng buhay na walang hanggan.

Kaya kailangan natin gawing makabuluhan ang buhay natin at ang relasyon natin sa kapwa. Gawin po natin ang tama at matuwid hindi lang ngayong Semana Santa, kundi pati na rin sa pang-araw-araw na buhay. At nawa’y isama po natin sa ating panalangin ang lahat ng mga kaparian at relihiyoso upang mas maging matapat sila sa pagtawag sa kanila ng paglilingkod sa Diyos at sa sambayanan.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño April 1, 2021 at 8:57 am

Marami ang tinamaan ng pandemya, sakit, pagkawala ng mahal sa buhay, nawalan ng trabaho, bumagsak ang negosyo atbp. Sa ebenghelyo ngayon nais ipabatid satin ng Panginoon na may bagong pag-asa, bawat umaga ay bagong buhay at pag-asa, gumaling ang mga ketongin, nakakita ang mga bulag… walang imposible sa Diyos. Hilingin lang natin na sumaatin ang espiritu santo. Sinabi ni Hesus, humingi ka at ikaw ay bibigyan, humanap ka at ika’y makakakita, kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan.. Sundin lamang natin ang kalooban ng Diyos.

Reply

Sandy Z. Cabalce April 1, 2021 at 7:03 pm

Papuri sa Iyo Panginoong Hesukristo???

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: