Lunes, Agosto 24, 2020

August 24, 2020

Kapistahan ni Apostol San Bartolome

Pahayag 21, 9b-14
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo.

Juan 1, 45-51

Feast of Saint Bartholomew, Apostle (Red)

UNANG PAGBASA
Pahayag 21, 9b-14

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Wika ng anghel sa kain, “Halika, at ipakikita ko sa iyo ang Babaing makakaisang-dibdib ng Kordero.” Nilukuban ako ng Espiritu, at inihatid ako ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ng Jerusalem, ang Banal ng Lungsod, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos. Nagliliwanag ito dahil sa kaningningan ng Diyos; kumikislap na gaya ng hiyas na haspeng sinlinaw ng kristal. Ang pader nito’y makapal at mataas at may labindalawang pinto, bawat isa’y may bantay na anghel. Nakasulat sa mga pinto ang pangalan ng labindalawang lipi ng Israel. Tatlo ang pinto ng bawat panig: tatlo sa silangan, tatlo sa timog, tatlo sa hilaga, at tatlo sa kanluran. Ang pader ng lungsod ay may labindalawang saligang-bato at nakasulat dito ang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18

Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo.

Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dahila ang ‘yong kaharian,
at ibababalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.

Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo.

Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.

Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo.

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;
kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao
sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo.

Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo.

ALELUYA
Juan 1, 49b

Aleluya! Aleluya!
Guro, Anak na Butihin
ng Diyos Amang masintahin,
ika’y hari ng Israel.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 1, 45-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, hinanap ni Felipe si Natanael, at sinabi rito, “Natagpuan namin si Hesus na taga-Nazaret, ang anak ni Jose. Siya ang tinutukoy ni Moises sa kanyang sinulat sa Kautusan, at gayun din ng mga propeta.” “May nagmumula bang mabuti sa Nazaret?” Tanong ni Natanael. Sumagot si Felipe, “Halika’t tingnan mo.”

Nang malapit na si Natanael ay sinabi ni Hesus, “Masdan ninyo ang isang tunay na Israelita; siya’y hindi magdaraya!” Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa tawagin ni Felipe, nakita na kita nang ikaw ay nasa ilalim ng puno ng igos.” “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel!” wika ni Natanael. Sinabi ni Hesus, “nanampalataya ka ba dahil sa sinabi ko sa iyong nakita kita sa ilalim ng puno ng igos? Makakikita ka ng mga bagay na higit kaysa rito!” At sinabi niya sa lahat, “Tandaan ninyo: makikita ninyong bukas ang langit, at ang mga anghel ng Diyos ay manhik-manaog sa kinaroroonan ng Anak ng Tao!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

https://www.youtube.com/watch?v=hHdNlI-Bbew

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 13, 2020 at 1:14 pm

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Bartolome.

Sa ating Ebanghelyo (Juan 1:45-51), kilala siya bilang Natanael. Napakaganda ang paraan ng kanyang pagtawag sa pagiging Apostol. Una ay ang pagkwento sa kanya ni Felipe tungkol sa Panginoon na nagmula sa Nazaret. Kaya tinanog niya, “May mabubuting bagay ba na nagmula sa Nazaret” (Juan 1:46)? At inaanyayahan siyang sumunod. Ikalawa ay ang pagtawag sa kanya ni Hesus mula sa puno ng igos. Dahil dito, buong pananampalatayang sinabi niya: “Rabi, kayo po ang Anak ng Diyos! Kayo ang Hari ng Israel” (Juan 1:49)! Ang pagtawag kay San Bartolome bilang Apostol ay isang panawagan ng pananampalataya sa Panginoon. Dahil dito, ipinangako sa kanya ni Hesus na makakamit niya ang buhay na walang hanggan kasama siya.

Siya ay nangaral sa Armenia at India. Doon sa India siya’y tinanggal ng balat at pinugutan ng ulo. At si Kristo ay nasa piling nila sa kanilang pagpaparangal ng Mabuting Balita sa Simbahan. Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y makilala natin ang Panginoon nang may buong pananampalataya katulad ng pagtawag ni San Bartolome. Nawa’y ipahayag din natin ang kanyang mensahe sa isip, salita, at gawa.

Reply

Jhenny August 24, 2020 at 7:18 am

Maraming salamat po mahal na Panginoon, Amen

Reply

flor August 24, 2020 at 10:40 pm

Minamahal ka namin Panginoong Hesukristo sapagkat patuloy po ninyo kaming iniingatan at binibigyan ng mga biyaya at pagpapala sa aming buhay. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: