Lunes, Oktubre 24, 2022

October 24, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Higit nating nauunawaan ang ating pangangailangan sa Diyos habang mas nakikilala natin siya nang lubos. Mulat sa ating kakulangan, manalangin tayo sa ating pangangailangan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Palayain mo kami sa aming mga kahinaan, O Panginoon.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y ibahagi nang buo ang kanilang buhay sa paglilingkod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging bukas ang puso at makawala tayo sa ating pagkamakasarili upang sikapin nating iabot ang kamay natin sa ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang makita ang mukha ni Kristo sa mga dukha at naghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong may mga suliranin nawa’y mabigyang aliw at kasiyahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay magpakailanman sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, itinataas namin sa iyong pagkalinga ang aming mga intensyon. Pakinggan mo ang aming mapagkumbabang panalangin at gawin mo kaming mga lingkod mo na tulad ni Jesus na nakaririnig sa hinaing ng mga nangangailangan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 29, 2018 at 5:24 am

Reflection: For the Jews, the Sabbath is the most holy day of observance. Meaning “seventh day,” it commemorates the day God rested after creating the world in six days and blessing it on the seventh day. It also commemorates the liberation of the Israelites from slavery in Egypt. At Mount Sinai, God commanded that no one should work on the Sabbath day. It is reserved for resting and worshiping him. That is why the Jews do not allow anyone on that day to go out and work, but rather stay at homes, rest their bodies, and worship God, not unless they will go to the synagogues to hear the teachings of the rabbis. But in the Gospel (Luke 10:13-17), Jesus went to teach in the synagogue on the Sabbath. Afterwards, he healed a woman who was crippled for eighteen years. This angered the leader of the synagogue because the Law was violated. Then the Lord began to denounce the interpretations of the Jews regarding the Sabbath. What he showed to the woman is good work because she doesn’t have to wait another day to be healed. Jesus is not trying to abolish the Sabbath Law, but rather, he wants to fulfill it by adding the importance of it. The Sabbath is not made for excessive work, but it is made for good work, meaning doing the little things in life such as helping others. And also, there is the sense of worshiping God, which we do when we attend the Holy Eucharist on Sundays and Holy Days of Obligation. But let us not forget that going to Mass on those days should not only be a requirement, but also an act of adoration to the one who continues to give us his blessings. May we also realize that doing devotions should be carried in the outside world, meaning applying them in manifesting the Christian values. In the First Reading (Ephesians 4:32—5:8), Saint Paul reminds us to manifest our calling of being God’s children. We are all called to be kind and faithful to one another, sharing compassion and mercy to everyone. This is how we imitate God who is rich in mercy and love, that we may be his faithful children and live this life committed to him in establishing good relationships with one another. As we journey down this road, let us manifest the values of the true Sabbath, which is also everyday, resting, worshiping, and doing good deeds to our brothers and sisters.

Reply

Reynald Perez October 29, 2018 at 7:06 am

Pagninilay: Ang ating Ebanghelyo ay isang pagpapagaling ni Hesus sa isang babaeng hukot na hukot at hinding makaunat sa loob ng 18 taon dahil sa isang masasamang espiritu. Kaya siya’y ipinagaling ni Hesus, nakaunat ang kanyang katawan, at nagpapahayag ng mga pagpupuri sa Diyos. Hindi ito katanggap-tanggap ng pinuno ng sinagoga sapagkat ang araw nangyari iyon ay tumapat sa Araw ng Pagmamahinga. At ayon sa batas ng mga Hudyo, ang sinumang lumalabag sa pagpapahingang nakalaaan sa araw na iyon ay itinuturing ns walang paggalang sa Diyos. Sapagkat alam natin na nilalang niya ang sangkatauhan sa loob ng anim na araw at nagpahinga sa ika-7 araw upang tayo ay tumulad sa kanya na magpahinga. Ngunit pinagsabihan sila ni Hesus sa kanilang pagiging masyadong strikto sa batas, na dapat ang taong nangangailangan ay bigyan-pansin ng awa at malasakit, kahit sa Araw ng Pagmamahinga. Kung paanong kinakalag ang lubid sa baka at asno, ganun rin dapat ang nais ng Panginoon na gawin sa mga nangangailangan. Makikita natin sa kwentong ito na hindi naman salungat si Hesus sa pagsunod sa batas ng banal na araw. Alam niya na ang Sabat, na sumasapit sa Sabado para sa mga Hudyo dahil sa Pagpapahinga ng Ama mtapos ang Paglilikha at Linggo naman para sa mga Kristiyano dahil sa Pagkabuhay niya ng mag-uli, ay isang pagpaparangal sa Panginoon. Subalit kung wala itong pagpapahalaga sa kapwa, lalung-lalo na sa paggawa ng kabutihan at kagandang-loob, ay walang kabuluhan ang pagsambang ito. Kaya nga tuwing tayo’y nagdiriwang ng Banal na Misa, tayo ay palaging inaanyayahan sa Paghayo na humayo at ibahagi ang Mabuting Balita ng Panginoon sa lahat. At hinihikayat tayo ni San Pablo sa Unang Pagbasa na maging mga mababait at maawaing taong nagpapatawad sa isa’t isa. Ito ang ating tungkulin bilang mga anak ng Diyos sa pagiging tapat sa kanyang dakilang kalooban. Nawa’y pahalagahan natin ang ating buhay bilang “sabbath of the souls” sa pagiging mapalapit sa ating relasyon sa kapwa at pagsasagawa ng kabutihan lalung-lalo sa mga nangangailangan.

Reply

Melba G. De Asis October 29, 2018 at 7:14 am

Ang 6 na araw ay sa paggawa at ang isang araw ay para sa pagsamba sa Diyos, maraming salita ngunit may iba’t ibang kahulugan at pag intindi kung palalawagin natin ang pag-unawa sa ating isip na kasama ang ating puso.. Ang paggawa para sa kumita ay pwedeng literal ngunit ang pagsamba sa Diyos ay maraming paraang gawin para maipadama natin ang pagmamahal natin sa Diyos, magdasal ng taimtim, umawit ng papuri, magbigay ng kaloob at higit sa lahat ay ang makagawa ng mabuti para sa ating kapwa, at ang sabi pa nga ng Diyos ang ginagawa natin sa kahit kanino ay ginawa natin sa Kanya.

Samo ko at dalangin Panginoon ay mapatawad mo ako sa aking nagawang kasalanan, at pagkalooban mo ako ng sapat na kaalaman at talino para maunawaan kong lubos ang mga salita para magawa ko ng tama ang mga utos mo at ng makamtan ko ang Iyong banal na pagpapala at ang kapayapaan dito sa lupa lalu na duon sa Langit. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya at kaloob mo sa amin at nawa’y tulungan mo kami at pagkalooban ng aming kailangan sa araw araw .I asked all these thru Christ our Lord. For all these Lord, I praise you and I thank you. Amen.

Reply

mlhon October 24, 2022 at 1:06 pm

Para sa mga Hudyo, ang Sabbath ang pinakabanal na araw ng pagdiriwang. Ibig sabihin ay “ikapitong araw,” ginugunita nito ang araw na nagpahinga ang Diyos pagkatapos likhain ang mundo sa loob ng anim na araw at pagpalain ito sa ikapitong araw. Ito rin ay ginugunita ang pagpapalaya ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Sa Bundok Sinai, iniutos ng Diyos na walang sinumang dapat magtrabaho sa araw ng Sabbath. Ito ay nakalaan para sa pagpapahinga at pagsamba sa kanya. Kaya nga ang mga Hudyo ay hindi pinapayagan ang sinuman sa araw na iyon na lumabas at magtrabaho, sa halip ay manatili sa mga tahanan, magpahinga ng kanilang mga katawan, at sumamba sa Diyos, hindi maliban kung sila ay pupunta sa mga sinagoga upang makinig sa mga turo ng mga rabbi. Ngunit sa Ebanghelyo (Lucas 10:13-17), nagpunta si Jesus upang magturo sa sinagoga sa Sabbath. Pagkatapos, pinagaling niya ang isang babaeng lumpo sa loob ng labingwalong taon. Nagalit ito sa pinuno ng sinagoga dahil nilabag ang Kautusan. Pagkatapos ay sinimulan ng Panginoon na tuligsain ang mga interpretasyon ng mga Hudyo tungkol sa Sabbath. Ang ipinakita niya sa babae ay magandang trabaho dahil hindi na niya kailangang maghintay ng isa pang araw para gumaling. Hindi sinisikap ni Jesus na tanggalin ang Batas ng Sabbath, bagkus, gusto niyang tuparin ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kahalagahan nito. Ang Sabbath ay hindi ginawa para sa labis na trabaho, ngunit ito ay ginawa para sa mabuting gawain, ibig sabihin ay paggawa ng maliliit na bagay sa buhay tulad ng pagtulong sa iba. At gayundin, mayroong pakiramdam ng pagsamba sa Diyos, na ginagawa natin kapag dumadalo tayo sa Banal na Eukaristiya tuwing Linggo at mga Banal na Araw ng Obligasyon. Ngunit huwag nating kalilimutan na ang pagpunta sa Misa sa mga araw na iyon ay hindi lamang isang pangangailangan, kundi isang gawa rin ng pagsamba sa patuloy na nagbibigay sa atin ng kanyang mga pagpapala. Nawa’y matanto din natin na ang paggawa ng mga debosyon ay dapat gawin sa labas ng mundo, ibig sabihin ay ilapat ang mga ito sa pagpapakita ng mga pagpapahalagang Kristiyano. Sa Unang Pagbasa (Efeso 4:32–5:8), pinaalalahanan tayo ni San Pablo na ipakita ang ating pagkatawag bilang mga anak ng Diyos. Lahat tayo ay tinawag na maging mabait at tapat sa isa’t isa, na nagbabahagi ng habag at awa sa lahat. Ganito natin tinutularan ang Diyos na sagana sa awa at pag-ibig, upang tayo ay maging kanyang mga tapat na anak at mamuhay sa ganitong buhay na ipinagkatiwala sa kanya sa pagtatatag ng mabuting relasyon sa isa’t isa. Sa paglalakbay natin sa daang ito, ipakita natin ang mga halaga ng tunay na Sabbath, na araw-araw din, nagpapahinga, sumasamba, at gumagawa ng mabubuting gawa sa ating mga kapatid. – Reynald Perez

Reply

Mauro Austria October 24, 2022 at 8:41 pm

Sa ating panamapalataya, may isang araw na para ipangilin at ialalay sa Panginoon Diyos ang papuri at pasasalamat. Subali’t nung panahon iyon, nasa Sinagoga an gating Panginoong Hesus, upang magturo ng mga pananampalataya at mga aral ng kaligtasan. Sa di inaasahan pangyayari, nandun din ang babaeng binabanggit sa ebanghelyo sa araw na ito, upang makinig sa mga aral ng Pangainoon at kanyang sinabi “Magaling ka na sa iyong karamdaman!”. Ito ay hindi naging maganda sa mga Sinagoga, at kanilang simulang tuligsain ang Panginoon.
Tayo man ay gagawin natin ang mga bagay na mas makakabuti para sa ating sarili, sa ating kapwa, kahit na ito ay araw ng pamamahinga. Sapagka’t ang gawang mabuti ay walang araw na itinikda, kung kalian natin dapag itong isagawa. Lahat ng araw pwede natin gawan ng maganda ang kapwa, dahil ito ay ang kalugod-lugod sa ating dakilang Lumikha.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: