Martes, Agosto 22, 2023

August 22, 2023

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Mga Hukom 6,11-24a
Salmo 84, 9. 11-12. 13-14

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Mateo 19, 23-30


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Memorial of the Queenship of the Blessed Virgin Mary (White)

Mga Pagbasa mula sa
Martes ng Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Mga Hukom 6, 11-24a

Pagbasa mula sa aklat ng mga Hukom

Noong mga araw na iyon, dumating sa Ofra ang anghel ng Panginoon at naupo sa ilalim ng puno ng encina ni Joas na kabilang sa lipi ni Abiezer. Si Gedeon na anak ni Joas ay kasalukuyang gumigiik noon ng trigo sa pisaan ng ubas. Patago ang kanyang paggiik at baka siya makita ng mga Madianita.

Nilapitan siya ng anghel ng Panginoon at sinabi sa kanya, “Sumasaiyo ang Panginoon, matapang na bayani.”

Sumagot si Gedeon, “Bakit ganito ang pamumuhay namin kung sumasaamin ang Panginoon? Bakit wala siyang ginagawang kababalaghan ngayon, tulad noong ialis niya sa Egipto ang aming mga ninuno, ayon na rin sa kuwento nila sa amin? Kami’y pinabayaan na ng Panginoon. Kung hindi ay bakit natitiis niya kaming pahirapan ng mga Madianitang ito?”

Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Lumakad ka at gamitin mo ang buong lakas mo sa pagliligtas sa Israel.”

Sumagot si Gedeon, “Paano ko maililigtas ang Israel? Ang aming sambahayan ang pinakamaliit sa lipi ni Manases, at ako naman ang pinakamahina sa amin.”

Sinabi sa kanya Panginoon, “Maililigtas mo ang Israel pagkat tutulungan kita. Lulupigin mo ang mga Madianitang ito na para ka lang pumatay ng isang tao.”

Sumagot si Gedeon, “Kung ako, Panginoon, ay talagang kalugud-lugod sa inyo, bigyan ninyo ako ng palatandaang kayo nga ang nag-uutos sa akin. Huwag muna kayong umalis at hahainan ko kayo ng pagkaing handog.”

“Hihintayin kita,” sagot ng Panginoon.

Lumakad na nga si Gedeon. Nagluto siya ng isang batang kambing at isang takal na harinang walang lebadura. Pagkaluto, inilagay niya ito sa basket at naglagay ng sabaw sa isang palayok. Inihain niya ito sa anghel ng Panginoon sa ilalim ng punong encina. Sinabi sa kanya ng anghel, “Ipatong mo sa malaking batong iyan ang karne at ang tinapay. Pagkatapos, busan mo ng sabaw.” Gayun nga ang ginawa ni Gedeon. Ang pagkain ay sinaling ng anghel sa pamamagitan ng tungkod. Nagkaroon ng apoy at nasunog ang handog. At biglang nawala ang anghel.

Noon naniwala si Gedeon na ang anghel nga ng Panginoon ang nakausap niya. Dahil dito, kinilabutan siya sa takot at nanginginig na nagsalita, “Diyos ko, nakita ko nang mukhaan ang anghel ng Panginoon!”

Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Huwag kang matakot. Hindi ka maaano.”

At si Gedeon ay nagtayo roon ng isang altar na tinawag niyang Ang Panginoon ay Kapayapaan, Panginoon — Salom.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9. 11-12. 13-14

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod n’ya’y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kanyang daan.

Ang Poo’y nagsasalita
na bayan n’ya’y papayapa.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 19, 23-30

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo: napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos! At sinasabi ko rin sa inyo: madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.” Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito, kaya’t naitanong nila. “Kung gayun, sino po ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

At nagsalita si Pedro, “Tingnan po ninyo: iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin?” Sinabi sa kanila ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: kapag nakaluklok na ang Anak ng Tao sa kanyang maringal na trono sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay luluklok din sa labindalawang trono upang hukuman ang labindalawang lipi ng Israel. At ang sinumang magtiis na iwan ang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap ng makasandaang ibayo, at pagkakalooban ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming una na magiging huli, at maraming huli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez August 19, 2023 at 7:45 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay nagsasalaysay sa kwento ng paghuhukom ni Gedeon sa Israel. Alam nating nagkasala muli ang bayang Israel, kaya’t sinalakay sila ng mga Madianita. Ngunit patuloy pa rin ang pagkakalugod ng Diyos sa mga taong matapat katulad ng Gedeon, na itinakda upang iligtas ang Israel mula sa Madian. Subalit nag-alinlangan siya ng kaunti kung paano niyang gagawin iyon dahil sa kanyang mababang katayuan sa Meneses, at itinuturing din na walang kwenta sa kanyang pamilya. Kaya’t inaanyayahan ng Diyos si Gedeon na sumunod sa kanya, at naghanda nga ito ng isang batang kambing na naging laman, at hinalo sa harina. At nilagay niya ang laman sa batong itinuro ng Panginoon sa kanya, at nakita natin kung paanong tinanggap ng Diyos ang alay ni Gedeon nang nasunog ng apoy ang handog na iyon. Ito ang patunay sa lakas ni Gedeon, na makikita natin sa Aklat ng mga Hukom kung paano niyang namunuan ang 300 kawal ng Israel patungo sa tagumpay laban sa napakaraming kawal ng mga Madianita.

Ang ating Ebanghelyo ngayon ay pagpapatuloy sa ating narinig na pagpapahayag ni Hesus tungkol sa pagiging mayaman na nakita natin sa anyo ng mayamang binata (Ebanghelyo kahapon). Nakita natin kahapon kung paanong nilapitan si Hesus ng binatang ito at tinanong kung ano ang dapat gagawin upang makamit ang buhay na walang hanggan. Tugon sa kanya ni Hesus na kung tinupad ng lalaki ang mga Sampung Utos, ipamigay niya ang kanyang mga ari-arian at sumunod sa Panginoon, kaya’t malungkot na umalis siya. At dahil dito, nagsalita si Hesus na mahirap pumasok ang isang mayayamang tao sa Kaharian ng Langit, ngunit mas madali pang pumasok ang kamelyo sa butas ng karayom. Hindi po literal na makakapasok ang isang malalaking kamelyo sa maliit na butas ng karayom. Ito po ay tungkol sa paghahangad ng tao sa tunay na kaligayahan at kayamanang nakasalalay sa Kaharian ng Langit.

Kaya’t ito’y panawagan sa pagsunod sa yapak ng Panginoon tungo sa buhay na walang hanggan. Ngunit ang magiging sakripisyo nito ay ang pagdaraan sa mga pagsubok ng buhay. At patuloy na nagsasalita si Hesus na kung sino man ang nag-iwan sa lupain, tahanan, at pati na mga kapamilya ay magkakamit ng kaligayahan sa kalangitan. Iyon nga ba ang gusto nating gantimpalaan kahit isasakrispiyo natin ang mga mahal natin sa buhay? Makikita natin dito na mahirap sundin ang panawagan ni Hesus, subalit ang nais niyang ipahayag ay ang katatagan ng ating pananampalataya sa kanya at sa Diyos Ama.
Hindi naman minasama ni Hesus ang ating mga pamilya at tahanan, subalit ang nais niya ay siya’y unang prioridad sa tawag ng pagsunod sa kanya. Hindi naman kinakailangang ibenta natin ang lahat ng mayroon tayo dahil alam ng Diyos na pinaghirapan natin ang mga ito sa edukasyon at trabaho, subalit dapat manatili tayong simple at mababa ang loob sa kabila ng mga kayamanan natin sa buhay. At matuto din tayong magbahagi ng iilang-ilang ari-arian at pagpapala sa ibang tao, lalung-lalo na ang ating mga buhay sa espirituwal na pangangailangan nila.

Reply

Jose M. Javier August 22, 2023 at 5:18 am

As He said, “everyone who has given up houses or brothers… for the sake of my name will receive a hundred times more, and will inherit eternal life”. Hence, generosity will be adequately repaid, both in this life and in eternity. Jesus knows that this rich man is only outwardly rich, but on the inside he is very poor. Humble selflessness is the money of heaven; not self exultation and outward show. Jesus is using this experience to teach his disciples and also to hopefully bring the rich man to a place where he can contemplate his inner state. Jesus stressed salvation was not obtainable through a myriad of ways – it was and is through faith alone in Christ alone and His saving work on the cross on our behalf. The way to heaven for all is a narrow way and through a small gate. Jesus insists only God is good. He challenges the man’s sincerity by asking him to give all his wealth to the poor and follow Him. The man’s refusal demonstrates how easy it is to prefer wealth to dependence on God. In response to the disciples’ question, Jesus says salvation is impossible with men but not with God. He wants us to have the correct perspective on them – living life with open hands – not grasping hold of anything or anyone too tightly rather loosely. It is the Lord’s prerogative to give and it is His to take away – always for our good and His glory.

Reply

Rosalinda M. Jubilado August 22, 2023 at 3:11 pm

ang lahat ng meron tayo ay temporal lamang.
kayamanan- iiwan natin.
katawang lupa natin- nabubulok.
kaya hindi natin dapat mas higit na pahahalagahan ito,
kung pipiliin natin ang pinamakahalaga ang magkaroon tayo na matibay na faith kay God kasama na ang tamang pag aalaga natin sa ating physical na pamumuhay.

alam natin na ang buhay ng ating katawang- lupa ay ang KALULUWA na mula sa ating Diyos.
at ang buhay ng ating Kaluluwa ay ang ating Panginoon.
kung kayat ang Holy Spirit na mula sa Diyos ay sa ating kaluluwa NANANAHAN.
and through our souls, ang Holy Spirit ay nananahan sa ating katawan.
kaya nga nagiging Templo ng Holy Spirit ang ating katawan.

kung uunawain natin ito ng malalim, mas papahalagahan natin na paunlarin ang relasyon natin at pananampalataya,
pagtitiwala natin sa Diyos, sa Banal na Santatlo, kesa sa mga temporal na meron ka sa buhay na ito.
paano mo maipapakita o maipapahayag sa gawa na tayo ay tunay na followers ni God.
living simply while you are so rich is not enough. remember faith without action is dead.
ang material na kayamanan mo ay isang napakalsking pagsubok sa buhay mo.
gamitin mo ang kayamanan mo sa paghahayag ng Salita ng Diyos sa lahat ng poor in Spirit.
for we all leave in this world, mabubulok sng ating katawsn, ngunit ang ating kaluluwa ay babalik sa May Ari nito.
at Siya lamang ang tanging makakapagligtas sa atin o makapag bubulid sa atin sa impyerno. depende sa pamumuhay natin dito sa lupa.

so know alin ang higit nating pahahalagahan; ang ating kaluluwa for eternal life with God o buhay dito sa mundo na papunta naman sa impyerno.
mamili tayo dito pa lamang sa lupa kung saan natin ibig papunta.
sa ating Diyos walang impossible.
huag na nating hintayin na alisin ng Diyos natin ang mga sinasandalan natin dito sa lupa bago natin pagtuunan ng higit na mahalaga ang ating kaluluwa.- paunlarin ang faith natin sa Diyos. for without faith, no one will enter the Kingdom of God.
lahat lamang ito ay ipinagkatiwala sa atin ito.
gamitin natin ito para sa ikauunlad ng kaluluwa ng tao.
maliwanag noong panahon ni Jesus ang mga babae na tagasunod ni Jesus inalay nila ang kanilang time, talent treasures sa gawain ng Panginoong Jesus. sapagkat dito natin higit at pinakamahalaga gamitin ang kayamanan, etc sa kaluluwa ng tao.
lahat ng ginagawa natin dito sa lupa, ay siyang pinipili nstin para sa kabilang buhay.

isang patotoo ng pananampalataya.
minsan nagcomplain ang anak ko ng severe head ache. (parang dinidrill sa sakit.) unsusual ito at delikado ang nasa isipan ko.
alam kong malaki ang gastusin sa hospitalization at 50: 50 ang chances na mabuhay.
mula sa pobreng pobreng pamumuhay ng pamilya ko, itinaaas ni God ang level ng buhay namin: may pambayad na kami sa hospital.
in my heart, wealth is blessings, gamit para pagkain ng katawan.
dito sinubok ng Diyos ang aking faith sa Kanya.
bec of knowledge of God thst has given to me through His graces.
i talked to God heart to heart while my son is in severe pain.
nakipag reason ako sa Kanya…
this is my prayer..
You said Lord wealth is a blessings.
if i will use it all for the hospitalization of my son, where is my faith to your Words.
I’d rather have a just enough for our existence than having all these wealth but it will go to spending for sicknesses.
Lord, I said, Ikaw na ang magpapagaling sa kanya right now. i will not bring him to the hospital.
i know God knows in my heart na paninindigan ko ang sinabi ko sa kanya that moment.
i heard a small voice…blow 3x times on his head.
so i did, then i declare to my son you are healed already ….without a feeling of doubt.
right at that very moment he was instantly healed.
we prayed together, my son to the Holy Chruch for 7consecutives saturdays as our expression of gratitude for His instant healing to my son.
now 10 years had passed he never complains head pain.
TO GOD BE ALL THE GLORY. AMEN.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: