Podcast: Download (Duration: 5:10 — 3.7MB)
Sabado sa Unang Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda
Deuteronomio 26, 16-19
Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8
Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.
Mateo 5, 43-48
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Saturday of the First Week of Lent (Violet)
UNANG PAGBASA
Deuteronomio 26, 16-19
Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio
Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon ay ibinigay nga sa inyo ng Panginoon ang mga tuntuning ito; sundin ninyo ito nang buong puso’t kaluluwa. Ipinahayag ninyo ngayon na ang Panginoon ang inyong Diyos, lalakad kayo ayon sa kanyang daan, susundin ang kanyang mga tuntunin at didinggin ang kanyang tinig. Ipinahayag naman niya sa inyo na kayo ay kanyang bayan, tulad ng kanyang pangako, at dapat ninyong sundin ang kanyang mga tuntunin. Palalakihin niya kayo higit sa ibang bansa upang maging kapurihan niya, karangalan at kadakilaan. At tulad ng sabi niya, kayo ay isang bansa na nakatalaga sa kanya.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8
Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.
Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,
ayon sa utos ng Poon ang gawain araw-araw.
Mapalad ang sumusunod sa kaniyang kautusan,
buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay.
Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.
Ibinigay mo sa amin iyang iyong mga utos,
upang aming talimahin at sundin nang buong lugod.
Gayun ako umaasa, umaasang magiging tapat,
susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat.
Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.
Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok,
buong pusong magpupuri, pupurihin kitang lubos.
Ang lahat ng iyong utos ay sisikapin kong sundin,
huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong lilisanin.
Mapalad ang sumusunod
sa utos ng Poong Diyos.
AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA:
2 Corinto 6, 2b
Ngayo’y panahong marapat,
panahon ng pagliligtas,
araw ngayon ng pagtawag
upang makamit ang habag
ng Panginoong matapat.
MABUTING BALITA
Mateo 5, 43-48
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Biyernes, Pebrero 23, 2024
Linggo, Pebrero 25, 2024 »
{ 8 comments… read them below or add one }
Reflection: Most of us may have been shocked at the words of our Lord Jesus Christ in the Gospel (Matthew 5:43-48). Why should I love my enemy? Why should I forgive someone who hurt me so bad? Why should I give this person another chance? Friends, it is very hard to love and forgive our enemies and to pray for him, but that is reality. Jesus wants us to reconcile with one another. It is not enough to say that we love God and acknowledge our sinfulness to him, if our purpose is to spread hatred to those who have hurt us. Remember that when Christ was crucified on the Cross, he uttered these words: “Father, forgive them, they know not what they do” (Luke 23:34). Likewise, as Saint Stephen was being stoned to death, he prayed: “Lord, do not hold this sin against them” (Acts 7:60).
My dear brothers and sisters, Jesus also challenges us: “Be perfect, just as your heavenly Father is perfect” (Matthew 5:48). This may sound impossible because we are all sinners, but it doesn’t mean that we should become like gods. Simply, it means that we should try to live accordingly as God’s people. And one good example is to love our enemies by praying for their conversion and forgiving them. That is why the Lent is the time to reconcile with God and with one another. And this is the challenge given to us, as we reconcile with those we oppose, correct them fraternally, and serve one another in goodness. So as we journey down this Lenten road, let us love one another and do acts of charity and kindness to them. Let us also forgive those who have hurt us and pray for their conversion.
Napakahirap magmahal ng kaaway pero ito ang utos ng Panginoon ang magmahal at huwag mapoot sa kaaway. Sa una ay napakahirap at kailangan ang panahon bago maghilom ang sakit at para makamit ito dapat ay itaas natin at hilingin sa panalangin na mapatawad natin ang nagkasala at umusig sa atin. At ang masakit ay may mga taong nakakamatayan na ang galit sa kapwa, sa bandang huli ang taong nagkimkim ng galit at hindi makapagpatawad siya pa rin ang talunan.
PAGNINILAY: Ang Kuwaresma ay Panahon ng mas malalim na pagkilala sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa lahat ng tao.
Ang Ebanghelyo ngayon ay isa sa mga turo ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang Pangangaral sa Bundok. Sa Pangangaral ng ating Panginoong Hesukristo sa Bundok, binibigyang-diin ni San Mateo si Hesus bilang Katuparan ng Kautusan at ng mga propeta. Sa salaysay na ito, pinagpanibago niya ang tao tungo sa kanilang pagmamahal sa bawat isa. Sinasabi sa Levitico 19:18 tungkol sa pagmamahal sa kapwa. At may ilang bersikulo sa Lumang Tipan ay bagamat hindi direktang tumutukoy sa pagkapoot sa iyong kaaway, tinutukoy pa rin ng mga ito ang hindi pagpapayag sa ginagawa ng mga taong ito. Kaya pinalawak ng Panginoong Hesukristo sa pagtuturo sa pagmamahal sa mga kaaway. Sinabi pa nga ng Panginoon na ipagdarasal ang mga mang-uusig upang maging mga tunay na anak ng Ama nating Diyos sa langit.
Aaminin natin na madaling sabihin, ngunit mahirap gawin. Sa dami ng kasalanan ng iyong kaaway at dahil masyadong mabigat ang kanilang kasamaan, paano kaya natin mamahalin at pagpapatawad ang ganyang klaseng tao? Ang pinupunto dito ni Hesus na sa kabila ng kasamaan at pagkakasala ginawa ng iyong mga kaaway, at normal sa ating katauhan na kapootan sila, dapat ang trato natin sa kanila ay mga “tao lamang” katulad natin. Subalit hindi natatapos ang kwento ng tao sa kanyang kahinaan, bagkus ay dapat ito’y isang pagkakataon upang siya ay matuto, magsisi, at gumawa ng kabutihan At mangyayari iyon kapag inaalala natin hindi lang ang ating mga kaaway, kundi ang lahat ng mga makasalanan sa ating mga panalangin. Kahit ang mga publikano at Hentil, mga itinuturing ng mga Hudyo na “humiwalay”, ay nagmamahal at nagbabati sa kapwang nagmamahal at hindi nagmamahal sa kanila, kapwang nagbabati at hindi bumabati sa kanila. Kaya itinuturo sa atin ng Ebanghelyo ngayon ang kaganapan ng pag-ibig sa ngalan ng ating pagkakilanlan bilang mga Kristiyano.
Ang dakilang huwaran ng pagmamahal sa mga banal at makasalanan ay walang iba kundi ang ating Panginoong Hesukristo. Hanggang sa kanyang hantungan ng kanyang Kamatayan sa Krus, binigyan tayo ni Kristo ng isang bagong pagkakataon na mamuhay dahil minahal niya tayo at iniligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Sa pinakahuli ng ating Ebanghelyo, tayo ay inanyayahan ni Hesus na maging perkpetko katulad ng pagkaperpekto ng ating Diyos Ama. Sa ibang pagsalin, ito’y pagiging ganap sa pagmamahal katulad ng ganap ng pag-ibig sa atin ng Maykapal.
Pagpapatawad at pag-alis ng poot sa dibdib ang aral at hamon ng ebanghelyo ngayon.
Tao lamang tayo na nakararamdam ng galit o poot o pagkamuhi sa ating kapatid o kapwa. Normal ang pakiramdam na iyon. Kung hindi mo pa kayang patawarin agad agad ay okay lang pero pag aralan mong patawarin sapagkat ikaw din ang magdadala ng walang kapayapaan sa puso mo at isipan. Walang mangyayari kung pagtatagalin mo ang poot sa iyong dibdib, sisirain ang araw mo araw araw, magiging bugnutin ka at ang mas masama pa ay ang maisip mong maghiganti. Oo hindi madali, mas madali sya sabihin pero kaya ito mga kapatid. Hindi natin madarasal ang panalangin na itinuro ng ating Ama kung hindi tayo mapapatawad. Ang ibig sabihin ay hindi rin tayo patatawarin ng Diyos kung hindi tayo marunong magpatawad.
Tao lamang din ang nakasakit sayo, nagkakamali. Hindi mo kailangang intayin syang humingi ng dispensa sa iyono mag sorry. Patawarin mo sya sa puso mo at yun ang magpapalaya sa kalungkutan at kaguluhan ng iyong pag iisip.
Tao ka lamang at tao lamang ang nakasakit sa iyo. Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ay handang magpatawad sayo.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Unconditional Love. Ang tamang pag-ibig.
Ang mahalin ang may silbi at walang silbi sa atin. Karaniwang nawawala ang pagibig kung ang turing natin sa mga tao ay alipin. Kung hindi na mapakikinabangan ay may tingin na maanghang at salitang pabalang. Kahit sa mag-asawahan ito ay totoo, buhay ay nagiging paligsahan, kung lugi sa oras at trabaho, ating pinamumulat gawaing nagawa, itutulak ang kabila makabawi man lang, sabayan ng talak na tila nanlilibak, iyan ang mga nagsumpaan sa dambana na magmanahalan. Mano pa sa ibang tao kung ang parati nating binabanggit, ” Eh ano naman ang pakinabang ko sa iyo?” Marami tayong expectations sa mga kapatid nating naturingan. At kung hindi umabot sa ating pamantayan, wala na tayong pakialam at isiping mabulok na lang siya sa kanyang kinatatayuan. Higit sa lahat na mahirap mahalin mga taong sumaling sa atin. Sinaktan tayo at pinagmalakihan kaya ang pride natin ay nasugatan. Pero ganuon pa man ang mga sadyang katotohanan, lahat ng tao ay gawa sa imahen at kawangis Niya, naalayan ng paghihirap at kamatayan niya sa krus, lahat nagkasala sa Kanya. Ikaw at ako, sila, na iniisip nating hindi tama, na hindi dapat tumanggap ng grasyang inihanda, sino tayo para maghusga kung ang Diyos na mismo ay mahal pa rin sila? Kung may nakikita ang Ama para ibigin pa rin mga sumaway sa Kanya, nawa’y magkaroon tayo ng karunungang maintindihan na tulad ni Hesus na pati kaaway ay yakapin at patawarin, pagka’t dito nagsisimula at nagtatapos ang kuwento ng isang pag-ibig na dakila. Hindi natin maarok mga katotohanang ito kung wala ang Espiritu na magpaliwanag, magtuturo, at kung bakit dapat gawin. Mahirap kung ang tiwala ay naka sentro lang sa atin. Kaya sa ating palagiang panalangin hilingin natin kay Hesus na puspusin tayo ng Kanyang katangian nang sa gayon masunod natin siya ng totoo at walang kaplastikan. Pero sa ngayon, magbawas muna tayo ng kasalanan sa kumpisalan, sapagkat ito ang humahadlang sa lahat ng ating kagustuhan. Sa isang malinis na puso walang imposibleng naturingan. Kapangyarihan ng Diyos ang sa lahat ay magpapagaan at sigurado ako na ating sasang-ayunan.
Sinabi ni Hesus, “Mapalad ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila’y ituturing na mga anak ng Diyos.” Hindi po ito nakatuon lamang sa “world peace” ngunit mas patungkol ito sa kapayapaan ng ating pamumuhay. Patungkol ito sa pagkakaroon ng kapayapaan with our enemies.
Palagay ko’y ito ang pinakamahirap na gawin para sa isang taong malayo sa Diyos or naglalapit-lapitan lang. Ngunit ito ang number one palatandaan na ang isang tao ay tunay na anak ng Diyos. Bakit? kase mismo ang Diyos minahal Niya tayong mga itinuring Niya noong kaaway, ngunit dahil kay Kristo ay nilinis tayo at itinuring na mga anak. Si Kristo, ang Diyos mismo, ang gumawa ng paraan para tayo’y maging mga anak Niya sa pamamagitan ng great sacrifice na naachieve noon sa Krus ng Kalbaryo.
Ang peacemaking process ay hindi madali. Hindi ibig sabihin nito ay ikaw lagi yung unaffected or ang nasa gitna na namamagitan para sa dalawang magkaaway. Minsan ikaw ang nakagawa ng masama, o ikaw ang ginawan ng masama. Either way, mahirap umamin ng ginawang masama (may mga tao pa ngang hindi nakikita ang masamang ginawa nila) at mahirap din magpatawad. Both of these requires humility to see what you did wrong, and humility to accept na nagkakamali rin ang tao kaya matuto tayong magpatawad. It requires the grace of God to be both humble and forgiving and loving. Ang peacemaking ay isang masalimuot na process kung saan pinapakita mo ang vulnerability mo.
Pero katulad ni Hesus na ipinakita ang vulnerability Niya bilang tao (ang pagkamatay sa Krus) sa pagaalay ng Kanyang buhay upang tayo’y magkaroon ng kapayapaan sa Ama. Ganoon din tayo nagwork towards making peace in our daily lives especially with our enemies.
at ktulad din Niya na binuhay muli ng Ama matapos ang ikatlong araw, ang ating mga espiritu ay bubuhayin din ng Ama, mapapanibago, marerefresh matapos ang peacemaking process na ito.
Mayroon ngang nakapagsabi, “You only win when you turn your enemy into a friend because this is the exact thing that God did to us thru Jesus Christ our Lord. Quoting from James, “Once you were alienated from God and were enemies in your minds because of your evil behavior. But now he has reconciled you by Christ’s physical body through death to present you holy in his sight, without blemish and free from accusation, if indeed you continue in the faith, stable and steadfast, not shifting from the hope of the gospel that you heard.”
Being a child of God thru Jesus Christ is not an end to itself. We are being sanctified by the Spirit thru the trials that are going in our ways. The everyday choice is this, to make decisions based on the hope of the Gospel or choose your own way. Kagaya ni Kristo, nawa’y ang piliin natin lagi ay ang Diyos nang katulad ni Kristo, maging legit na anak din tayo ng Diyos sa panahon na ito at sa susunod. Amen.
PAGNINILAY
Ilan sa atin ang may kaaway? Ang patawarin ang isang kaaway ay isa sa pinakamahirap gawin. Lahat tayo ay ayaw magkaroon ng kaaway, pinipilit nating iwasan na magkaroon ng kaaway. Pero minsan may mga taong lumalapit sa atin na parang naghahanap ng gulo. Yung parang masaya kapag may kaaway o nakagpapalungkot sa iba. Paano natin mapapatawad ang mga taong nagdulot sa atin ng sakit? Isang kaibigan na niloko tayo dahil sa pera o negosyo, isang nobyo o kasintahan na bigla tayong iniwan at ipinagpalit sa isang mas’ luntiang pastulan’, isang taong dahilan ng ating nasirang tahanan, ang ating mga kapatid dahil sa mana ay kinuha ang ating bahagi, o kahit ang sarili nating mga magulang na gumawa ng masama sa atin, atb… atbp. Habang tayo ay nabubuhay, lagi tayong may kaaway at ‘frenemies’. Natural na ayaw natin silang mahalin. Ngunit ang ating Panginoong Hesus ay nananawagan sa atin na mahalin ang ating mga kaaway..higit sa gawa kaysa sa salita. Ang mensahe ni Hesus ay tungkol sa pagpapatawad at pagkabukas-palad, ang pangangailangan ng pagkakaroon ng mapagpatawad na puso bilang batayan sa pagmamahal sa ating mga kaaway. Ang halimbawa ng pagmamahal at pagpapatawad ni Hesus sa krus ay makakatulong sa atin na gumawa ng maliliit na hakbang sa paraan ng pagpapatawad. Minahal Niya tayong lahat, walang diskriminasyon, kahit ilang beses na natin Siyang sinaktan… ang pinakamahirap na utos … na bumangon sa ating mga hinanakit at matutong magpatawad. Ang ganyan ay magmumula lamang sa Diyos, na ang pag-ibig ay sumasaklaw sa lahat ng pantay.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming magsikap na tularan ang Iyong walang kondisyon na pag-ibig.? Amen.
***
Reflection: Most of us may have been shocked at the words of our Lord Jesus Christ in the Gospel (Matthew 5:43-48). Why should I love my enemy? Why should I forgive someone who hurt me so bad? Why should I give this person another chance? Friends, it is very hard to love and forgive our enemies and to pray for him, but that is reality. Jesus wants us to reconcile with one another. It is not enough to say that we love God and acknowledge our sinfulness to him, if our purpose is to spread hatred to those who have hurt us. Remember that when Christ was crucified on the Cross, he uttered these words: “Father, forgive them, they know not what they do” (Luke 23:34). Likewise, as Saint Stephen was being stoned to death, he prayed: “Lord, do not hold this sin against them” (Acts 7:60).
My dear brothers and sisters, Jesus also challenges us: “Be perfect, just as your heavenly Father is perfect” (Matthew 5:48). This may sound impossible because we are all sinners, but it doesn’t mean that we should become like gods. Simply, it means that we should try to live accordingly as God’s people. And one good example is to love our enemies by praying for their conversion and forgiving them. That is why the Lent is the time to reconcile with God and with one another. And this is the challenge given to us, as we reconcile with those we oppose, correct them fraternally, and serve one another in goodness. So as we journey down this Lenten road, let us love one another and do acts of charity and kindness to them. Let us also forgive those who have hurt us and pray for their conversion.