Mga Pagbasa – Lunes, Nobyembre 25, 2019

by Roxanne Pena on November 25, 2019 · 10 comments

in Tagalog Mass Readings

Lunes ng Ika-34 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Daniel 1, 1-6. 8-20
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.

Lucas 21, 1-4

UNANG PAGBASA
Daniel 1, 1-6. 8-20

Ang simula ng aklat ni propeta Daniel
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Nang ikatlong taon ng pamamahala ni Haring Joaquim sa Juda, ang Jerusalem ay nasakop ni Haring Nabucodonosor. Pinabayaan ng Panginoon na bihagin niya si Haring Joaquim at samsamin ang ilang kasangkapan sa templo ng Diyos. Lahat ng ito ay dinala ni Nabucodonosor sa templo ng kanyang diyus-diyusan sa Babilonia at inilagay sa silid na taguan ng kanyang kayaman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Iniutos ng hari kay Aspenaz, pinuno ng kanyang mga tauhan, na pumili ng ilang Israelitang kabilang sa angkan ng mga hari at ilan sa angkan ng mga maharlika. Ang pipiliin nila ay yaong kabataan, madaling turuan, may kaalaman sa lahat ng sangay ng karunungan upang maging karapat-dapat na lingkod sa palasyo. Ang mga ito ay tuturuan ng salitang Caldeo. Iniutos ng hari na sila’y paglaanan ng pagkain at alak araw-araw mula sa kanyang sariling pagkain at alak. Tatlong taon silang tuturuan bago maglingkod sa hari. Kabilang sa mga ito sina Daniel, Ananias, Misael, at Azarias na pawang kabilang sa lipi ni Juda.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ngunit ipinasiya ni Daniel na huwag tikman man lamang ang pagkain at alak na bigay ng hari upang hindi siya makakain ng mga bagay na marumi ayon sa Kautusan. Kaya, ipinakiusap niya kay Aspenaz na huwag silang pakanin niyon. Niloob naman ng Diyos na siya’y makalugdan at pagbigyan nito. Ngunit sinabi niya kay Daniel, “Natatakot lamang ako sa gagawin sa akin ng mahal na hari kapag nakita niyang mas mahina kayo kaysa ibang kasinggulang ninyo. Tiyak na ako’y papupugutan niya pagkat siya mismo ang naglaan ng pagkain ninyo araw-araw.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Dahil dito, lumapit si Daniel sa bantay sa nangangalaga sa kanila. Sinabi niya, “Subukin ninyo kami sa loob ng sampung araw. Gulay lamang at tubig ang ibigay ninyo sa amin. Pagkatapos, pagparisin ninyo kami ng mga kasinggulang naming pinakakain ninyo ng pagkaing bigay ng hari at tingnan ninyo ang magiging resulta.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
At sinubok nga sila sa loob ng sampung araw. Nang sila’y pagparisin pagkaraan ng sampung araw, nakitang mas maayos sila at malusog kaysa mga kasinggulang nilang pinakain ng pagkain ng hari. Kaya, gulay at tubig na lamang ang ibinigay sa kanila sa halip na pagkain at inumin ng hari.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Niloob ng Diyos na silang apat ay matuto ng lahat ng uri ng kaalaman. Bukod dito, si Daniel ay binigyan pa ng kaalaman tungkol sa pangitain at panaginip. Pagkaran ng tatlong taong itinakda ng hari sa pagsasanay sa kanila, ang lahat ng kabataang pinili ni Aspenaz ay iniharap niya kay Haring Nabucodnosor. Isa-isa silang kinausap ng hari, ngunit nakita niyang nakahihigit sina Danila, Ananias, Misael at Azarias. Kaya, sila ang napili ng hari upang maglingkod sa palasyo. Sa lahat ng bagay na isangguni sa kanila, nakita ng hari na higit na di hamak ang kaalaman nila kaysa mga salamangkero at engkantador ng kaharian.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56

Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Pinupuri ka namin, Panginoon;
Diyos ng aming mga ninuno;
karapat-dapat kang ipagdangal at dakilain magpakailanman.
Purihin ang iyong banal ay maluwalhating pangalan,
nararapat purihin at ipagdangal magpakailanman
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Purihin ka sa iyong banal at marangal na tahanan;
lubhang karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Purihin ka na nakaluklok sa maringal mong trono.
Karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Mula sa iyong luklukan sa ibabaw ng mga kerubin,
nakikita mo ang kalaliman, ang daigdig ng mga patay.
Karapat-dapat kang purihin at dakilain magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Purihin ka sa buong sangkalangitan;
karapat-dapat kang awitan at dakilain magpakailanman.
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Tugon: Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.

ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Lagi tayong magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 21, 1-4

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Noong panahong iyon, nang tumingin si Hesus, nakita niya ang mayayamang naghuhulog ng kanilang kaloob sa lalagyan nito sa templo. Nakita rin niya ang isang dukhang babaing balo na naghulog ng dalawang kusing. Ang wika ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang dukhang balong iyon ay naghulog nang higit kaysa kanilang lahat. Sapagkat bahagi lang ng di na nila kailangan ang kanilang ipinagkaloob, ngunit ibinigay ng balong iyon na dukhang-dukha ang buo niyang ikabubuhay.”
(c) Awit at Papuri Communications - www.awitatpapuri.com
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Previous post:

Next post:

{ 10 comments… read them below or add one }

Anne Margarette A. Salva November 27, 2017 at 8:06 am

salamat po! malaking tulong po itong ginawa nyong pag lalagay ng mass readings online. Ang maganda pa dito ay tagalog, mas maiintindihan ng karamihang pinoy. thanks again 🙂 nawa po ay ipagpatuloy nyo ito

Reply

Patrick Cu November 28, 2017 at 1:24 am

Salamat sa Diyos

Reply

Mark Jefferson Magno November 17, 2019 at 12:21 am

Ngayon ay araw po ng Lunes sa huling linggo ng karaniwang panahon.
Salamat sa Diyos at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.

Reply

Reynald Perez November 22, 2019 at 10:45 am

Pagninilay: Ang ating Ebanghelyo ay katulad ng Ebanghelyo ng nakaraang Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (Nobyembre 11, 2018). Ito’y tungkol sa babaeng balo na naghandog ng 2 kusing sa lalagyan ng kayamanan sa Templo. Mababa ang pagtingin noon ng mga Hudyo sa mga balo, sapagkat itinuturing sila noong mga panahong iyon na walang kadala-dala. Subalit makikita natin sa Ebanghelyo na ang itinuturing daw na walang kwenta ay siya pang bida at magandang asal. Ang biyuda ay nag-alay ng 2 kusing, samantala ang iba ay napakalaking salapi ang inihulog. Kaya ang papuri ni Hesus ay napunta sa babaeng balo sa pag-aalay ng higit pa sa lahat. Makikita dito sa tauhan niya na binigay niya nang buong puso kahit 2 kusing lang ang nagbubuhay sa kanya mula sa karukhaan. Makikita dito na ang pagbibigay ay hindi dapat ipinapagmalaki, kundi dapat ito’y gawin nang mula sa puso. Ang ibang sekta ay mayroon tinatawag na tithing system, sapagkat may tala sila ng mga miyembro ng kasapi nila na kailangan magbigay ng bawat isa na halagang 10 porsiyento. Subalit dito sa atin, nagbibigay tayo ng kahit anong halaga at kahit kailan sapagkat hindi tayo pinipilit na magbigay, basta ito’y nanggagaling mula sa puso. At ang pagbabahagi ng mga biyaya sa ibang tao ay may pagpapalang ibibigay na hindi nating inaasahan, at ito ay siksik, liglig, at umaapaw. Kaya sa pagtatapos ng Kalendaryo ng Simbahan, nawa patuloy tayo na gumawa ng mga mabubuting bagay katulad ng pagbibigay at pagbabahagi na galing sa puso.

Reply

Fred Duaso Monares November 25, 2019 at 6:12 am

Amen

Reply

PATRICK CU November 25, 2019 at 2:57 am

Salamat sa Diyos! AMEN!

Reply

Aida November 25, 2019 at 6:11 am

Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.Amen.

Reply

Edward Ramirez November 25, 2019 at 6:24 am

Pinupuri ka namin panginoong hesukristo

Reply

Francisco Azupardo November 25, 2019 at 2:51 pm

Salamat sa Diyos! Amen!

Reply

Celine November 26, 2019 at 2:39 am

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO. ALLELUIA!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: