Podcast: Download (Duration: 8:32 — 10.2MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado
Nagbagong-anyo ang ating Tagapagligtas sa harap nina Pedro, Jaime, at Juan sa itaas ng bundok, at nakita nila ang kaluwalhatian ng Diyos. Halina at ating hilingin sa Diyos na pakinggan ang ating panalangin.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, punuin Mo kami ng Iyong kaluwalhatian.
Ang mga pinuno ng ating Simbahan sa pamamagitan ng kanilang pagpapaliwanag at paggabay, nawa’y akayin tao sa kaluwalhatian ng makalangit na tahanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y gawing laging mulat sa tuwinang presensya at luwalhati ng Diyos sa pagbabagong-anyo ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang lahat ng tao nawa’y asamin ang makapiling ang Diyos, kasama si Maria at lahat ng banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagdurusa ng pagkakasakit nawa’y ang nagbagong-anyong si Kristo ang maging kanilang tanda ng kalakasan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga mahal na yumao nawa’y masiyahan sa banal na pagkakita sa banal na kaluwalhatian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Makalangit na Ama, palalimin mo ang aming mga pananampalataya habang naglalakbay kami sa mahirap na sandali ng aming buhay. Tulungan mo kaming makilala ang iyong presensya sa mga taong nakakasalamuha namin, at makita na ang iyong kamay ang gumagalaw sa bawat sandali. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Enero 26, 2023
Linggo, Pebrero 19, 2023 »




{ 3 comments… read them below or add one }
Reflection: The First Reading teaches us that faith is not always something that enables us to grasp the material things. Rather, it is also something we hope for more importantly, spiritual things revealed to us by God the Father. That’s why it is through faith that we have understood the significant events in the Old Testament. It is also the fact how these great men devote their lives to do good and please the Lord. Abel offered one of the fattest lambs, which God accepted rather than Cain’s offering of fruits, for he has the sincerity of heart upon offering. Noah obeyed the Lord when asked to built an ark for refuge for his family and the animals during the 40 days and nights of the Lord, despite the ridicules he received from the people.
In the Gospel, we hear the Transfiguration story, which is the Fourth Luminous Mystery. It is a lesson on how we view God and go deeper understanding on his greater plan for us. The 3 disciples didn’t quite understand what happened to Jesus when he was transfigured on Mount Tabor and when he conversed with Moses (representing the Law) and Elijah (representing the Prophets). For Moses and Elijah, they point out that he is the fulfillment of the Old Testament Law and the Prophets. And earlier, he predicted that he would undergo his Paschal Mystery, his Suffering, Death, and Resurrection. Even when the cloud covered them, they were frightened, especially when they only saw Jesus with them. Then he warned not to tell anyone who he was, until his Resurrection from the dead. For the followers of Jesus, they expected him to be the Messiah who would be crowned king in Jerusalem and restore Israel by liberating them from the Roman Empire. But what happened later on is that they were surprised to see a Messiah carrying a large Cross under the weight of his soldiers traveling to the path of Calvary, and on the hill of Golgotha, he was crucified and after six hours, he died. Three days later, he rose from the dead and appeared to more than 500 witnesses. 40 days after, he ascended into heaven and took his seat at the majesty of God the Father. After Pentecost, the Apostles have fully understand what took place when Christ was with them. So they began to preach in public the greatest plan of God which was fulfilled in Christ, and many were moved by the story and converted to the faith.
PAGNINILAY: Ang ating Unang Pagbasa ay ang pagpapangaral ng manunulat sa biyaya ng pananampalataya, na siyang nagpapahayag sa tunay na inaasam ng kalooban at sa mga bagay na ‘di nakikita ng mata. Ipinakita ng manunulat ang mga halimbawa nina Abel, Enoc, at Noe, kung paano isa-isa sa kanilang pamumuhay at pamamalakad sa bayan ng Diyos ay naging instrumento ng pananampalataya. Sa paghahandog ng malugod, ipinakita ni Abel kung ano ang tunay na paghahain na nagmumula sa puso ng tao. Sa pagiging matapat at masunurin sa Diyos, iniakyat si Enoc sa langit na natupad ang inaasam nito na makapiling ang Diyos na nagbigay ng dahilan ng kanyang pamumuhay sa daigdig. At sa pagsunod sa utos na isakay ang kanyang pamilya at ang mga hayop sa daung bago ang kasagsagan ng matinding baha, nagmatyag si Noe na sumpungin ang tanda ng Diyos, at nang makita niya ang bahaghari bilang tipan ng wala nang paglilipol sa buong mundo, siya’y nagpasalamat sa kanya sa paghahandog sa altar, kaya’t nabiyayaan siya ng mga angkan na magpapatuloy sa biyaya ng pananampalataya.
Ang ating Ebanghelyo ay ang maluwalhating salaysay ng Pagbabangong-Anyo ng ating Panginoong Hesukristo sa Bundok na Tabor (Transfiguration event). Ang salitang “transfiguration” ay nagmula sa wikang Latino na salita ‘transfigurare,’ na nangangahulugang “lumampas pa sa orihinal na anyo”. Isinasalaysay nga ng Ebanghelyo kung paanong si Hesus sa tuktok ng Bundok na Tabor ay nagliwanag ng damit na parang busilak ng puti at nagningning ang kanyang mukha na parang sikat na araw. At nagpakita sina Moises at Elias na nangungusap sa kanya, at bilang napalibot ang isang alapaap sa lugar na iyon habang nagpapahayag ang tinig ng Diyos Ama sa kanyang Bugtong na Anak na dapat pakinggan. Ang nakasaksi sa pangyayaring ito ay ang tatlong malapit na Apostol ni Kristo na sina San Pedro, Santiago, at San Juan, na pinagbilinan na huwag munang ipahayag ang pangyayaring iyon sapagkat hindi pa muling mabubuhay muli ang Anak na Tao mula sa kamatayan. Hindi nila maunawaan ang ibig sabihin nito, maski si Pedro na nagplano sana na magtayo ng tatlong tolda sa kinaroroonan nila (mga toldang para kina Hesus, Moises, at Elias).
Sa Pagbabagong-Anyo ni Hesus, ipinahayag dito ang pagiging Anak ng Diyos at Anak ng Tao ni Hesukristo. Bilang Anak ng Tao, naparito siya upang tuparin ang kalooban ng Ama. Kaya ang papel nina Elias at Moises sa pangyayaring ito ay upang ipahayag na si Hesus ang kaganapan sa Kasulatan at ng mga Propeta, na siya ay mas nakahandang tumungo ng Jerusalem upang pagdaananan ang kanyang paparating na Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus. Subalit dahil napagdaanan niya ito nang may kababang-loob, siya’y nabuhay na muli bilang pagpapatunay na siya ang Anak ng Kataas-taasang Diyos at nang iakyat sa langit makalipas ang 40 araw, ipinamahala sa kanya ang Kaharian ng Langit. Ito’y sapagkat nakahanda na ang langit para sa atin, at ang hamon na Ama ay makinig tayo sa Anak niya at katulad ni Kristo ay dumaan din tayo sa tunay na pagbabago.
Maraming salamat sa iyong salita sa araw na ito na mg bibigay n naman ng kalakasan sa buong mg hapon, pinupuri sinasamba kanamin ,My Lord and my God..
Maraming salamat din po sa paliwanag para kaming ng babasa maunawaan din namin ang Gospel araw2???