Sabado, Disyembre 24, 2022

December 24, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
SIMBANG GABI ?– Ikasiyam na Araw
Patnubay sa Misa

Habang malapit na nating ipagdiwang ang kaarawan ng Panginoon, buksan natin ang ating mga puso sa pasasalamat sa ganitong dakilang biyaya at sama-sama tayong manalanging:

Halina, Panginoong Hesus!

Halina, Panginoon, at puspusin mo ng iyong pagpapala ang buong Simbahan, ang Santo Papa, at lahat ng mga relihiyosong pinuno namin. Manalangin tayo!

Halina, Panginoon, at gabayan mo ang mga pinuno namin sa pulitika at kultura upang maakay nila ang aming bayan tungo sa tapat na pakikipagtulungan at pagkakaisa. Manalangin tayo!

Halina, Panginoon, at ipagkaloob mo ang iyong kapayapaan sa mga bansang may digmaan, sa mga klase at pangkat na pinag- watak-watak ng kanilang mga hidwaan, sa mga mag-anak na nagkakalayo dahil sa selos, inggit, at kawalan ng katapatan. Manalangin tayo!

Halina, Panginoon, sa aming bayan at paginhawahin mo ang lahat ng naghihirap, napapabayaan, hinahamak, o kinukutya. Manalangin tayo!

Halina, Panginoon, sa aming pamayanan sa parokya at tulungan mo kaming mabuhay sa nalalapit na Pasko nang may kaloobang tulad ng kina Mariang Kabanal-banalan at San Jose. Manalangin tayo!

Halina, Panginoon, sa aming mga mag-anak at sa bawat isa sa amin, at ipagkaloob mo ang iyong pagpapatawad, kagalakan, at kapa- yapaan. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Halina, Panginoong Hesus, kailangan ka namin. Ikaw ang tangi naming pag-asa. Ikaw ang tangi naming Tagapagligtas. Ikaw ang aming lahat. Ikaw na nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 19, 2021 at 6:37 pm

Pagninilay: Ngayon ay ang “Abente quatro ng Disyembre”. Itong petsa ay kilala bilang Bisperas ng Kapaskuhan. Sa ating Simbahan, ito ang huling araw ng Panahon ng Adbiyento. Kaya nga ito ay ang “pagbubukang-liwayway ng Pasko” sapagkat nasasaad sa Ebanghelyo na si Hesus ay ang Bukang liwayway ng kaligtasan upang itanglaw ang liwanag sa mga naninirahan sa kadiliman at gabayan ang ating mga yapak tungo sa kapayapaan.

Ang panalangin ni Zacarias na tinatawag na Benedictus ay dinadasal ng Simbahan tuwing umaga dahul si Hesus ay ang Araw ng Katarungan na sa bawat pagsikat ng bagong umaga, bagong buhay ang binibigay tuwing tayo’y nagigising. Sa panalangin ito ay makikita natin ang kagandahang-loob ng Diyos na patuloy niya tayong binibigay ng panibagong buhay bawat araw. Higit na 2,000 taon nakalipas nang dumating ang ating Tapagligtas at Mesiyas upang ipakita sa atin ang daan patungo sa Ama.

Kaya katulad ni Haring David sa Unang Pagbasa, tayong mga matapat ay umaawit kailanman sa kadakilaan at kagandang-loob ng Panginoon. At itong mga bagay ay patuloy na mangyayari kung patuloy tayong magiging matapat at masunurin sa panawagang maging saksi ng Mabuting Balita sa ating simpleng paraan. At nawa’y gawin natin ito hindi lang tuwing Pasko, kundi sa araw-araw nating pamumuhay.

Reply

M.U. Francisco December 22, 2021 at 8:35 am

Sa huling simbang Gabi nang paghahandang ispiritwal sa dakilang kapangpangan Ng ating Panginoong Hesukristo, handa na ba ako? Handa na ba tayo na tanggapin siya muli sa kanyang pagkakatawang tao sa ating isip, puso, at Mabubuting gawa?
Tayo ay binigyan Ng dalawang Tenga upang mapakinggan Ang mabuting balita, maramdaman nang ating nag-iisa nating puso, at Makita ito sa mga gawa Ng ating mga kamay. Ang ating puso ay kasing laki lang Ng ating kamao pero may angking lakas ito para maramdaman natin Ang nararamdaman Ng mga Mahal natin sa Buhay. Ang puso Ang nakakaramdam ng tunay na galak, lungkot, at tagumpay sa ating Buhay na walang Ibang tao na makakaagaw nito. Bawat tao ay may kanya-kanyang panahon Kung kailan at saAn natin mararamdaman Ang mga ito tulad ni Zacharias. Ang pagpupuri at pasasalamat ni Zacharias bilang panalangin o Benedictus na kalimitang dinadasal sa umaga ay dala Ng kanyang karanasan sa presensiya Ng Banal na Ispiritu at sariling karanasan Ng kabutihan Ng Diyos. Ang pagsilang ni Juan na kanyang anak ay Ang paghahanda, pagdarasal, at paglalahad na nalalapit na tayo sa pagsilang ni Hesus. Ang panawagan sa atin Ng Simbahan ay maging bukas tayo na mapakinggan Ang mensahe Ng pagsilang Ng ating Panginoon na ipamahagi Ang katotohanan na Ang Diyos ay totoo, pagmamahal sa ating kapwa, at kapayapaan para sa lahat Ng sannilikha. Amen.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño December 24, 2021 at 8:52 am

Katulad ni Maria, si Zakarias ay mayron ding awit ng papuri sa Panginoon, ito ay tinawag na Benedictus.

Yan ang aral ng ebanghelyo na nararapat nating tularan, ang magsiawit, magpasalamat, sumamba, darangalin at purihin ang Diyos. Suriin natin ang ating mga sarili, tuwing kailan ba tayo napapaawit sa tuwa? Tuwing may materyal na bagay na nakamit? Tuwing nakakapanlamang tayo ng kapwa, or may natanggap na anu mang makalupang bagay o makamundo? Napaawit ka na ba ng papuri sa Panginoon dahil sa mga magagandang bagay na meron ka? Nagpapasalamat ka ba sa Diyos sa maliliit at malalaking bagay na ipinagkaloob sayo? Araw araw mo bang pinagpapasalamat ang pagising mo tuwing umaga? Sinusuklian mo ba ng kabutihang asal ang mga kaloob ng Diyos sayo? Naalala ba natin sya kapag tayo ay sobrang masaya? Marunong ba tayong tumanaw ng utang na loob sa Diyos, minamahal ba natin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal natin sa ating sarili at ang huli ay , sinusunod ba natin ang mga kautusan? Suriin mo ang iyong sarili kapatid lung nasan ka dito.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: