Podcast: Download (Duration: 5:01 — 7.0MB)
Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado
Galacia 3, 22-29
Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
Lucas 11, 27-28
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)
UNANG PAGBASA
Galacia 3, 22-29
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia
Mga kapatid, sinasabi ng Kasulatan na ang lahat ng tao’y alipin ng kasalanan upang sa pamamagitan ng pananalig kay Hesukristo, ang mga sumasampalataya ay tumanggap ng mga ipinangako ng Diyos.
Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, kami’y alipin ng Kautusan hanggang sa mahayag ang pananampalatayang ito. Kaya’t ang Kautusan ang naging tagapagturo namin hanggang sa dumating si Kristo at sa gayun, kami’y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong nananalig na kami sa kanya, wala na kami sa pangangalaga ng tagapagturo.
Dahil sa inyong pananalig kay Kristo Hesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Sapagkat ang lahat ng nabinyagan kay Kristo ay pinananahan ni Kristo. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae – kayong lahat ay iisa dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus. At kung kayo’y kay Kristo, kabilang kayo sa lahi ni Abraham, at tagapagmana ng mga ipinangako ng Diyos.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
o kaya: Aleluya.
Siya ay purihin, suubin ng awit, ating papurihan,
ang kahanga-hangang mga gawa niya’y dapat na isaysay.
Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya,
ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila,
lahat ng may nais maglingkod sa Poon, dapat na magsaya.
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan,
siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan.
Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa,
ang kanyang paghatol, gayun din ang kanyang ginawang himala.
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
Ito’y nasaksihan ng mga alipi’t anak ni Abraham,
gayun din ang lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.
Ang Panginoong Diyos ay ang Panginoon, siya ang ating Diyos,
sa kanyang paghatol ay ang nasasaklaw, buong sansinukob.
Nasa isip ng Maykapal
ang tipan niya kailanman.
ALELUYA
Lucas 11, 28
Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa D’yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 11, 27-28
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus sa mga tao, may isang babaing sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, “Mapalad ang babaing nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa inyo!” Ngunit sumagot siya, “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Biyernes, Oktubre 11, 2024
Linggo, Oktubre 13, 2024 »
{ 4 comments… read them below or add one }
Mary, who carried Jesus in hef womb is truly blessed for above all she listened to the Word of God. Her defenite YES changed the course human history, the Human Story.
She is the first and absolute disciple of Jesus. By teaching Jesus on how to become human, unknowingly she is taught by Him to become divine. Jesus sat on the lap of Mary’s motherly care and embrace, from there she learned to become true disciple of His. She intently listen to Jesus’ teaching by words and deeds and kept them in hef heart. Indeed she is the true model of discipleship, who listens first ( annunciation and Magnificat – Luke 1-2) and obey the Words of God in her heart thus she is truly the New Zion the New Israel ( “Listen Israel…” – Ex/Dt).
As Jesus’ disciple, how do I listen/obey to Him in His Words…?
From Fr. Benny Tuazon:
(Lk. 11:27-28) Saturday of the Twenty Seventh Week in Ordinary Time
In today’s Gospel Jesus was praised for His words and miracles. Again, He took advantage of the situation to teach. While His mother was blessed for having given birth to her, the blessed one is the one hears the Word of God and obey it.
Indeed, even today, many would say that blessed are parents who have their sons as priests. Indeed they are. But there is a better one. If children are good children of God, not necessarily priests, then their parents are blessed. It is a dream for parents to have reared their children not only as good citizens but also good Christians. It was what they had promised to God when they were baptized. Unfortunately, the rearing had been focused on making them rich, famous, powerful, and beautiful. The goal to make them good children of God, though intended, was not sustained. Of course, with some exceptions.
Today’s Gospel is a good reminder of this prime responsibility of parents and God parents. Fulfilment on this earth is not the ultimate goal of life. Getting to heaven and belonging to the Kingdom is.
Mula kay Fr. Rey Anthony Yatco:
MAGANDANG BALITA NGAYON – SABADO NG IKA-27 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON
LUKAS 11:27-28 Noong panahong iyon, samantalang nagsasalita si Hesus sa mga tao, may isang babaeng sumigaw mula sa karamihan at nagsabi sa kanya, “Mapalad ang babaeng nagdala sa inyo sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa inyo!” Ngunit sumagot siya, “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito!”
MAGNILAY: Marami sigurong mga ina noong panahon iyon na sana naging anak nila ang Panginoong Hesus. Nangarap marahil sila na sila sana ang nagdala sa kanya sa kanilang sinapupunan at nagpasuso sa kanya. Laking kagalakan at karangalan nila kung sila ang naging ina ang Panginoon at nag-aruga sa kanya. Isa na ang babaeng ito na sumigaw sa karamihan upang parangalan ang kanyang ina. Gayunman, dineklara ng Panginoong Hesus na bagamat mapalad ang kanyang ina dahil siya’y naging anak niya pero higit pa sa pagiging mapalad ng kanyang ina ang mga taong tatanggap ng kanyang salita upang tuparin ito sa kanilang buhay. Sasakanila ang Panginoon at siya’y dadalhin nila sa kanilang mga puso. Doble ang pagiging mapalad ng Mahal na Birhen dahil hindi lang niya dinala ang Panginoong Hesus sa kanyang sinapupunan at nagpasuso sa kanya kundi naging ina siya ng Panginoon bunga ng kanyang pakikinig at pagtupad ng salita ng Diyos.
MANALANGIN: Panginoon, maging pagkain ko nawa araw-araw ang makinig ng iyong salita at tuparin ito.
GAWIN: Magbasa isang kabanata man lamang ng Bibliya kada araw at sikaping isabuhay ang mensahe nito.
Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay nagpapahayag kung ano ang nagliligtas sa tao. Madalas ito ay binabaliktot ng mga sekta upang ipalabas na “pananampalataya lamang” ang maililigtas. Ito yung tanyag na doktrina ng mga Protestante na kung tawagin ay “Sola Fidei”. Ngunit kung babalikan natin ang pagbasa, wala namang binanggit na salitang “lamang” sa pagkakaroon ng kaligtasan sa tao sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo. Ngunit ano naman ang ibig sabihin ng Apostol na “hindi maliligtas ang mga gawa”? Ito’y patungkol sa mga ritwal o kaugalian ng mga Hudyo, na noong panahong iyon, napapahirap sa mga Hentil na mapabilang sa Simbahan. Parang sinasabi ng mga Hudyong Kristiyano na dapat tuparin daw ng mga Hentil na Krisitiyano ang mga nakasaad sa Kautusan ni Moises bago maging ganap na kasapi ni Kristo. Subalit alam natin na ang ating pananampalataya sa Panginoon ay naging maayos nang si Hesus ay mamatay sa Krus at muling mabuhay. Kaya nga bilang mga Katolikong Kristiyano, mayroon tayong isang Deposito ng Pananampalataya, na ang ating pagiging tunay na deboto ng Panginoon ay nakasalalay sa pananampalataya at mga mabubuting gawa tungo sa bawat nilalang sa pamamagitan ng mga Doktrina (Tradisyon), mga Moralidad (10 Utos; 8 Pagpapala), at Pagsamba (7 Sakramento)
Ang Ebanghelyo ngayon ay isa sa mga pinakaiksing teksto na binabasa ng Simbahan, ngunit mayroong mahalagang mensahe. Nang si Hesus ay nangangaral, may isang babaeng biglang napasabing kung paanong naging mapalad ang nagdalang-tao sa Panginoon. Kaya ang naging tugon naman ni Kristo ay mas mapalad ang mga taong nakikinig sa mensahe ng Diyos at tumutupad nito. Kaya itong Ebanghelyo ay isang pagpaparangal sa ating Mahal na Ina: si Birheng Maria. Tunay nga siyang mapalad dahil sa kanyang pananampalataya, pagkamasunurin, at kababang-loob na tuparin ang dakilang kalooban ng Diyos Ama. Kahit nakita niya ang kanyang Anak na nagdurusa at nabayubay sa Krus, patuloy siyang tumalima sa plano ng Panginoon. Alam ni Maria na lahat ay mangyayari ayon sa mensahe ng Diyos para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan laban sa kasamaang umiiral sa maling pag-iisip at huwad na pagkilos ng tao. Kaya nga itinagubilin ni Kristong nakapako sa Krus ang kanyang Ina bilang ating Mahal na Ina upang mayroon tayong pagmamahal at katamis-tamis na pag-aaruga upang masundan natin ang Panginoong Diyos araw-araw sa ating buhay. Nawa’y maging huwaran sa atin ang ating Mahal na Inang Maria sa pananamapalataya, pagkamasunurin, at kababang-loob tungo sa mga bagay na ibinibigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus.