Huwebes, Disyembre 10, 2020

December 10, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Huwebes

Pinupuri ni Jesus si Juan Bautista dahil sa pag-akay nito sa mga tao upang lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng pagsisisi sa kasalanan. Manalangin tayo para sa lahat ng tao sa buong mundo at maging sa kanilang mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, dinggin mo kami.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y patuloy na manawagan sa mga tao na talikuran ang makasalanang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lalaki at babaeng binigyan ng katungkulan nawa’y pangibabawin ang katarungan sa lahat ng pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nagdadalamhati nawa’y marinig ang Mabuting Balita ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging piliin ang maging mabuti at umiwas sa lahat ng anyo ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maananampalatayang yumao na ay makaranas nawa ng pagliligtas ng Diyos sa kanyang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pakundangan sa inyong pag-ibig, dinggin mo ang aming mga panalangin at gawin mo kaming katulad ni Juan Bautista, na walang takot at mapagkumbabang saksi sa mga aral ng iyong Anak sa buong mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 12, 2018 at 4:43 pm

Pagninilay: Isa sa mga pinakilalang larawan ngayong Adbiyento ay si San Juan Bautista. Sinasabi ni Hesus sa Ebanghelyo na ang kanyang pinsan na si San Juan Bautista ay higit pa sa mga tao, kahit ang mga kababaihan. Sapagkat makikita natin sa misyon ni Juan ang pagpaparito ni Elias sa kanyang kaanyuan upang anyayahan ang madla na at magbago at magbalik-loob bilang paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Ipinahayag din ni Propetang Isaias sa Unang Pagbasa ang plano ng Diyos na iligtas tayo mula sa kapahamakan at pati na rin sa pagkakasala. Siya mismo ang magpupuno at magpapasagana ng ating buhay katulad ng pagpupuno ng tubig ang mga lambak. Kaya nga ngayong Panahon ng Adbiyento, ihanda natin ang ating sarili sa pagdiriwang ng Pagdating ng Panginoon lalung-lalo ngayong Kapaskuhan. Nawa’y dinggin natin ang mensahe ni San Juan Bautista na magsisi at mamuhay nang matapat at mabuti ayon sa mga pamantayan ng Diyos.

Reply

Melba G. De Asis December 13, 2018 at 6:26 am

Ang Panginoon Diyos ang isinugo para magligtas ng sangkatauhan. Ang dakilang Diyos na banal ay laging may nakalaang pagpapatawad at pagpapala para sa atin. Nawa’y makapamuhay tayo ng malinis at makagawa ng mabuti sa ating kapwa bagay na kalugod lugod sa mata ng Panginoon.

Panginoon pangunahan Mo po kami at gabayan sa aming pamumuhay at nawa’y makagawa kami ng mga bagay na ikalulugod Mo at naaayon sa Iyong kagustuhan, Amen…

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: