Biyernes, Oktubre 11, 2024

October 11, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Natitipon kay Kristong lumulupig sa lahat ng kasamaan, lumapit tayo sa Ama nang may pananalig dala ang ating idinadalanging mithiin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagtagumapayan nawa namin ang lahat kay Kristo, O Ama.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at magbigay ng tapat na pagsaksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na ibangon ang nalugmok na sandaigdigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magkaroon ng tapang na magsalita nang hayagan sa ngalan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang hindi hayagang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa, nawa’y tanggapin sa kaganapan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, habang itinataas namin ang aming mga panalangin, pinasasalamatan ka namin sa iyong Anak na lumupig sa kasalanan at kamatayan, siya na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Ethel de ungria October 6, 2022 at 7:33 pm

RepLeksiyon: Gawin ang dapat kahit pa siraan ng iba
Oktubre 6, 2021 7:40pm GMT+08:00
SINULAT NI: Bro. Marianito Agustin, O.P., Dominican Laity

Tandaan lamang natin na kahit anong paninira at panlilibak ang gawin ng ibang tao sa atin, hindi sila magtatagumpay kung ang ating ginagawa ay para sa ikalulugod ng Panginoong Diyos.
Hindi nagpaapekto si Hesus sa mga taong naninira sa Kaniya. Sa halip ay itinuon Niya ang pansin sa Kaniyang misyon (Lucas 11:15-26).

Sa panahon ngayon ng social media, madaling maapektuhan ng tao kapag may pumupuna o bumabatikos sa kaniyang mga ginagawa kahit pa nakatutulong sa iba.

Pero sa halip na magpaapekto sa mga puna, dapat natin itong gamitin bilang isang hamon upang lalo tayong magsikap at magpursige.

Sapagkat kung magpapadala tayo sa kanilang mga negatibong komentaryo, lalo lamang tayong manlulumo at makararamdam ng demoralisasyon sa sarili. Hanggang sa tuluyan tayong bumagsak at tumigil na lang sa ginagawa.

Matuto tayo sa ating Panginoong HesuKristo na hindi basta nagpaapekto sa mga taong naninira sa Kaniya.

Ano ba ang ginawa ng ating Panginoon nang sa panahon iyon ay may mga naninira sa Kaniya (kasama na ang mga pinunong Judio), ipinagpatuloy lamang ni HesuKristo ang Kaniyang misyon.

Ang mahalaga para sa Kaniya ay ang katuparan ng Kaniyang misyon dito sa lupa na ipinapagawa sa Kaniyang Amang nasa Langit. Kung sa panahon ngayon, para bang “who you?” ang inabot ng mga “basher” ni HesusKristo.

Hindi nga pinansin ni Hesus ang mga pang-iinsulto sa Kaniya. Sa halip ay itinuon Niya ang Kaniyang atensyon sa Kaniyang Ministeryo. Kung papatulan kasi Niya ang mga naninira sa Kaniya, maaaring hindi Niya matutupad ang Kaniyang tungkulin at obligasyon– ang iligtas ang mga tao mula sa pagkakasala upang matamo nila ang buhay na walang hanggan.

Ganito ang mababasa sa Mabuting Balita (Lucas 11:15-26) matapos akusahan si Hesus na kaya lamang Siya nakapagpapalayas ng demonyo ay dahil sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo. (Lk. 11:15)

Gayunman, ipinaliwanag sa kanila ng ating Panginoon na nagpapalayas Siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. (Lk. 11:20)

Reply

Boyet Musa Peñalosa October 7, 2022 at 9:12 am

“Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon.
Sa ibang pagbasa may sinasabi na ” Huwag ninyo syang pagbawalan sapakat kung tunay na silay atin pagkatapos nito hindi sila mag sasalita ng laban sa atin.
Para sa akin ito yung mga nangangaral din ng tungkol sa Diyos subalit nag tuturo sila ng laban sa ating Inang Birheng Maria.
bumabatikos tungkol sa Pagdarasal ng Rosaryo. At marami pang iba para patunayan lang nila na mali ang itinuturo ng Simbahan. Ang Inang Simbahan ay lumalarawan ng ating Birheng Maria dahil ito ang sinapupunan na pinanggagalingan ng mga Sinisilang bilang Kristyano. Sa Ebanghelyo patuloy nilang binabatikos si Jesukristo at kung anuanong paraan ang ginagawa nila upang iwasan si Kristo at wag paniwalaan.
Inaanyayahan tayo sa araw na ito na manatili kumapit sa Diyos at wag matakot tulad ni Maria na na handa siyang pumasok sa Kalooban ng Diyos kahit na ang haharapin nya ang mga pag uusig. Hilingin din natin sa Diyos na Matulad din tayo kay Maria na kaya niyang tumayo sa harapan ng Krus.
tandaan palagi sa Krus ay naroon si Kristo.
Don’t miss to pray Rosary. God is good all the time.

Reply

ruel arcega October 7, 2022 at 10:35 am

Sa araw na ito ating pinagdiriwang ang kapistahan ng Sto Rosario, isang pag-gunita nita pagkapanalo laban sa kalaban ngunit mga sundalo mga pilipino katoliko at mga kasama sila’y nagdasal muna ng sto rosario humingi ng gabay, dahil doon kaunti lang ang wala sa kanila kahit sila kakaunti pero sila’y nagwagi labang sa mga dutch army at dahil sila ginabayan nang ating Ina laban sa kalaban. naapakalaki ng tulong nang ating Ina si Maria laban sa masama, Ang ebanghelo ay nagpapaalala sa atin na ang hangrin ni Belzebula o si satanas , demonyo ay sirain ang ating pagakakaisa labang sa masama. Hangad ng Demonyo ay dibisiyon . pero ang hangad ni Maria ay pagkakaisa, dahil iyon din ang hangarin ni Hesus. Dahil si Beelzebul, satanas o demonyo tawag natin sa kaaway ng Diyos ay hangad tayo ihiwalay sa Diyos at pagawayin at hatin ang mga anak. Kaya’t pinaalalahanan tayo na mag ingat tayo kay satanas.

Reply

Francis Charles Estabillo October 10, 2024 at 10:14 pm

Sa ating unang pagbasa narinig natin na kapag tayo ay naniniwala ata nagtitiwala sa kapangyarihan ng Diyos tayo ay kaniyang pinagpapala. Sa atin namang Ebanghelyo gayundin na kapag tayo ay naniniwala sa kapangyarihan ng Diyos ang anumang akala natin ay mahirap lutasin o labanan nagagawa nating lutasin o kaya naman ay labanan. Ito ay paanyaya sa atin na tayo ay maniwala at mag tiwala palagi sa kapangyarihan ng Diyos, sa kaniyang kayang gawin para sa ating mga pang araw-araw na pamumuhay. Sa ating pag tulong sa ating kapwa, sa ating pananalig sakaniya at sa ating pagsisisi sa ating kasalanan tayo ay kaniyang pagpapalain. Minsan akala natin hindi na tayo pinagpapala ng Diyos ngunit sa bawat segundo ng ating buhay tayo ay pinagpapala ng Diyos. Nawa ating papasukin ang Diyos sa ating puso, isip at kalooban at hindi ang masamang espiritu, sana matularan natin si Jesus na namatay sa Krus sa kaniyang pagiging malinis kailanman. Paanyyaya rin ito sa atin na huwag na nating antayin pa ang ating kamatayan at ang ating kahinaan upang tayo ay magsisi, ngayon palang itakwil na natin ang kasamaan at mga pang uudyok nito ay atin nang iwasan nang sa gayon sa ating itinakdang araw na haharap tayo sa Diyos tayo ay matanggap niyang lubos.

Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: