Miyerkules, Agosto 2, 2023

August 2, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Pakinggan natin ang paanyaya ng Diyos na humingi tayo sa kanya ng mga bagay na tunay na mahalaga.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang aming Diyos at ang lahat sa amin.

Ang Santo Papa at ang mga obispo nawa’y magabayan at maliwanagan ng karunungan ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang gamitin nang mahusay ang mga mahahalagang bagay para sa ating ikabubuti at huwag tayong maging mga alipin ng kasakiman at pagkamasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naghahanap sa katotohanan nawa’y higit na lumalim araw-araw ang kanilang pagpapahalaga sa pananampalataya kay Kristo bilang perlas na walang katumbas, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nag-aaruga sa kanila nawa’y mabiyayaan sa kanilang mga pagsasakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namatay na sa buhay na ito nawa’y mamahinga sa walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama sa Langit, bukal ng lahat ng kabutihan sa buhay, tulungan mo kaming gamitin nang wasto ang iyong mga biyaya at magbunyi kami sa kayamanan ng iyong pagmamahal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez July 23, 2021 at 1:18 am

PAGNINILAY: Matapos ang pangungusap sa Diyos sa Bundok ng Sinai & ang pagtanggap sa Sampung Utos, nakita ng kapatid niyang si Aaron na nagningning ang kanyang mukha, at nang makita rin ito ng mga Israelita, ay nanginig sila sa takot na ayaw nilang lapitan si Moises dahil sa kabanalang napapalibot sa kanya. Sinabi rin dito na tinatakpan niya ang kanyang mukha ng belo kapag natapos na siyang magsalita, ngunit tinatangggal ito kapag kinakausap niya ang Panginoon. Pagkatapos ay sasabihin niya sa mga anak ni Israel ang lahat ng utos ng Diyos. At nang makita nila ang pagkaningning ng mukha ni Moises, mababalot muli siya sa belo.

Makikita rito sa kaningningan ni Moises ang isang maluwalhating pahiwatig tungkol sa pagkilala ng mga Israelita sa Diyos. Subalit ang belo ay binigyang-diin ni San Pablo sa Ikalawang sulat sa mga taga-Corinto na hanggang ngayon, kung si Moises lang pinaninindigan ng mga sagradong Hudyo, tinatakpan ng belo ang kanilang Moises. Subalit kung ang tao ay magtutungo sa Panginoong Hesus, tinatanggal ang belo. Sapagkat sa Pagbabagong-Anyo sa Bundok na Tabor, itinuro ni Moises si Hesus bilang katuparan ng Kautusan. Nagningning ang mukha ni Hesus bilang pagpapatungo sa kaluwalhatiang nakalaan sa kanya, na siya munang magdurusa at mamatay sa Krus upang tayo rin ay makibahagi sa kanyang buhay at makamtan balang araw ang buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Patuloy natin naririnig mula sa ating Panginoong Hesukristo ang mga Parabula tungkol sa Paghahari ng Diyos, ayon sa isinulat sa Ika-13 Kabanata ng Ebanghelyo ni San Mateo. Sa kasaysayan, ang kaharian ay isang lugar kung saan ito ay nasa ilalim ng sistema ng monarkiya. Ito’y pinaghaharian ng mga hari, reyna, duke, dukesa, at mga noble. Sila’y nakatira sa isang malaking palasyong binabantayan ng mga Kabalyero, at sila’y tinuturing bilang mayaman at makapangyarihan. Pero alam na po natin sa kasaysayan ay may hangganan ang kanilang pamumuno at ilang bansa ay inalis ang sistema ng monarkiya. Subalit iba ang Kaharian ng Langit, ang mismong Paghahari ng Diyos sa Sanlibutan. Tunay na hindi ito’y lingid sa kaisipan ng tao no’ng panahong iyon, pero sa pagdating ni Hesus sa Galilea, ipinahayag niya na tayo’y magsisi at sumampalataya sa Mabuting Balitang dala ang mensahe ng paghaharing iyon.

At sa 2 parabula, ang Kaharian ng Langit ay inihantulad sa isang kayamanang nakalibing sa bukid at isang perlas na may mahalagang presyo. Kung baga binenta ng 2 lalaki ang lahat ng kanilang mga ari-arian upang bilhin ang mga mahahalagang bagay na iyon. Habang tayo’y namumuhay, patuloy tayong humahangad at tumatanggap ng mga kayamanang makakapagsaya sa ating mga pangangailangan at kagustuhan ng bagay. Ngunit ang dapat bigyang pansin na ang tunay na kayamanan ay nakasalalay sa Panginoon lamang. Siya’y mismo nagsabi na mag-imbak tayo ng mga kayamanang mula sa langit. Siya’y mismong nagbigay ng mga biyayang ating hinahangad at natatanggap mula noon hanggang ngayon, kaya’t marapat lang na tayo’y sumampalataya sa kanya at maging tapat sa kanyang kalooban para sa ating lahat.

At nawa tayo’y maging mga ganap na Kristiyano upang ipalaganap at ibahagi ang Paghahari ng Diyos sa ating mga buhay dahil kung tayo ay magiging mabuting ehemplo at gagawa ng kabutihan, makakamit natin ang kayamanan ng walang hanggan sa Paraiso.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño July 28, 2021 at 12:29 am

Katulad ng mga apostol, Nang makilala nila si Hesus ay iniwan nila ang kanilang hanpbuhay at maging mga mahal sa buhay upang sumunod kay Hesus. Sinabi sa ebanghelyo na ipinagbili ng mga lalaking nabanggit ang kanilang mga aria arian upang mabili amg perlas o lupa na may kayamanan na kumalatawan sa paghahari ng Diyos. Hindi natin kailangan ipagbili amg lahat ng ating pag aari dahil alam naman natin na ito kakailanganin natin para itaguyod ang ating mga mahal sa buhay. Ang sinasabi kailangan nating pakawalan ay ang mga gawain na nagbubukod sa atin sa Diyos. Ito ay mga sobrang pagmamahal sa materyal na bagay na halos makalimutan na natin ang Diyos, ito ang sobrang kasakiman na inaangkin na natin amg hindi sa atin at nagdadamot tayo sa nangangailangan kahit meron tayong kayang ibigay, ito ay ang matigas na puso na hindi kayang magpatawad maging sa sariling kapatid o magulang, ito ay walang takot sa Diyos na paulit ulit ginagawa ang kasalanan, ito ang katakawan sa kapangyarihan, ito ay ang pagiging mapagmataas, kayabangan at walang habag sa kapwa tao, ito ang pamamaliit sa ibang tao, pamimintas sa mga taong mahirap at may kapansanan. Yan ang mga pakawalan mo, upang maghari sa atin ang Panginoon. Sa ganun ay madarama mo ang tunay at wagas na kaligayahan na hindi kayang bilihin ng pera mo.

Reply

Andri Magdaleno S. Lazo July 28, 2021 at 8:30 pm

Ang ating Mabuting Balita ayon kay San Mateo ay napapares sa isang pamilya na may isang anak na babae nasa ibang bansa na nagiingat sa kanyang invesment o sa kanyang iniipon na mga salapi sa buhay at ang kanyang ama naman ay pinababayaan ang kanyang kalusugan hanggang sa ito ay magkaroon ng sakit na malala tulad ng ulcer at low blood pressure dahil nais niyang makaroon ng salapi o perang mahahawakan ito ay tumutugma naman sa pangyayari sa tao na ibinebenta niya ang lahat ng ari-arian niya makuha lamang ang perlas na ninanais niya.

Reply

Jose M. Javier August 2, 2023 at 4:59 am

The main message is Moses had been with the Lord and it showed. Moses reflected the radiance of being in the Lord’s presence in his shining face to the people every time he spoke with them the commandments of God. But the reaction of Israel was fear. The people did not want to come near him.
Whoever is of a willing heart, let him bring it as an offering to the LORD: This offering came from God’s command, not from Moses’ clever fund-raising techniques. This shows God’s normal way of channeling resources to His work – by the gifts given from His people with a willing heart.
For gospel:
The Parable of the Hidden Treasure is a well known parable of Jesus, which appears in Matthew 13:44, and illustrates the great value of the Kingdom of Heaven. It immediately precedes the parable of the Pearl, which has a similar theme. The parable has been depicted by artists such as Rembrandt.
The kingdom of heaven is like treasure hidden in a field: The field is the world, but the man does not represent the believer, because we have nothing to buy this treasure with. Instead, Jesus is the man who gave all that He had to buy the field.
And take our minds, our hearts, our lives, our actions, our relationships, our will’s, totally yours. Take our money, our finances, take our future, for it’s all yours. Our plans, our dreams, we lay them all before you.

Reply

Rosalinda m. Jubilado August 2, 2023 at 12:31 pm

ako ay magbabahagi kung paano ko naranasan ang paghahari ng Diyos sa buhay ko ,sa puso ko.
lahat ng pangyayari na nangyayari sa buhay natin ay ipinahintulot ng ating Diyos.
noong bata pa ako mga siguro 5yo ay tinanggap ko ang Holy Body of God sa Holy Mass sa amin nang hindi dumaan sa 1st communion rite.
at doon nagsimula na tinanggap ko ang desire na makilala ko ang Diyos habang ako ay lumalaki.
tinatanong ko ang aking grandparents kung sino si God. I said i wsnt to know Him.
dumating na magkolehiyo ako dito sa Manila.
hinansp ko talaga Siya.
wala akong pinahihindian sa mga nag iinvite sa akin sa mg a fellowships.
born again, catholic fellowship, even the iglesya ni Kristo.
hindi ko ipnagpatuloy dahil hindi nila ipinakikilala si God,
one day in my longings to know God, i was 25yo then.
i turn on the radio at doon ko narining na ipinakikilala nila si Jesus at sinasamba nila at ako ay naattract.
ang sabi ko . ito na ang hinahanap ko. tinandaan ko iyong radio station na iyon at hanggang sa umaattend na ako regularly sa fellowship nila and at the same time kasama na rin doon ang Holy Mass. At that time hindi kinikilala ng Catholic hierarchy ang El Shaddai Fellowship. at ang Spiritual Advisers ng fellowship na ito ay Catholic Priest. – Fr. Archie Guiriba,Fr Anton Pascual, at sa kasalukuyan ay sina Fr. Sonny de Claro at BishopnTed Bacani.
dito ko naranasan ang paghahari ng Diyos sa buhay ko at binago Niya ang pusot isipan ko.
dumaan ako sa spiritual dryness but God has put in my heart yung panghihinayang na hindi ko narinig at
nakapagworship na kasama ang lahat na tinawag ng Diyos sa regular na pagtitipon na iyon.
God has given me the DESIRE AND THIRST IN MY HEART FOR HIM.
kaya hangga ngayon nananatili jami ng buong pamilya ko sa Kanyang Holy Work na ito in our times.
sa pananatili namin ng aking buong pamilya binago Niya ang puso namin into His likeness.
ang pinakamahalaga Niyang turo ay;
mahalin Siya ng buong puso,lakas isip buong kaluluwa anumang situation ka sa buhay, masaya, may pagtitiis,may kakulangan etc.
manatiling mapagpakumbaba, kahit ikaw ay may mataas na accomplishments sa buhay sapagkat si Jesus ay Diyos subalit Siya ay naging alipin ng lahat kaya wala tayong karapatan magmalaki kahit pa saiyo na ang lahat ng kayaman sa buong mundo. know that all this is His.
Submission to His Holy Will. Pagpapasakop sa nakakataas sa iyo ay pagpapasakop sa Kanya.
intimate relationship to the Holy Trinity. in your everyday life.
paninindigan sa lahat ng Kanyang Banal na Salita, and that Jesuis within you till the end of time.
iyan ang bunga ng nagpapatuloy na namumuhay na.kasama ang Holy Trinity.
araw araw tayo ay Kanyang binabago into His Perfection.
ALWAYS INVOLVE JESUS IS YOUR DAILY LIFE and you will experience the love the presence of God in your life.
and truly God will shine in you whereve you go by practicing these virtues, graces from God. Alleluia! Alleluia!
To God be the Glory.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: