Sabado, Hulyo 11, 2020

July 11, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Natitipon bilang isang komunidad na nagdiriwang ng misteryo ng ating kaligtasan at mulat ang ating kaisipan sa kanyang pag-ibig sa bawat isa sa atin, dumulog tayo sa pananalangin sa Diyos, ang ating walang hanggang Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ipagsanggalang mo ang aming kaluluwa at katawan.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga tinawag nawa’y maging gabay ng Bayan ng Diyos upang umakay sa sangkatauhan sa kaalaman at pananampalataya kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mabigyan ng biyaya na harapin ang mahihirap na pagsubok nang may katapangan, nalalaman na panig sa atin ang Panginoon na nagbibigay sa atin ng lakas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y magnilay sa tawag ng pagiging pari o relihiyoso at relihiyosa upang mapaglabanan nila ang pagdududa, takot, at kalituhan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makadama ng kagalingan at kasiyahn na tanging si Kristo lamang ang makapagbibigay, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y umani ng pabuya sa kanilang mabuting mga gawain sa walang hanggang Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, ipinauubaya namin sa iyo ang aming mga mithiin. Bigyan mo kami ng lakas na makasunod sa iyo sa gitna ng mga pagsubok at paghihirap. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 7, 2020 at 9:21 pm

Pagninilay: Tatlong beses sinabi ni Hesus sa Ebanghelyo na “Huwag kayong matakot.” Ito’y hindi lang pagdidiin, kundi isang paninigurado na hindi dapat sila matakot. Ang konteksto ng Ebanghelyo ngayon ay ang pagususgo ng Panginoon sa kanyang 12 Apostol sa mga nayon at bayan ng Israel upang ipangaral ang Mabuting Balita ng Paghahari ng Diyos at gumawa ng mga kababalaghan. At alam ni Hesus na may mga taong hindi tatanggap sa kanyang mga alagad. Kaya una niyang binilin sa kanila na ipagpag nila ang alikabok sa kanilang mga paa bilang patotoo para sa kanya. Ngayon ay nagbigay ng babala si Kristo tungkol sa banta ng tao laban sa mga saksi ng Mabuting Balita ng Diyos. Alam din niya na sa hantungan ng kanyang buhay, mararansan niya ang mga pang-uusig, pag-aalipusta, paguyuyurakan, at pag-iinsulto nang haharapin niya ang kanyang Pagpapakasakit. At batid rin ni Hesus na bagamat siya ay babalik sa Ama nating Diyos sa langit at isusugo niya ang kanyang mga Apostol at alagad upang ipagpatuloy ang misyon, sila rin ay hindi tatanggapin ng ibang tao at minsan nga ay kukutyain sila. Subalit pinapatibay ni Kristo ang kanilang katauhan sa pamamagitan ng pananamapalataya. Kaya hindi sila dapat matakot o mangamba, sapagkat kapiling nila ang Panginoon. Kaya pala sa buong Kasulatan, ang katagang “Huwag kayong matakot” ay inuulit ng 365 beses. At dahil alam natin na mayroong 365 araw sa 1 taon, parang araw-araw sinasabi sa atin ng Panginoon na huwag tayong mangamba. Pagkagising natin sa umaga, iyan ay isang pang-araw-araw na biyaya mula sa kanya, na binibigyan tayo ng panibagong simula upang sa lahat ng ating gawain, mapaginhawa man o mapahirap, kapiling natin siya. At ang mahalaga ay patuloy tayo sa pagiging saksi niya sa pagpapalaganap ng pagmamahal at kabutihan sa bawat isa.

Reply

Michael July 11, 2020 at 2:51 pm

Sa aking paglalakbay Panginoon ako’y iyong patnubayan. Dala ng maraming alalahanin sa buhay na nangyayari ngayon sa buong mundo. Di malalayo sinuman na mangamba sa ganitong sitwasyon. Ang ebanghelyo’y nagsasaad ng kasiguraduhan na wag mangamba sa ganitong mga pagsubok. Ang kulang lang sa amin Panginoon ay ang pananalig na kami ay di mo pababayaan kailan man. “Dalangin namin bigyan kami ng matatag na pananampalataya na di matitinag Amen”.
“Pinupuri’t sinamsamba ka namin Panginoong Hesuskristo!”

Reply

Bobby Javier July 11, 2020 at 4:36 am

Pinupuri at pinasasalamatan kanamin panginoon

Reply

gloria diaz bernardo July 11, 2020 at 6:34 pm

panginoon lagi mo kaming tanglawan ng iyong liwanag,amen pinupuri at sinasamba ka namin panginoong jesukristo

Reply

Regina Coeli July 11, 2020 at 11:42 pm

“Fear Him Who Can Destroy Soul and Body in Hell”

Scripture: Matthew 10:24-33

“Sabi ni Hesus,
‘A student is not above his teacher.’
Napakaganda ng aral na iyan.

Baka kasi iyong mga estudyante
ay gustong mas maging marunong
kaysa sa guro; mas mahusay kaysa sa guro.
Kaya naman mas magiging mabuti ang
treatment sa kanila kaysa sa kanilang guro.

Ang aral ay malinaw no,
you will always be a student.
Ang pinakapangarap mo ay sumunod
nang mabuti sa iyong guro at hindi Siya lagpasan.
Kaya bilang mga disipulo, hindi dapat mawala
iyong ugali ng pagiging alagad.

Ibig sabihin ng alagad,
tayo ay may sinusundan.
Hindi sinusundan iyong sarili.
Iyong mga alagad ay mga alaga
na talagang sumusunod sa kanilang guro.
Iyon ang idea ng pagiging alagad
o pagiging disipulo – walking in the
footsteps of the Master. Not walking
in the footsteps ng gusto mong gawin.

Hindi ikaw ang magdidikta ng sarili mong buhay.
Hindi iyong gusto mo ang sinusundan
kun’di ang gusto ng iyong guro.

Iyong pinakalayunin natin sa buhay natin
is not just to be ourselves. Parang usong-uso
ngayon iyong mga ganun e – ‘I want to be myself.’
Ang layunin natin ngayon bilang alagad
ng Panginoon ay to be like Him.

Siya modelo.
Siya ang role model.
Siya ang dapat sundan.
Siya ang nauuna.
Tayo ay mga alagad o students Niya o disipulo Niya.

Minsan hindi maayos ang trato sa Kaniya
na possible ring mangyari sa atin.
We just need to follow His footsteps.

Pati sa panahon ng bashing,
sa panahon na maraming kontrabida,
sa panahon ng pag-uusig,
tulad din doon, sumusunod tayo
sa mga yapak ng Panginoon.”

Pray: Lord Jesus, it is my joy and privilege to be your disciple. Give me strength and courage to bear any hardship and suffering which may come my way in serving you and obeying your will. May I witness to others the joy of the Gospel – the good news of your kingdom of peace, joy, and righteousness.
Amen!

God bless everyone.
Ctto:

Reply

Matthieu Reandro Jala July 12, 2020 at 10:10 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: