Linggo, Oktubre 30, 2022

October 30, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Manalangin tayo sa Panginoon na may pagmamahal sa atin na higit nadakila kaysa sa ating mga kasalanan. Nawa’y pagkalooban Niya tayo ng pagpapakumbaba upang makita ang ating mga pagkukulang at pangangailangan sa Kanyang awa at kapatawaran:

Panginoon, gawin mo po kaming mapaghilom at mapagmahal sa aming kapwa!

Para sa ating Santo Papa Francisco, mga Obispo, ang kaparian at mga relihiyoso’t relihiyosa: Nawa’y lagi silang maging buhay na patotoo ng banal na awa ng Diyos at kanyang walang hang- gang kapatawaran. Manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa mga namumuno ng pamahalaan sa mga bansa sa mundo: Nawa’y sila ay makatugon nang may ka runungan at pagpapakumbaba sa kasalukuyang krisis na namamayani sa mundo na dulot ng kasamaan, at patuloy nawa nilang hanapan ng solusyon ang mga suliraning kinakaharap ng mundo, at matuto nawa nilang kilalanin at pagsisihan ang sarili nilang mga pagkukulang at kapabayaan na nakatulong sa pagkalat ng kahirapan, karahasan at poot sa ating mundo sa kasalukuyan, Manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa lahat ng mga biktimang krimen: Nawa’y matamo nila hindi lamang ang tunay na hustisya kundi magkaroon din sila ng tunay na paghilom mula sa mga epekto ng krimen. Nawa’y mapalakas sila ng pag-ibig ng Diyos na nagmumula sa lubos na pagsuporta ng kanilang pamilya at komunidad. Manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa mga kapatid nating bilanggo: Nawa’y makita nila ang kanilang mga nagawa at matanto nila ang pangangailangan para sa kapatawaran ng Diyos at ng mga taong nasaktan nila. Manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa lahat ng mga nasa ministeryo ng bilangguan (prison ministry): Nawa’y sila ay maging daluyan ng pagpapatawad ng Di- yos para sa mga naka bilanggo at nawa sila’y maging daan upang ang mga tunay na nagisisi ay manumbalik na maging kawangis ng lumikha. Manalangin tayo sa Panginoon!

Para sa ating lahat na nagkatipon-tipon sa pagdiriwang na ito: Nawa’y makita natin ang ating sarili bilang mga tao na bagama’t hindi perpekto ay nagsisikap upang patuloy na magbago. Manalangin tayo sa Panginoon!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumahimik saglit.)
Manalangin tayo!

Maawaing Ama, madalas nahihirapan kaming aminin ang aming mga kasalanan at kabiguan. Nguni’t alam naming na higit na mahirap tanggihan ang iyong pagmamahal. Dalisayin Mo po ang aming puso at turuan Ninyo kaming maging tunay na masunurin sainyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 28, 2019 at 8:30 am

Pagninilay: Ang Panginoon ay dakila sa kanyang pagmamahal sa atin na bagamat tayo ay nagkakalasa at nagkukulang ay patuloy pa rin tayong minamahal. Ang Ebanghelyo ay isang pagtatagpo ni Hesus sa isang publikanong si Zaqueo. Ang mga publikano/maniningil ng buwis noong kapanahunan ni Hesus ay itinuturing na mga makasalanan at traydor: makasalanan sapagkat sila’y nandadaya sa pangongolekta ng buwis, at mga traydor sapagkat sila’y nangongolekta ng buwis mula sa kanilang mga kapwa-Hudyo bilang bahagi ng sistema ng mga Romano. Si Zaqueo na taga-Jerico ay isang publikano na sinasabi rito na siya’y maliliit. Ang pagiging pandak niya ay hindi lang pisikal, kundi maaring pandak rin siya sa mga espirituwal na bagay. Siya’y ikinagagalit ng kanyang mga kababayan dahil sa kanyang pandaraya at pagtratrabaho para sa mga Romano. Pumasok sa loob niya’y nais niyang makita ang Panginoon, ngunit dahil siya’y maliliit ay umakyat siya sa puno ng sikamoro. Hindi niyang akalaing sa paghahanap niya kay Kristo, si Kristo pala ang humahanap sa kanya. Napansin siya ni Hesus at iniutos na bumaba mula sa puno upang makituloy ito sa bahay ni Zaqueo. Ito’y nagkaroon ng mainit na reaksyon mula sa taongbayan na isang itinuturing na banal na tao ay papasok sa tahanan ng isang makasalanan. Kaya buong kababaang-loob nangaki si Zaqueo na kalahati ng kanyang ari-arian ay ibibigay sa mga mahihirap at ang mga dinaya niya ay kanyan isasauli ng apat na beses. Kaya ipinahayag ng Panginoon na dumating ang kaligtasan sa kanyang tahanan, at ito’y nagpapatunay ang misyon ni Hesus na tawagin ang mga makasalanan tungo sa pagpapanumbalik ng kalooban sa Diyos. Kaya ang disposiyon natin bilang mga Kristiyano ay paging magpakumbaba sa pag-aamin na tayo’y mga tao lamang na may pagkakataong magkukulang at magkakamali. Subalit tayo rin ay may kakayahan na ipagmalaki ang ating pananampalataya sa Panginoon. Katulad ni Zaqueo, minsan inaakyat natin ang mga puno ng sikamoro na sumisimbolo sa mga pagkakataong hinahanap natin ang Panginoon. At mahalaga rin na bumaba tayo mula sa mga punong ito sa pagiging magpakumbaba sa paagawa ng kabutihan sa kapwa. At nawa’y mabuksan rin ang aming mga puso sa misyon ng awa ng Diyos na bukas para sa lahat, lalung-lalo na sa mga makasalanan. Huwag po natin hadlangan ang mga masasamang tao na lumapit sa presensiya ng Banal na Awa. Bagkus tulungan natin sila na makapanumbalik muli sa Panginoon.

Reply

Jay Adarme October 13, 2022 at 3:11 pm

Salamat po sa magandang pagninilay

Reply

Glicerio, Damoluan October 24, 2022 at 12:38 pm

Pagninilay sa mabuting bakita oct 30 2022
Mga kapatid batid natin ,ayon sa ating kaalaman si Hesus Kristo nakihalubilo sa atin upang palaguin sa mundo ang katahimikan at pagkakaisa.
Ang ebanhelyo na ayon sa banal na kasulatan ni San Lukas kapitolo 19 bersikulo 1 – 10, ditto pinatunayan ni Hesus Kristo ang nais niyang mangyari na ang may kasalanan ay maari din magbago at pagsisihan ang mga pagkamali.
Matuto tayong magpakumbaba at magpasiya ng ayon sa kagustohan ng Panginoon. Huwag natin husgahan sino man. Nakahanda tayong magpatawad sa mga nagkasala. Hayaan natin na ang hukoman ng langit ang siyang magpasiya at humusga sa mga tao at sa ating sanlibutan.
Halimbawa ditto paglalakad Ni Hesus tungo sa isang bayan. Ng malaman ito ng isang tao na tinuring ng kababayan niya na makasalanan. Minabuti niyang sumalubong kay Hesus gaya ng karamihan ngunit natakpan siya ng mga tao at di niya kayanin masaksihan ang pagdating ni Hesus kaya humanap siya ng paraan at umakyat siya sa puno na daraanan ni Hesus Kristo. Iyon ay napansin ng ating Panginoon kaya inutos niyang bumaba si Sakeyo sa puno at buong puso niyang naunawaan at tinangap ang mga pagsisikap nito at paghingi ng kapatawaran at si Hesus ay nanahan sa puso ni Sakeyo
Dakila ang pagmamahal ng ating Panginoon. Maaring nagkasala tayo at maraming pagkukulang ngunit ang pagmamahal niya ay walang katapusan.
Ito ay bigyan natin ng Halaga at hindi lamang balatkayo at bukang bibig lamang dahil ayaw natin mapuot sa atin ang mahal na Panginoon Hesus Kristo.

Reply

ruel arcega October 30, 2022 at 7:36 am

Ang ebanghelyo ay tagpo sa buhay ni Zaqueo, ang buhay niya na nasa kanya na lahat pero kulang, Kwento ng tunay na buhay na nagbabalik-loob sa Diyos. At Kwento kung paano tayo itutuwid ng Diyos sa ating mga pagkakasala. Maraming naririnig si Zaqueo tungkol kay Hesus at marami rin siya naklita na mga taong masayang nakita si Hesus. Kaya’t ito ang pagkakataon niya na si Hesus ay daraan sa Jerico, and lugar na ito ay isang pina mayaman lugar. Kaya’t sabi nga pinag sikapan na makita si Hesus. Doon palang makikita ang malinis na intensiyon ni Zaqueo sa pagbabago. PAgsisikap , at ito’y ginawa niya na iniwan ang lugar ng kayang trabaho, umakyat sa isang puno nang sikomoro, kahit siya mayaman at kilalang tao hindi niya ginamit ang makamundong kapangyarihan ginamit ang kaloob ng Diyos sa kanya. ang kababaang -loob na siya’y umayat sa puno, Pero hindi alam ni Zaqueo na siya pala ang hinanap ni Hesus, dahil nang si Hesus ay nasa tapat ng puno ng sikomoro si Hesus ay tumingala at tinawag siya Zaqueo bumababa ka diyan at gusto ko tumuloy sa bahay mo. Ang personal na pagtawag sa panglang ni Zaqueo ay isang tanda sa ting na kilala tayo ng Diyos at tatawagin tayo sa ating mga pangalan, Isang napakapersonal na uganyan natin sa Diyos. Kaya’y hindi pwede sabihin na hindi ka kilala ng Diyos, kilala pala ako ng Diyos, dahil una siya ang lumikha sa atin. ngunit sa kasalana napalayo tayo sa Diyos at hindi natin nakilla ang Diyos ni ang ating sarili. Ito ang epekto ng kasalanan. Pero ang Diyos kahit tayo may kasalanan kilalang kila tayo. At sa pag-anyaya na tumuloy si Hesus sa bahay ay isang rin magandang personal na ugnayan sa ting ng Diyos, Dahil ang tahanan o bahay at simbolo ng pagkatao mo or siguridad, mo. Kaya’t doon natin makikita ang tunay na nagbibigay ng tunay na buhay natin at anyayahan mo si Hesus sa buhay mo at sa sguridad ng atin buhay, siyang mabibigay ang ating kabuon nang ating pagkataon. Marami sa ating hindi nakikita o na uunawan ang kahulugan ng buhay dahil sila’y na lilinglang ng makamundo , pero kapag naanyayahan mo si Hesus sa buhay , nakikita mo at nauunawaan mo ang kahulugan ng buhay mo. Siguro meron tayong mga kilalang personalidad sikat na artista or magaling ng fashion designer katulad sila ni Zaqueo, nang wala pa si Hesus sa buhay nila pero nang marinig nila ang tungkol kay Hesus at kanilang inayayahan, nakita nila ang kahulungan ng buhay nila at sila pumasok sa monesterio. Ang buhay natin ay makakaroon nang tunay na kahulugan dahil kapag inyayahan mo si Hesus na matagal ka na niyang tinatawag at nakatingala sa iyo , bumababa ka diya gusto tumuloy sa bahay mo o sa buhay mo. Kaya’t sa huli anu sinabi ni Zaqueo kung meron akong nadaya tao isasauli ko hindi lang sasauli dadagdagan ko pa ito’y hindi lang katarungan , ito’y tunay na kawang gawa o pagmamahal.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: