Podcast: Download (Duration: 4:48 — 2.7MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Manalangin tayo sa Diyos, ang Ama ng liwanag upang maging tapat tayo sa ating misyon na maging ilaw at asin ng sanlibutan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng kabutihan, panatilihin mo kami.
Ang Simbahan nawa’y ipakita ang kapangyarihan at ningning ng Espiritu sa lahat ng naghahangad ng katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga lalaki at babae na pinagkatiwalaang magpasya para sa ikauunlad ng mga tao, nawa’y maliwanagan ng kinang ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo, na tinatawag na maging asin at liwanag ng sanlibutan, nawa’y maging daluyan ng pag-asa at ginhawa ng ating kapwa tao, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit, mga may alalahanin, at mga sawing puso nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y sikatan ng walang hanggang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, habang ipinapanalangin namin ang aming kapwa, hinihiling namin na tulungan mo kaming magliwanag sa kanilang paningin nang sa gayon kanilang purihin ang iyong kabutihan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Biyernes, Hunyo 5, 2020
Miyerkules, Hunyo 10, 2020 »
{ 1 comment… read it below or add one }
Pagninilay: Sa Ebanghelyo (Mateo 5:13-16), hinihikayat tayo ng Panginoong Hesus na maging asin ng mundo at ilaw ng salibutan. Ang dalawang imahen ng asin at ilaw ay mahalaga sa buhay pangKristiyano sapagkat ang asin ay sumisimbolo sa pagbibigay-lasa sa mga pagkain, at ang ilaw naman ay sumisimbolo sa pagliliwanag nito. Ang asin na nagpapalasa ng pagkain ay tanda sa atin na kailangan magbigay kulay ang tamis nito sa paggawa ng makabuluhang bagay tungo sa ating kapwa at pati na rin sa Diyos. Ang ilaw na lumiliwanag sa kadiliman ay hudyat sa atin na kailangang magningning si Kristo sa atin upang siyang maging dahilan ng ating mga mabubuting gawain sa ikaluluwalhati ng Ama, at hindi lang pagpapakitang-tao. Kaya nga sa Unang Pagbasa (1 Hari 17:7-16), narinig natin kung paanong tinanggap ng biyuda ng taga-Zarepat sa kanyang bahay si Propetang Elias. Bagamat siya ay isang balo na hindi inaasan daw ng mga tao na matulungan, siya pa mismo ang nagpakain kay Elias nang may katapatan sa Panginoong Diyos. Kaya nga hindi mauubos ang harina sa loob ng lalagyan gaya ng ipinangako ng propeta na galing mula sa Diyos. Ang hamon sa atin sa pagsasadiwa ng kalayaan ay galing mismo kay Hesus, na maging asin ng mundo at ilaw ng sanlibutan.