Sabado, Oktubre 19, 2024

October 19, 2024

Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf
at San Isaac Jogues, mga pari at mga kasama, mga martir
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Efeso 1, 15-23
Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

Lucas 12, 8-12


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Saturday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. John de Brebeuf and
Isaac Jogues, Priests, and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Efeso 1, 15-23

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Hesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng hinirang, walang humpay ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo. Inaalaala ko kayo sa aking panalangin, at hinihiling sa Diyos ng ating Panginoong Hesukristo, ang dakilang Ama, na pagkalooban niya kayo ng espiritu ng karunungan at ng tunay na pagkakilala sa kanya. Nawa’y liwanagan ng Diyos ang inyong mga isip upang malaman ninyo ang ating inaasahan sa kanyang pagkatawag sa atin. Ito’y ang kaluwalhatiang inilaan niya sa kanyang mga hinirang, at ang walang hanggang kapangyarihan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon ang muling bumuhay kay Kristo at nagluklok sa kanya sa kalangitan, sa kanan ng Diyos. Kaya’t nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan. Higit ang kanyang pangalan kaysa lahat ng pangalan, hindi lamang sa panahong ito kundi pati sa darating. Ipinailalim ng Diyos sa kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng bagay, at siya ang ginawang ulo ng Simbahan. Ito ang katawan ni Kristo, ang kapuspusan niya na pumuspuspos sa lahat-lahat.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

Ikaw, O Poon, Panginoon namin,
laganap sa lupa ang iyong luningning,
at hanggang sa langit laging pupurihin.
Aawitang lagi niyong mga bata,
na wala pang malay at sariling diwa.

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

Ang likha mong langit, kung aking pagmasdan,
pati mga tala, bituin at buwan;
ano nga ang tao upang ‘yong alalahanin?
Ay ano nga siya na sukat mong kalingain?

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

Nilikha mo siya, na halos kapantay
Ng iyong luningning at kadakilaan!
Pinamahala mo sa buong daigdig,
sa lahat ng bagay malaki’t maliit.

Pinamahala sa tao
ang lahat ng nasa mundo.

ALELUYA
Juan 15, 26b. 27a

Aleluya! Aleluya!
Kayo at ang Espiritu
ang s’yang magpapatotoo
tungkol sa aral ni Kristo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 12, 8-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng Diyos.

“Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad.

“Kapag kayo’y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 19, 2018 at 10:26 pm

From Fr. Beny Tuazon:
(Lk. 12:8-12) Saturday of the Twenty Eight Week in Ordinary Time

In today’s Gospel Jesus warns His apostles about the importance of recognizing Him. Not for any egoistic reasons but as a necessity for salvation. Recognizing Jesus means believing Him to be the Messiah and deciding to follow Him. It is not, however, without difficulty, but the Holy Spirit will be there to enlighten and inspire. It follows that when the Holy Spirit is blasphemed, recognition of the Messiah would be impossible. It also constitutes unforgiveness because the very agent for realizing one’s sins, repentance, had been rejected.

There was a time when this sin against the Holy Spirit was associated with suicide. It was thought that the decision to take one’s life was a sign of desperation. Those who commit suicide were believed to have lost all hope in life that they decided to take their lives with their own hands. God, the Holy Spirit, was considered useless or inutile. Thus, it was considered as a blasphemy against the Holy Spirit and therefore unforgivable. They were deprived of the sacrament.

Times have changed. The Church, on further reflection and study of theology, and for pastoral reason now allows funeral masses for those who commit suicide. While it is true that taking one’s life is a sign of hopelessness and a rejection of holy inspiration, it can never be concluded with certainty that the person possesses that state at the point of death. We can never discount that briefest moment before death maybe a moment of repentance. Thus, if treated a blasphemer, the person would have been deprived of the graces of the sacrament. Further, by doing so, the Church properly leaves to God the final judgment of the person.

But the point of Jesus was to take advantage of the presence and action of the Spirit. The Spirit is God’s abiding presence in us. The gifts it brings are very useful and relevant. Faith in action begins with believing that God gives us the graces we need to attain salvation and it is followed by recognizing the guiding presence of the Spirit. The lesson is not to abandon the Spirit so we will not abandon our chances to salvation.

Reply

Melba G. De Asis October 20, 2018 at 8:25 am

Nawa’y mapasaatin ang Ispiritu Santo sa lahat ng sandali para makamtan natin ang kaligtasan sa lahat ng masasamang magtatangka sa ating kapanatagan. Amen!

Reply

Reynald Perez October 16, 2020 at 9:33 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ngayon ay isang magandang pahayag ni San Pablo sa kaloob ng kaligtasan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesukristo. Dahil sa kanyang pag-aalay ng buhay sa Krus para sa ating kaligtasan, tayong lahat ay nakamit ng pamanang makibahagi sa buhay na laan sa atin ni Kristo. Ang ating buhay dito sa lupa ay tinatawag ng Panginoon sa misyong makibahagi sa kanyang misyion, upang ang ating mga puso at isip ang kaliwanagan. Lahat tayo ay nararapat sa kagalakang hatid ng Kaharian ng Diyos sa Langit. Kung tayo ay magiging tapat sa ating gawain nang may kabutihan-loob sa Panginoon at sa kanyang nilalang, makakamit natin ang mga biyaya ng buhay na walang hanggan matapos ang ating buhay dito sa lupa.

Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paalala ni Hesus tungkol sa mga biyaya ng Espiritu Santo. Sinabi niya na ang sinumang nag-aalipusta sa kanya ay mapapatawad, ngunit ang sinumang nanlalait sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad. Ang ibig sabihin nito ay ang pagsasabuhay sa mga kaloob at bunga ng Espiritu Santo. Noong kinumpilan tayo, binigyan tayo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na maging mga matatag na saksi ni Kristo para sa pananampalataya. Ang ikatlong persona ng Santatlo ang siyang tagapagtanggol natin, lalung-lalo na sa mga panahon ng kagipitan at pagsubok. Kaya sinasabi ng Panginoong Hesus na kapag tayo ay ihaharap sa bingit ng maling pagbibingtang, ang Espiritu ang siyang magpapatotoo sa ating pagiging makatotoong katauhan dahil tayo ay nasa tamang pamamaraan. Nawa hayaan natin ang Espiritu Santong maging gabay at lakas natin upang kilalanin at isabuhay natin ang mga pamamalakad at mensahe ng Panginoon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: