Linggo, Oktubre 20, 2024

October 20, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa

Sa araw na ito, Linggo ng Misyong Pandaigdig, alalahanin natin ang lahat ng ating kapatid sa larangan ng misyon, at ipahayag natin ang ating pakikiisa sa kanila sa pamamagitan ng ating mga mataimtim na kahilingan:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Simbahang Katolika at mga namumuno rito: Nawa’y hindi nila kaligtaan ang kanilang bokasyon na mangaral ng Ebanghelyo sa lahat ng bansa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng relihiyoso at laikong hinirang ng Diyos upang maging misyonero: Nawa’y tugunan nila ang kanilang bokasyon nang may buong katapatan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng misyonero: Nawa’y gantimpalaan ng Pangi- noon ang kanilang dedikasyon sa paghahatid ng liwanag ng Mabuting Balita sa lahat sa pamamagitan ng masugid na pangangaral at pagpupunyagi sa mabuting gawa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga pinuno ng ating pamahalaan: Nawa’y mapagtanto nila na kasama ng kapangyarihan ang responsi- bilidad na maglingkod sa bayan nang buong katapatan at walang paghahanap sa sariling kapakanan lamang. Manalangin tayo!

Para sa ating parokya: Nawa tayo’y maging isang tunay na mapag-arugang sambayanan na handang magbigay-saksi sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng ating pananampalataya at pagtulong sa ating kapwa. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa’y hindi tayo maghangad ng katungkulan upang magtamo ng karangalan, kundi upang higit na makapaglingkod sa ating mga kapatid nang buong kababaang-loob at kabukasang-palad. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, nawa palakasin ng Iyong biyaya ang aming mga misyonero, aliwin sila sa kanilang pagdadalamhati, at magbunga nawa ng kaligtasan ang kanilang mga pagsisikap para sa lahat. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 12, 2021 at 4:24 pm

PAGNINILAY: Itinuturo sa ating liturhiya ngayong Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon kung paano natin tatanggapin ang pananampalataya sa Diyos bilang kanyang mga anak at mga kapatid sa isa’t isa. Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paghiling ng magkapatid at mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan kung pwde silang makaupo sa kanan at kaliwa ni Kristo kapag siya’y iluluwalhati na. N’ung tinanong sila ni Hesus kung iinom sila mula sa kalis ng paghihirap at mabibinyag ba sila ng binyag na kanyang ginampanan, ang tugon nila ay isang Oo. Kaya nakita ni Hesus ang kanilang kakayahang gawin ang dalawang bagay na iyon, subalit ang kanilang hinihiling ay hindi basta-basta lang ibibigay sa kanila, kundi para sa mga taong inihanda ang mga pwestong iyon. At nang marinig ng ibang Sampung Apostol, sila’y nagalit sa dalawang magkapatid. Kaya tinipon silang lahat ni Hesus at sinabi na ang mga matataas na pinuno ng mundo ay nagpapamalas ng kanilang awtoridad, ngunit hindi ito ang pamantayan ni Hesus. Kaya sinabi niya sa kanyang mga Apostol na ang sinumang nagnanais na maging una ay magiging huli, at ang sinumang nagnanais na maging dakila ay dapat maging lingkod. At bilang isang huwaran, si Hesus na Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi maglingkod, at ialay ang buhay upang mailigtas ang lahat.

Kaya si Hesus ang Lingkod ng Diyos na Nagdurusa ayon sa Unang Pagbasa mula kay Propetang Isaias. Dahil sa kanyang pagdurusa, ang Lingkod na ito ay inialay ang kanyang buhay ayon sa dakilang kalooban ng Diyos upang mailigtas ang bayan mula sa pagkakasala. Kaya nga si Hesus bagamat siya ay Diyos ay nagpakababa ng kalooban at naging masunurin sa kalooban ng Ama kahit hanggang sa kanyang kamatayan sa Krus. Kaya nga sinasabi sa Ikalawang Pagbasa mula sa Sulat sa mga Hebreo na si Hesukristo ay naging katulad natin maliban sa pagkakasala. Dahil sa kanyang inialay na buhay na naging pinakaganap na handog ng kaligtasan, siya ay ang dakilang saserdote na namamagitan sa atin patungo sa Ama. At ang ating kaligayahang kakamtan ay buhay na walang hanggan.

Kaya habang tayo’y namumuhay sa daigdig na ito, nawa’y patatagin natin ang ating pananampalataya sa Panginoon kahit sa mga panahon ng pagsubok na ating tinitiis araw-araw. At nawa’y maging huwaran natin si Hesus sa pagpapakumbaba at paglilingkod, ngunit hindi palaging pinaglilingkuran ni pinag-uutusan din ang iba.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 17, 2021 at 10:13 am

Ano ang hamon ng ebanghelyo sa atin ngayon?
Natural sa tao ang maghangad na sumikat, tumaas ang posisyon, maging politiko, may kapangyarihan, boss o tintingala sa lipunan. Hindi masama ang mangarap na marating ang mga luklulan na yan pero dapat alam mo ang tamang pag uugali kapag nandyan ka na, pag uugali na turo mismo ni Hesus. Ano ito? Ang maging lingkod sa halip na paglingkuran, ang manatiling mababa kahit p mataas na ang naibigay sayong posisyon, ang wag maging sakim, wag maging abusado, wag maliitin ang mas mababa sa iyo, tingnan ang lahat ng pantay pantay at huwag na huwag iisiping ikaw ay naka-aangat sa iba.
Laging isaisip ang bilin ni Hesus…
1. Ang nagpapakababa ay itinataas, ang nagmamataas ay ibinaba
2. Ang nauuna ay mahuhuli at ang nahuhuli ay mauuna.
Mapagpalang Linggo sa ating lahat!

Reply

Renato D. Pang-ot October 19, 2024 at 11:07 am

Dear, Brothers & Sisters in Christ:

Malaking tulong po ito sa akin dahil nagkakaroong ako ng idea what to share during community communion service. Maraming Salamat po.

Reply

Malou Castaneda October 19, 2024 at 9:34 pm

PAGNINILAY:
Palagi tayong humahanga sa isang “boss” na handang magpakababa at magtrabaho kasama ang kanyang mga nasasakupan. Naaalala natin ang ilang mga pari na nasisiyahang tumulong sa paghahanda at pamamahagi ng mga relief packs para sa mga nangangailangan. Sa aming komunidad, naaalala namin ang mga pinuno na magaayos ng mga upuan para sa mga pagpupulong at gagawin ang anumang bagay, maging ang paglilinis ng mga comfort room. Sa kabilang banda, naaalala rin natin ang iba pang mga “pinuno” na hindi magtataas ng isang daliri upang tulungan ang sinuman at inaasahan ang lahat na maghintay sa kanila. Ang pinakamagandang modelo ng isang Lingkod-Lider ay ang ating Panginoong Hesus. Kahit Siya ay Anak ng Diyos, walang nasa ilalim Niya. Hindi kasalanan ang hangarin ang isang maringal na posisyon. Ngunit mahalagang malaman kung ano ang ibig sabihin ng nasa ganoong posisyon.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming lumago sa Iyong mapagpakumbabang kaanyuan. Amen.
***

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: