Biyernes, Disyembre 11, 2020

December 11, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Biyernes

May pananampalatayang ilapit natin ang ating mga kahilingan sa Amang nagnanais na ang lahat ng tao ay magpaunlak sa kanyang paanyaya sa piging ng buhay na walang hanggan sa Langit.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ilapit mo kami sa iyo.

Ang Simbahan dito sa lupa nawa’y magpatuloy sa paglago at manghikayat ng higit na maraming mga tao sa piging ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mayayaman at gayundin ang mahihirap nawa’y hindi humanap ng mga dahilan upang maiwasan ang tawag ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumugon nang tapat sa panawagan na magsisi sa kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y magtalaga ng ating mga sarili sa pagtataguyod ng layunin ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mamuhay sa tahanan ng Panginoon at magdiwang sa piging ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami upang makasama mo sa iyong Kaharian. Sa aming pananalangin para sa aming kapwa, tulungan mo kaming maisama sila sa piging na inihanda ng iyong Anak na si Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Criste October 29, 2020 at 6:38 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez December 10, 2020 at 10:58 pm

PAGNINILAY: Ang Panahon ng Adbiyento ay panahon ng paghahanda sa darating na Mesiyas, na hatid niyang mensahe ay pag-asa, na tayo nawa ay makinig sa mensaheng ito bilang pagtalima sa dakilang kalooban ng Diyos Ama.

Sa ating Unang Pagbasa (Isaias 48:17-19), ipinapahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias na siya ay nagtuturo para sa ikakabuti ng kanyang bayang Israel, at gumagabay kung saan dapat sila pumaroon. At kung sila ay makikinig sa kanyang mga utos, sasagana ang kanilang buhay katulad ng agos ng ilog, at ang kanilang pagliligtas ay katulad ng lawak ng dagat. At sa huli ay pagpapalain niya ang kanilang mga liping hinirang.

Sa ating Ebanghelyo (Mateo 11:16-19), makikita natin ang isang pahayag ng Hesus tungkol sa henerasyon ng kanyang kapanahunan. Ito’y katulad daw ng mga batang nakikisayaw at tumutugtog ng plauta, at sinabi nila sa mga hindi sumasabay sa kanila na parang ayaw nilang makisabay sa takbo ng panahon. At idinugtong ni Hesus ang pagdating ng kanyang pinsan na si San Juan Bautista na parang ang tingin sa kanya ng mga Pariseo at eskriba na demonyo raw dahil nag-aayuno at hindi nag-iinom. Ngayon nabatid nila si Hesus nang makita nila siya’y nakikisalo at nakikikain kasama ang mga makasalanan, at siya’y itinuring na lasenggero at matakaw. Ngunit ang karunungang mula sa Panginoong Diyos ang nagpapatibay sa kanyang misyon at mga gawain.

TIla nga bang dalawang magkatunggaling sitwasyon ang ipinakilala ni Hesus sa Ebanghelyo. May mga taong nakikisaya at ang ibang ayaw ay parang tinuturing na mainip na buhay. May mga taong tumitingin sa ibang nakikisalamuha sa mga kapwang tinataguriang “walang kwenta” o “walang silbi” na ang mga ito ay nagsasayang lang daw ng oras at ng mga mapagkunan na yaman. Hindi ba minsan kapag nakikiusap tayo sa mga taong niyuyurakan o kaya tinatawag na salot at binansagang makasalanan, marami ang magkokomento ng mga masasamang hinala laban sa atin? Ito’y natural sapagkat kadalasa’y mataas ang paningin ng tao sa kanyang sariling “karangalan”. Ngunit ang pahiwatig ni Kristo na ang ating misyon ng awa at malasakit ay matuwid ayon sa karunungan ng Diyos. Kung tayo’y sisiraan ng mga matalas na nagmamasdan sa atin dahil lang sa pagtulong natin sa mga nangangailangan ng pisikal at espirituwal na tulong, laging alalahanin natin na ang Diyos ang makakasabi mula sa ating mga konsensiya kung ang mga desisyon natin ay tama o mali.

Mahal niya tayong lahat, kaya ang ninanais niya na gumawa tayo ng matuwid at mabuting bagay sa lahat ng aspeto ng buhay. Huwag tayong mawalan ng gana kung sasabihin ng iba na parang tayo’y nag-aaksaya ng oras sa paggawa ng kabutihan sa mga nangangailangan. Patuloy tayo sa pagtupad ng misyong itinkada sa atin ng Panginoon para sa pagpaparangal ng Mabuting Balita tungkol sa kanyang paghahari. At ngayong Adbiyento, nawa tayo’y palaging matapat sa Diyos at sa kanyang mga utos para isabuhay natin ito sa ating araw-araw na pamumuhay sa ating pagmamahal sa kanya at sa kapwa.

Reply

Edward C Ramirwz December 11, 2020 at 10:02 am

Salamat sa diyos

Pinupuri ka namin panginoong hesukristo!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: