Martes, Marso 7, 2023

March 7, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Martes

Sundin natin ang mga pangaral ng ating Panginoon na siyang nagturo sa atin na tuparin ang kanyang gawain nang may kababaang-loob at walang pagmamagaling.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, akayin Mo kami sa daan ng Iyong Espiritu.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging lubos ang pag-aalay ng sarili sa kanilang dakilang bokasyon na ipangaral ang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y makita ang kanilang mga itinuturo sa pamamagitan ng pagpapatotoo at mabubuting halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging sikaping gawin ang matuwid upang maging isang buhay na kapangyarihang nagkakabisa sa ating mga pagkilos ang Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang kalingain nang may pag-ibig at habag ang mga maysakit, mga matatanda, at mga nangungulila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, palalimin mo ang aming pananampalataya upang lumago kami sa iyong pag-ibig at lagi kaming makapaglingkod sa iyo nang may pusong bukas at tapat. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 27, 2021 at 2:42 pm

PAGNINILAY: Ang Panahon ng Kuwaresma ay panawagan ng kalinisan at kababang-loob.

Narinig natin sa Unang Pagbasa ang paanyaya ni Hesus na tawagin ang mga taong nagkasala na magsisi mula sa mga kasalanan at manumbalik sa Diyos. Gaano mang kalaki ang ating mga pagkakasala at pagkukulang, ang Panginoon ay patuloy na nagmamahal sa atin. At kaakibat ng kanyang walang hanggang pag-ibig ay ang pagiging malinis hindi lang sa labas, kundi pati na rin sa loob.

Ito ang hindi nakita ni Hesus sa mga Pariseo at eskriba sa Ebanghelyo. Madalas kilala ang mga pinuno ng mga Hudyo bilang mangaral at matataas ang posisyon. Ngunit sila na nga’y tagapagtupad at tagasunod ng Kautusan ay naghahangad na purihin ng ibang tao. Sila pa nga ang dumadagdag sa pamatok ng kanilang kapwa’y nangangailangan. Kaya tinuligsa ni Hesus ang kanilang pagiging “paimbabaw” o ibang salin ay “pakitang-tao” at “hipokrito”. Sa ayaw o gusto natin, iilan sa atin ay mayroon ganyang pag-uugali. Kaya nagsusuot tayo ng mga maskara upang magmukhang mabuti at matuwid sa harap ng napakaraming tao, subalit sa loob naman ay may mga nakatagong hangarin na hamakin ang ibang tao.

Ang hamon sa atin ni Hesus ay kababang-loob sapagkat ito ang magpapataas sa atin bilang pangako na tayo’y kakamit ng tunay na buhay na walang hanggan. At nawa’y sa pagiging mapagkumbaba natin, lalung-lalo itong Panahon ng Kuwaresma, ay patuloy tayo na gumawa ng mabuti at matuwid na bagay sa ating kapwa hindi para maging sikat tayo, kundi ipakita ang ating pagmamahal sa kanila, na siya ring tanda ng pagmamahal natin sa Diyos.

Reply

Sherwin D. Yanoria March 2, 2021 at 6:43 am

Ang isang magandang katangiang dapat mayroon ang isang tao, ay ang pagpapakumbaba. Ang ating Panginoong Hesus ang pinakamagandang halimbawa ng pagiging payak. Mula pa lamang sa kanyang pagsilang sa isang sabsaban hanggang sa kanyang pamumuhay. Walang bakas ng pagiging marangya. Kahit alam niya na Siya ang Anak ng Diyos, nanatili Siyang namuhay ng ordinaryo. Pinakikisamahan Niya ang lahat, tagapagtanggol pa nga Siya ng mga makasalanan. Kaya nga ang hamon ay isabuhay ang ipinangangaral.

Reply

Nini March 2, 2021 at 4:46 pm

Nais ng ating Panginoon na isabuhay ang ating mga ginagawa lalo kung tayo ay naglilingkod sa ating simbahan. SImple lang po para sa akin ang nais ipahiwatig ng ating ebanghelyo ngayon. “WALK THE TALK” at yan po ang nais makita sa atin ng Diyos.

Reply

SAINSPOT March 7, 2023 at 5:06 am

Please SHARE & SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube
https://youtube.com/watch?v=JlEqJfhsgSY&si=EnSIkaIECMiOmarE

GOSPEL REFLECTION:
Alam mo ba na ang pagnanais mo na maging dakila ay isang regalo ng Diyos sa iyo at kailan may hindi na mawawala?
Kaya’t hindi masama ang mangarap na maging pinakadakila ka. Ngunit ang tanong, PAANO MAGING DAKILA?

Sa Ebanghelyo ngayon (Mat 23:1-12), binigay sa atin ni Hesus ang isa sa mga susi sa ating katanungan ng sabihin niyang: “Ang pinakadakila sa inyo ay dapat na maging lingkod ninyo.” Ang ibig sabihin ng pagiging lingkod ay inuuna mo ang iba bago ang iyong sarili. Itinataas mo ang kanilang mga pangangailangan sa halip na inuutusan mo silang makatulong sa iyong pangangailangan. At ito ay mahirap gawin.

Napakadali sa buhay na isipin at unahin muna natin ang ating sarili. Ang pagpili na unahin ang iba ay hindi lamang mabuti para sa kanila, ito rin ay ikabubuti natin. Ginawa tayo para sa pag-ibig. Ginawa tayong maglingkod sa iba. Ginawa tayo para sa layuning ibigay ang ating sarili sa iba nang hindi umaasa ng kapalit. At kapag ibinibigay natin ang ating sarili at inuuna ang iba ay makikilala natin kung sino nga ba talaga tayo at magiging tayo sa totoong pagkalikha. Tayo ay nagigiging pag-ibig. At ang taong nagmamahal ay isang taong dakila…at ang taong dakila ay isang taong dinadakila ng Diyos.

Pagnilayan, ngayon, ang dakilang misteryo at pagtawag ng kababaang-loob. Kung hirap tayong unahin ang iba, gawin pa rin natin. JUST DO IT! Magpasya na magpakumbaba bago ang iba. Itaas ang kanilang mga alalahanin, maging matulungin, makinig, makiramay at maging bukas sa kalooban. Kung gagawin mo ito, ang pagnanais mo para sa kadakilaan na nabubuhay sa kaibuturan ng iyong puso ay matutupad.

PRAYER:
Aking mapagpakumbabang Panginoon, salamat at ipinakita mo sa amin ang Iyong pagpapakumbaba. Pinili Mong unahin ang lahat ng tao, kahit na sa puntong maranasan mo ang pagdurusa at kamatayan na bunga ng aming mga kasalanan. Bigyan mo ako ng pusong mapagpakumbaba, mahal na Panginoon, upang magamit Mo ako sa pagbabahagi ng Iyong ganap na pag-ibig sa iba. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: