Linggo, Agosto 13, 2023

August 13, 2023

Ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

1 Hari 19, 9a. 11-13a
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Roma 9, 1-5
Mateo 14, 22-33


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Nineteenth Sunday in Ordinary Time (A) (Green)

UNANG PAGBASA
1 Hari 19, 9a. 11-13a

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong mga araw na iyon, si Elias ay sumapit sa Horeb na bundok ng Diyos. Pumasok siya sa isang yungib at doon nagpalipas ng gabi. Walang anu-ano’y nagsalita sa kanya ang Panginoon: “Lumabas ka at tumayo sa ibabaw ng bundok sa harapan ko.” Pagkasabi nito’y dumaan ang Panginoon at umihip ang napakalakas na hangin. Sumabog ang bundok at nagkadurug-durog ang mga bato sa lakas ng hangin ngunit wala sa hangin ang Panginoon. Nang tumigil ang hangin ay lumindol, ngunit wala sa lindol ang Panginoon. Pagkalipas ng lindol ay kumidlat, ngunit wala rin sa kidlat ang Panginoon. Pagkalipas ng kidlat, narinig niya ang isang banayad na tinig.

Lumabas si Elias, tinakpan ng balabal ang kanyang mukha at naghintay sa bunganga ng yungib.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Aking naririnig magmula sa Poon ang sinasalita;
sinasabi niyang ang mga lingkod n’ya’y magiging payapa,
kung mangagsisisi at di na babalik sa gawang masama.
Ang nagpaparangal sa pangalan niya’y kanyang ililigtas,
sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Ang pagtatapatan at pag-iibiga’y magdadaup-palad,
ang kapayapaan at ang katwira’y magsasamang ganap.
Sa balat ng lupa’y pawang maghahari yaong pagtatapat,
at ang katarungan nama’y maghahari mula sa itaas.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

Gagawing maunlad ng Panginoong Diyos itong ating buhay,
ang mga halaman sa ating lupai’y bubungang mainam;
sa harapan niya yaong maghahari’y pawang katarungan,
magiging payapa’t susunod ang madla sa kanyang daan.

Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 9, 1-5

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, saksi ko si Kristo na katotohanan ang sinasabi ko; hindi ako nagsisinungaling. Saksi ko rin ang Espiritu Santo na malinis ang aking budhi sa sasabihin kong ito sa inyo: matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso tungkol sa aking mga kalahi at mga kababayan, anupat mamatamisin kong ako’y sumpain at mawalay kay Kristo, alang-alang sa kanila. Sila’y mga Israelita at itinuring ng Diyos na mga anak niya. Nakita nila ang maliwanag na tanda na nagpapakilalang siya’y kasama nila. Sa kanila nakipagtipan ang Diyos; sa kanila rin ibinigay ang Kautusan, ang tunay na pagsamba, at ang mga pangako. Sila’y nagmula sa mga patriyarka, at sa kanilang lahi nagmula ang Kristo nang siya’y maging tao, Diyos na Kataas-taasan, na pinapupurihan magpakailanman! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Salmo 129, 5

Aleluya! Aleluya!
Poon, ikaw ang pag-asa,
ang Salita mo’y ligaya,
pag-asa ko sa tuwina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 14, 22-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, matapos pakainin ang mga tao, agad pinakasakay ni Hesus sa bangka ang kanyang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo samantalang pinauuwi niya ang mga tao. Pagkaalis ng mga ito, umahon siya sa burol upang manalangin. Nag-iisa siyang inabot doon ng gabi. Samantala, nasa laot na noon ang bangka at sinasalpok ng mga alon sapagkat pasalungat sa hangin. At nang madaling araw na’y sumunod sa kanila si Hesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. “Multo!” sigaw nila. Ngunit agad siyang nagsalita at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot; si Hesus ito!” At nagsalita si Pedro, “Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig.” Sumagot siya, “Halika.” Kaya’t lumunsad si Pedro sa bangka at lumakad sa ibabaw ng tubig, palapit kay Hesus. Ngunit nang mapansin niya ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Sagipin ninyo ako, Panginoon!” sigaw niya. Agad siyang inabot ni Hesus. “Napakaliit ng iyong pananalig!” sabi niya kay Pedro. “Bakit ka nag-alinlangan?” Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin. At sinamba siya ng mga nasa bangka. “Tunay na kayo ang Anak ng Diyos!” sabi nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 27, 2020 at 4:39 pm

PAGNINILAY: Ang ating Ebanghelyo ngayong Linggo ay narinig na natin noong nakaraang Lunes (Agosto 3, 2020). Ito’y tungkol sa Paglalakad ni Hesus sa Tubig. Ito yung susunod kababalaghan pagkatapos pinakain niya ang napakaraming tao/pinadami ang limang tinapay at dalawang isda. Pinangunahan na niya ang mga alagad na tumawid sa ibang ibayo ng lawa. Tatlong bagay ang nais ihatid sa atin ng Ebanghelyong ito:

1.) ANG PRESENSIYA NG PANGINOON. Ang dagat sa paniniwala ng mga Hudyo ay delikado sapagkat kapag ika’y lulubog dito, kakainin ka ng dalawang nakakatakot na nilalang na sina Leviathan at Behemoth. Sa hagupit ng bagyong naranasan ng mga Apostol na nakasakay sa bangka, nakita nila ang isang taong lumalakad sa tubig, at akala nila’y siya ay isang multo. Nang tiniyak ni Hesus na siya’y iyon, sinabi rin niya na huwag silang mag-alinlangan. Ganun din ang nakita natin sa Unang Pagbasa, nang nagpakita ang Diyos kay Elias sa anyo ng banayad na ihip na hangin, hindi sa mga malalakas na panahon. Patunay ito lamang ito na ang Panginoon ay mahinahon sapagkat dito natin matatagpuan ang tunay na kapayapaan sa gitna ng ating mga pinagdadaanan sa buhay. Ang kapayapaan ay hindi lang kawalan ng mga problema, kundi ito ang presensiya ng Diyos sa bawat isa sa atin.

2.) ANG IMAHE NG BANGKA. Habang tumatawid ang mga Apostol sa ibang ibayo ng lawa, naranasan nila ang hagupit ng bagyo. At sa puntong iyon nakita nilang lumalakad si Hesus patungo sa bangka. Itong bangkang kanilang sinakyan ang nakapagligtas sa kanila sa pagkalubog sa tubig. Inilarawan ito ng ating mga ninuno sa pananampalataya tungkol sa Simbahan. Ang Simbahan na siyang itinatag ni Kristo at pag-aari ng Diyos Ama ay may tungkuling iligtas ang mga kaluluwa para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pananampalataya. Madalas tayong nagsisimba o bumibisita sa mga simbahan upang ihilingin natin sa Panginoon ang ating mga pinagdadaanan at ganun din ang pinagdadaanan ng ibang tao. Ito’y patunay na hindi kailanma’y pababayaan ng Diyos ang kanyang Simbahan. Kahit narasan na niya ang mga paghihirap, pang-uusig, pang-aabuso, at iskandalo, patuloy pa rin siyang tumatayong matatag dahil patuloy pa rin ang misyong pangkaligtasan ng kaluluwa sa pamamagitan ng pananampalataya.

3.) ANG PANGAMBA NG MGA APOSTOL AT ANG PAGLUBOG NI SAN PEDRO. Natural sa tao na maramdam ang takot kapag siya’y nahaharap sa maraming mga pagsubok at bagyo ng buhay. Ganun din ang naramdaman ng mga alagad nang naranasan nila ang hagupit ng mga hangin at tubig. Nang makita nilang lumalakad si Hesus, natakot sila sapagkat inakalang siya’y isang multo. Kahit tiniyak ni Kristo na siya’y iyon, nais ni Pedrong makalakad din kung talagang ang Panginoon iyon. Kaya nakatuon ang kanyang paningin kay Hesus habang nalalakad, ngunit nu’ng siya’y tumingin sa dagat, bigla siyang lumubog. Agad sinagip siya ng Panginoon at pinagsabihan ang kanyang kaunting pananampalataya. Ito’y paalalang ang ating mga pastol at kaparian ng Simbahan ay may mga kahinahan din sa buhay. Mayroon silang mga pagkukulang at pagkakamali na nararamdaman ng mga ordinaryong mananampalataya. Subalit hindi ito’y dapat maging hadlang sa atin na ipahayag at isabuhay sa iba ang Mabuting Balita. Kahit tayo’y mga ordinaryong tao may mga kahinahan din sa buhay at nais nating magbago, gaano din yung pagdadasal sa ating mga pamumuno ng Simbahan. Ang Simbahan ay kapwang pantao at banal. Pantao sapagkat hindi perpekto ang lahat ng taong kanyang pinagbibilangan dito kahit inordehan o bahagi ng Layko, ngunit banal sapagkat ito’y itinayo bilang tanda ni Kristo na hindi kailanman ito’y mawawasak at mananaig kailanman. Siya’y nasa prensensiya ng kanyang Simbahan hanggang sa kanyang muling pagbabalik sa oras na hindi nating inaasahan.

Mga kapatid, marami tayong pinagdadaanan sa buhay. Hindi nating maiwasan na mangamba at mabigatan sa bawat pagsubok na ating hinaharap. Subalit kahit ano pa yang mga bagyo ng buhay, hindi dapat mawala ang ating pananampalataya sa Panginoon. Ang presensiya niya sa atin ay mahinahon sapagkat diyan natin matutunghayan ang tunay na kapayapaan. At dahil malaki ang ating pananalig sa Diyos, tayo’y mga kinatawan ng Katawan ni Kristo, ang Simbahan, upang ating isabuhay ang Mabuting Balita. Kahit maraming mga kahinahan ang ating mga pinuno, patuloy tayo sa ating misyon at ganun din ang pagdadasal natin sa kanila.

Reply

Mel Mendoza August 10, 2023 at 5:20 pm

Ang mga pagbasa sa Linggong ito ay pwede ibuod sa isang salita lamang ito ay ang salitang pananampalataya. Sa araw araw nating pamumuhay ay hindi mawala ang mga pagsubok na maihahambing sa natural na kalaminad katulad ng bagyo, unos, lindol, at mga nagbabagang kidlat. Naka-depende sa bawat isa sa atin kung paano tayo tatatayo pagkatapos nating danasin ang kahit isa sa mga ito lalo higit kung isa tayo sa mga nasalanta. Sa pagiging biktima ng mga kalamidad na ito ang pananampalataya ay nasusubok kung paano ba tayo muli magsisimula. Maaring marami sa atin ay kwenukwesyon ang presensya ng Diyos ng mangyari ang kalamidad na ikinasawi ng mga mahal sa buhay o dili kaya ang pagkakaisira ng mga ikinabubuhay.

Sa unang pagbasa ay nabanggit na sa mga kalamidad na ito katulad ng lindol, malakas na hangin, at kidlat ay wala doon ang Panginoon. Sa madaling salita ang presensya ng Diyos ay dapat nasa ating mga puso at dito masusubukan sa pagsubok na ito kung gaano kalalim ang pananampalaya natin sa Diyos kung sakaling dumating man ang ganitong mga pagsubok. Sa mga ibang berso na nakatala sa Banal na Kasulatan ay sinasabi na ang Diyos ay nasa kahit saan na Siya ay laging nakasubaybay at napaka-patnubay sa ating lahat. Ito ay isang pagpapatunay na kahit sa anong estado man tayo mayroon sa buhay ay kasa-kasama natin ang Diyos mapa-payapa, mapa- nasa kaginhawaan at higit sa lahat kung tayo man ay nasa lugmok na kalagayan sa ating mga buhay ay lagi natin Siya kasa-kasama. Ang matimtim na pagdarasal na may masidhing pananampalaya na sinasabi natin ito ay isang pakikipanagpo at pakikipag-usap natin sa Kanya dito mararanasan natin ang Kanyang presensya. Ang lagi nating isipin na ang lahat na nangyayari sa ating buhay lahat ito ay may dahilan, kung hindi man natin kayang arukin sa kasalukuyang ito ay malalaman natin na panahon na Kanyang itinakda. Ang aral siguro na dapat nating marubdub na pagnilayan ay dapat natin i-asa, isuko, at itaas ang ating mga alalahanin sa kanya. At kung tayo naman ay nasa estado ng kasaganaan at mapayapang buhay ito ay dapat natin tingnan na ito ay nangyari dahil sa kagandahang loob ng Panginoong Diyos hindi dahil sa karapatan natin ito kundi dahil sa Kanyang patuloy na pagpapala, awa, at habag sa ating lahat.

Sa panghuli, sa Mabuting Balita nawa’y huwag nating tingnan ang malalaking alon ng buhay kundi itunuon natin ang ang ating mga mata kay Hesus upang hindi tayo lumubog at magupo ng unos ng buhay. Ang nakita nating may dudang pananampalataya ni Pedro ito ay ang mga hadlang sa buhay na pwede din tayo kainin ng ating mga dagat sa buhay. Kung sa ibang pagbasa ay napakinggan natin na 365 na ulit sinabi ni Hesus na huwag matakot ang ibig sabihin nito na sa araw araw sa loob ng isang taon ay sinasabi sa atin ng Diyos na huwag matakot. Ito ay paalala sa atin na tayo ay manampalataya na ang Diyos ay umiiral sa ating mga buhay sa lahat ng panahon at Siya ay kasa-kasama natin sa ating paglalakbay. Amen!

Reply

Bro. NSP August 11, 2023 at 12:58 am

“SANA ALL”

Marami-rami na rin naman akong karanasan sa buhay na ito. Marami na rin akong taong nakasalamuha, nakilala at naging kaibigan. Masasabi kong napakagaling na manunulat ng Diyos sapagkat sa dinami-rami ng tao sa mundo, lahat ay may kanya-kanyang natatanging kwento. Lahat tayo ay may iba’t ibang pinagdaraaanan sa buhay, mayroong lumaki sa broken family, mayroong hindi makapagtapos ng pag-aaral dala ng kahirapan, mayroong nawalan ng mahal sa buhay, mayroong hindi matanggap sa trabaho, mayroong may malubhang karamdaman, pero sa kabila ng lahat ng kanilang pinagdaraanan bakit patuloy pa rin silang lumalaban sa buhay at nagtitiwala sa Diyos?

Habang aking binabasa ang ebanghelyo sa linggong ito, sumagi sa aking isipan na TULAD PALA AKO NI PEDRO. Marami pala sa atin ang tulad ni Pedro na ayon nga kay Hesus ay NAPAKALIIT NG ATING PANANALIG! Hindi ko ikakaila na mahina rin ako, at mayroong maliit na pananalig. Madalas akong tinatakot ng mga multo ng labis na pag-iisip. Madalas akong mag overthink sa kung ano ang mga negative na maaring mangyayari sa hinaharap. Makaya ko kaya ito? Makatapos kaya ako? May tutulong kaya sa akin? Makapag adjust kaya ako kaagad? Maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan, subalit isa lamang ang naririnig kong kasagutan;

HUWAG KANG MATAKOT.
Marami pa tayong laban na pagtatagumpayan, marami pa tayong dagat na tatawirin, marami pa tayong tubig na lalakarin, marami pa tayong disyertong babagtasin, MAHABA PA ANG ATING LALAKBAYIN. Hindi naman nauubos ang problema, hindi naman nawawalan ng pagsubok, hindi naman natatapos ang paghihirap.

Kung minsan tayo’y nadarapa at nalulubog, lagi tayong tumataghoy at nagpapasaklolo, SAGIPIN NINYO AKO PANGINOON! Subalit ang Panginoon ay tumutugon; BAKIT KA NAG-AALINLANGAN?

Sana all may malakas na pananampalataya, Sana all buo ang loob, sana all kinakaya, sana all matatag. Marami tayong SANA ALL DIBA? Binibigyan din tayo ni hesus ng isang hamon ngayon… SANA ALL PINATITIBAY ANG PANANALIG!

(Pagninilay sa ika-19 Linggo sa Karaniwang Panahon | Taon A – Mateo 14, 22-33)

Reply

Jose M. Javier August 13, 2023 at 5:40 am

It seems that most believers have highs and lows in their spiritual lives. And Elijah was no exception. From the high at Mt. Carmel, where fire fell from heaven to consume his sacrifice, he crashed to a low, that same day, when he fled from Jezebel, who had threatened to take his life. Ultimately Elijah found himself at Horeb (Mt. Sinai), the mountain of God.

At Horeb, God arranged to meet with Elijah. As Elijah waited, a powerful wind shattered the rocks around him. Then an earthquake struck. And finally, a fire passed over. Big dramatic moments. The kind of ways we might expect when God speaks to us. But God was not in any of these events. After the drama of the wind, the earthquake, and the fire, came a quiet whisper. And in that whisper, Elijah recognized the voice of God and stood before him. It seems to me there are a couple of lessons to be drawn from this passage. The first is that we need to be listening for the voice of God in our lives. Not always, but very often, it is a still small voice. And if we are not paying attention that voice will be drowned out by all the noise of the world around us.

The second lesson to take away is that God is not particularly interested in our excuses. He is much more interested in our obedience. Rather than feeling sorry for ourselves when our service does not turn out as expected, God’s still small voice encourages us to get up and get back into the fight.
2nd reading:
So neither Romans 9’s proclaimers nor its hearers “give up” on anyone. As long as people have breath, there is hope. God will have mercy on those whom God wants to have mercy. Nothing will stop God from saving “all Israel,” that is, all those, both Jewish and Gentile, whom God has graciously chosen for eternal life. He writes to us that his consciences confirms in the Holy Spirit his anguish at their obstinacy. The Holy Spirit was bearing witness with his spirit this fact. Not only is this so but it prompted and enlightened him to this truth of how their denial of the Messiah brought the Lord increasing sorrow.
Gospel:
Maybe the most important lesson from the Peter walks on water story is our response to the power of Jesus. It’s worship. When we encounter Jesus we should worship him. Matthew intentionally highlights this moment because that’s the point.
The story of Jesus walking on the water is meant to show us just as Jesus defies physical laws, so does he defy moral and spiritual laws to be with us. The laws of religion have always gone something like this: I must give to God, then he will give to me.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: