Miyerkules, Enero 6, 2021

January 6, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
MIYERKULES KASUNOD NG PAGPAPAKITA NG PANGINOON

Hilingin natin sa ating Ama sa Langit na palakasin ang ating pananampalataya at tulungan tayong mapaglabanan ang ating mga takot. Sabihin natin:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, maging lakas Ka namin.

Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y magpakita ng malalim na pananampalataya sa Diyos na ating Ama na siyang nagpapatnubay sa mga pangyayari sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y lumago sa pananampalataya at sa gayon ay magtiwala tayo sa mga bagay na ating inaasam at nakatitiyak sa mga bagay na hindi natin nakikita, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naligaw sa landa ng buhay nawa’y makabalik nang ligtas sa kanilang tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga maysakit nawa’y ipagkaloob ng Panginoon ang kagalingan at bigyang lakas ang mga nawawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y maranasan nang walang katapusan ang kaganapan ng mapanligtas na kapangyarihan ng Diyos na matagal nilang hinintay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, batid namin na ipagkakaloob mo ang anumang hilingin namin sa ngalan mo. Nawa ay maging bukas lagi ang aming mga tenga sa iyong Salita. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez January 2, 2021 at 1:31 pm

PAGNINILAY: Ang epipaniya ay pagdiriwang tungkol sa pagpapahayag ng Diyos sa ating kalagayan bilang tao. Patuloy pa rin ang Kapaskuhan hanggang sa Kapistahan ng Pagbibinyag dahil inaalala natin ang Diyos na nagkatawang-tao sa katauhan ng kanyang Bugtong na Anak na si Hesukristo.

Ang ating Ebanghelyo ay makikita natin ang pagka-Diyos at pagkatao ng ating Panginoong Hesukristo. Matutunghayan natin dito ang Diyos na may kakayahang magkaisa sa ating kahinaan. Matapos ang pagpaparami ng mga tinapay at isda, pinauna ni Hesus ang kanyang mga Apostol na tumawid sa ibayo ng Lawa ng Galilea. At sa gitna ng isang malalakas na bagyo kasama ang mga malalaking alon, nakita nila si Hesus na lumalakad sa ibabaw ng tubig, at inakala nila na siya’y isang multo. Ngunit maginahawa ang tono ng boses ni Hesus nang sinabi niya, “Huwag kayong matakot.”

Ang katagang “Huwag kayong matakot” ay mababasa sa Bibliya ng 365 beses, at 365 araw ay katumbas ng isang buong taon. Ibig sabihin na sa bawat araw ng isang taon, ang Diyos ay nasa piling natin, ang kanino pa tayo masisindak? Araw-araw kung kasama natin ang Panginoon, alam po natin na kaya nating palipasin ang anumang daluyong o pagsubok sa buhay. Ang kailangan po natin ay ang matatag na pananampalataya na may kasamang pagtitiis na mas malaki ang Diyos na sumaatin.

At nawa’y ipadala rin natin ang presensiya ng Panginoon sa ibang tao, lalung-lalo sa mga nabibigatan ng mga problema sa buhay.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: