Linggo, Oktubre 23, 2022

October 23, 2022

Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)

Sirak 35, 15b-17. 20-22a
Salmo 33, 2-3. 17-18. 19 at 23

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

2 Timoteo 4, 6-8. 16-18
Lucas 18, 9-14


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Thirtieth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 35, 15b-17. 20-22a

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan,
wala siyang itinatanging sinuman.
Hindi siya kumikiling kaninuman laban sa mahirap,
sa halip, agad niyang dinirinig ang naaapi.
Lagi niyang dinirinig ang daing ng ulila,
at ang pagsusumamo ng balong nagsasaysay ng nangyari sa kanya.
Kinalulugdan ng Diyos ang naglilingkod sa kanya nang buong puso,
ang panalangin nito’y agad nakaaabot sa langit.
Ang dalangin ng mapagpakumbaba ay lumalampas sa mga ulap at hindi tumitigil hanggang di dumarating sa kinauukulan,
hindi humihinto hanggang di pinapansin ng Kataas-taasan,
at iginagawad ang katarungan sa nasa Katuwiran.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 17-18. 19 at 23

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Panginoo’y aking laging pupurihin
sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo
Mga lingkod niya’y kanyang ililigtas,
sa napakukupkop, siyang lumilingap.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

IKALAWANG PAGBASA
2 Timoteo 4, 6-8. 16-18

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal ko, ako’y iaalay na; dumating na ang oras ng pagpanaw ko sa buhay na ito: puspusan akong lumaban sa paligsahan. Natapos ko na ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. Kakamtan ko na ang korona ng pagtatagumpay. At sa Araw na yaon, ang Panginoon na siyang makatarungang hukom, ang magpuputong sa akin ng korona, hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa muli niyang pagparito.

Walang sumama sa akin nang una akong humarap sa hukuman. Pinabayaan nila akong mag-isa. Patawarin nawa sila ng Diyos. Ngunit pinatnubayan ako ng Panginoon at binigyan ng lakas upang maipahayag sa mga Hentil ang salita; naligtas ako sa tiyak na kapahamakan. Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa lahat ng kasamaan at siya rin ang maghahatid sa akin sa kanyang kaharian sa langit. Purihin nawa siya magpakailanman. Amen.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
2 Corinto 5, 19

Aleluya! Aleluya!
Pinagkasundo ni Kristo
ang Diyos at mga tao;
kaya’t napatawad tayo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 18, 9-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus ang talinghagang ito sa mga taong ang tingin sa sarili’y matuwid at humahamak naman sa iba. “May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin: ang isa’y Pariseo at ang isa nama’y publikano. Tumindig ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito: ‘O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga magdaraya, mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo; nagbibigay ako ng ikapu ng lahat kong kinikita.’ Samantala, ang publikano’y nakatayo sa malayo, hindi man lamang maktingin sa langit, kundi dinadagukan ang kanyang dibdib, at sinasabi: ‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!’ Sinasabi ko sa inyo: ang lalaking ito’y umuwing kinalulugdan ng Diyos, ngunit hindi ang isa. Sapagkat ang sinumang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 20, 2019 at 7:27 pm

the Readings for today speak about God’s mercy and our proper disposition in order to attain such.
In the First Reading (Sirach 35:12-14, 16-18), the wise man Sirach proclaims to us that this merciful God shows justice to the poor, the weak, and the oppressed. The Lord hears their cries and assures that their prayers are lifted up to heaven, the glory of the Most High. At that time, the Jews believed that only those who are favorable by him will surely inherit the great promise in the days to come. While this remains true, we see an extension of the promise by means of mercy, how he would also hear the cries of the afflicted ones and answer their prayers by giving what is due. The Lord knows that all of us are not really powerful and perfect because aside from those who are physically poor and cannot be helped, he is aware of our own problems in life. That is why he calls us to this virtue of prayer, lifting up to him all our personal needs and the needs of others. And surely in his time and by his will, he who is merciful and just will give us not only what we deserve, but also what others deserve. And like the Psalmist, we can also proclaim this prayer of great mercy: “The Lord hears the cry of the poor.” (ch. 34, v. 7a)
In the Gospel (Luke 18:9-14), Jesus speaks to the Pharisees and scribes, whom he already knew their inner intentions. He once denounced them for praying in the synagogues, always wanting to be heard and seen by other people, and doing other righteous acts, which are not really bad, but the problem is their selfish ambitions. So he tells them the Parable of the Pharisee and the Tax Collector. The Jews have very low standards on tax collectors because such men are regarded not only as sinners, but also traitors. In fact, tax collectors extort money from their fellow citizens, so that the money they collect will be given to the Roman Empire. But in this parable, the Lord Jesus presents to us the attitude of these two characters: the Pharisee praying for himself and his achievements and the tax collector praying for mercy and forgiveness. And in the end, Jesus concludes that the humbled went home more satisfied than the upright. It implies to us that his prayer is more sincere than that of the Pharisee, who just boasted about his righteousness and criticizes others’ sinfulness. It is a teaching that not only the righteous are called by God to experience his love, but also sinners. Yet if we become self-righteous and arrogant, then we have blinded ourselves to recognize this saving grace and mercy, and moreover, have looked down on others while we are there standing with great honor, trying to call their attention that we are more favored by God.
My dear brothers and sisters, we have heard many times the mission of the Church to proclaim the Gospel, but what we should really understand and comprehend is how she gives witness to the teachings and divine will of the Lord in reaching out to others. This is the Mission of mercy, wherein the Church through the Clergy, lay leaders, and all of us are called to provide physical and spiritual assistance to those who are poor and needy spiritually and physically, and to also reconcile with sinners that they may return to the Lord with their whole hearts. And in the Second Reading (2 Timothy 4:6-8, 16-18), Saint Paul is about to be executed under the command of Emperor Nero, nearing the end of his ministry. But before his death, he addressed to the Bishop Saint Timothy and to us as well how he fought the good fight, finished the race of preaching, and kept the faith. And he encourages us to remain faithful to the Lord in times of difficulties and struggles in our mission of Evangelization. That is why this Apostle together with the first Pope Saint Peter are the two pillars of our Holy Mother Church.

Reply

Reynald Perez October 22, 2022 at 3:00 pm

PAGNINILAY: Ang Diyos ay malapit at madaling mag-agap sa mga taong dumudulog at sumasamo sa kanya. Sa kasaysayan ng kaligtasan, ang presensiya ng Diyos ay nakikita sa mga tinatawag na “anawim” — mga taong tanging sa kanya lamang nagtitiwala at umaasa. Kaya nga ito yung narinig natin na anawin mula kay Sirak sa Unang Pagbasa, na sila ang mga taong mapagkumbaba na madalas dumadanas ng mga paghihirap at walang pagdamdam ng lipunan (balo at ulila), at kadalasan ay sila ang mga taong dumadaing sa Panginoon sa mga panahong sila’y ginigipit, pinapahirapan, at niyuyurakan. Kaya nga sabi ni Sirak na ang Panginoon ay hindi tumatangi sa mga partikular ng tao, ngunit bumubuhos ng kanyang pagpapala at kabutihang-loob sa lahat. Lalo na ang mga daing at panalangin ng mga aba ay kanyang dinidinig, sapagkat hindi sila pinababayaan sa kabila ng kanilang pagsubok na dinadaanan. Kaya nga ito ang awit ng Salmista ngayon, na silang mga dukha na dumudulog sa Diyos ay ililigtas naman mula sa kapamahakan at mas lalong pagpapalain sa habang panahon.

Kaya nga ang halimbawa ng mga “anawim” ay paanyaya sa atin na tayo rin ay maging mapagkumbaba at magkaroon ng dalisay na intensyon sa ating paggawa ng katuwiran dito sa lupa. Noong nakaraang Linggo (Ika-29 na Linggo) ay narinig natin ang paanyaya ni Hesus na manalanging walang humpay na patuloy na nagtiiis at gumagawa. Ngayon naman ay narinig natin ang mensahe ng Panginoon kung paano dapat ang ating disposyon tungo sa pakikipag-relasyon sa kanya. Sa talinghagang kanyang ikinuwento ngayon, kausap ni Hesus ang mga Pariseo at eskriba, na palaging punung-puno sa sarili na ang kanilang kunwari’y pagpapakitang-gilas ng kabaitan at pagpapabanal-banalan,, upang ipakilala sa iba pang kanyang mga tagapagpakinig (mga alagad) kung ano dapat ang tunay at dalisay na layunin kapag tayo ay humaharap sa kanya. Ipinakita ni Hesus ang dalawang tauhan sa talinghaga: isang Pariseo at isang publikano (nangongolekta ng buwis). Ang mga Pariseo ay itinuturing ng mga Hudyo na mataas ang paggalang sapagkat sila ang gumawa at tagatupad ng Kautusan ni Moises, samantala ang mga publikano naman ay may mababang pagtingin sapagkat sila ay minsan itinuturing na ‘di makatarungan ang pagkokolekta nila ng buwis mula sa kapwa Hudyo, at tinuturing din sila mga traydor sapagkat nagtratrabaho sila para sa mga Romano na nagsabatas ng pagbabayad ng buwis sa Judea. Ngunit sa talinghagang ito, narinig natin kung paanong isinalaysay ni Hesus ang kaiba-ibang pag-uugali ng publikano, na ‘di man lang siya makatingala sa langit, ngunit dinagok ang kanyang dibdib at nagmakaawa sa Diyos na kaawaan at patawarin ang isang makasalanang katulad niya. Kaya sinabi ni Hesus na mapalad ang pagtugon ng Diyos sa panalangin niya kaysa dun sa Pariseo. Bagamat wala namang mali sa ginagawa ng Pariseo na pag-aayuno nang dalawang beses at pagbibigay sa templo, masyado naman niyang lumaki ang kanyang ulo nang ipagyabang niya sa Diyos na hindi raw siya katulad ng ibang taong makasalanan katulad ng publikano. At sa ibang banda, maraming beses nang dininig ng Diyos ang panalangin ng Pariseo, ngunit dahil sa mapagmataas na pag-uugali, lumalabas na tila nga ba‘y hindi kontento itong tao na ito, na kulang na lang ay maiwagi niya ang lahat ng papuri mula sa ibang tao. Ganun ang naging pag-uugali ng mga Pariseo at eskriba sa kapanahunan ng ating Panginoong Hesukristo, na sa labas ay matuwid sila at banal, ngunit sa loob ay hindi naman mabuti ang kanilang intensyon at minsan ay nagtatamo pa ng sama ng loob kapag hindi sila pinupuri ng iba.

Mga kapatid, ang ating pakikitungo sa Diyos na patuloy na gumagabay at nagbibigay ng mga biyaya sa atin ay naghuhudyat na tayo rin ay maging mapagkumbaba at magkaroon ng mga tunay na malinis na kalooban at dalisay na intensyon, lalo na kapag ineensayo at ipinapalaganap natin ang ating pananampalataya. Si San Pablo ay madalas kilala natin bilang isang dating tagapag-usig ng mga Kristiyano, ngunit sa huli ay naging tagapagdala ng Mabuting Balita sa mga Hudyo at pati na rin sa mga Hentil. Makikita natin na sa unang-una bilang isang mag-aaral sa pagtuturo ni Gamaliel ay lumawak ang kanyang kaalaman tungkol sa Kautusan ni Moises. Ngunit dahil sa lumaki ang kanyang ulo tungkol sa pagiging tapat na Hudyo, pinaaresto niya ang mga Kristiyano, at narinig natin na nais pa niya ang balak na ito sa Damasco. Subalit alam naman natin na nagpakita nga sa kanya si Hesus na akala niyang pinatay lang bilang isang kriminal, ngunit ang Panginoon ngang nabuhay na muli, na nagsabi sa kanya ang kanyang gawin. At doon nga sa Damasco ay nabinyagan siya ni Ananias, at mula sa pagbabalik-loob niya ay ginanmpanan niya ang kanyang tungkulin ang ipahayag ang Mabuting Balita ng Panginoon sa lahat ng mga dakong lugar. At narinig nga natin sa Ikalawang Pagbasa si San Pablo na nakabilanggo at hinatulayan na ng kamatayan sa ilalim ng pamumuno ni Emperador Nero (taon 67 AD). Bago pa man siya lumipas sa daigdig, nagpasalamat siya na naganap na niya ang kanyang tungkulin ng pagiging tapat sa pananampalataya at ang pakikibaka sa mundo ng kasinungalian at kasamaan. At sa bawat yugto ng buhay-pangangaral niya, naroon ang Diyos na gumagabay sa kanya, kahit sa dami-rami nang beses n‘ung siya‘y ikinulong, pinagbugbog, at itinanggi ng mga tao. Kaya nga si San Pablo ay pinugutan ng ulo sa Via Ostiense, at doo‘y nakatayo ang isang malaking basilika. Kasama ni San Pedro, si San Pablo ay isang haligi at prinsipe ng ating Simbahan.

Nawa‘y magkaroon tayo ng isang tunay na mapagkumbabang disposiyon na magsumikap maging banal hindi upang iparangal ng makamundong papuri, kundi ang lahat ng ating kabutihan at katuwiran ay gawin natin para sa ikaluluwalhati ng ating Panginoong Diyos.

Reply

ruel arcega October 22, 2022 at 3:33 pm

Ang ebangehelyo ay patungkol sa panalangin. Kaugnay ito sa pagpapalim nang pananampalataya. Dahil ang tunay na nanalangin ay tunay na may pananampalataya dahil sa panalangin ay humarap tayo sa Diyos at ang taong may pananampalataya siya lamang ang nakakalapit at nakakita sa Diyos. Kaya sa ebanghelyo ni san Lukas 18: 9-14 ay isang pangyayari na kwento ni Hesus na may dalawang tao parehong makasalanan, ang isa ay Paraseo at isang publikano, parehong nagpunta sa temple para magdasal sino sa kanila ang tunay na nag dasal. Ang dasal ay isang pakikipagusap sa Diyos, Sino ang nakinig sa Diyos at sino ang hindi nakinig sa Diyos. Dahil sa ating paglapit sa Diyos sa panalngin ang tunay na nakinig sa Diyos ay yung publikano dahil narinig niya ang tinig nang Diyos kaya’t ang tungon niya ay dinadakukan ang dibdib at sabay wika na mahabag po kayo sa akin. Dahil siya ng tunay na may pananampalataya at siya ang tunay na nananlangin dahil sa harap ng Diyos siya’y nagpakababa at humhingi nang kapatawan sa paanyaya ng Diyos na magsisi at mabalik-loob sa Diyos. Samanatala yung Pariseo ay walang pananampalataya kaya’t hindi niya makita ang Diyos at hindi niya marinig ang paayaya ng Diyos. Sana pag tayo ay nagdarasal tularan natin ang publikano, bago ka humarap sa Diyos dapat may pananampalataya ka para maklia mo ang Diyos na makapanyarihan at mapagmahal upang makatungon ka sa tinig ng Diyos at ito’y ang iyong masasambit sa harap ng Diyos. Dahil nakikinig ang Diyos sa may mababang-loob na tao ngunit ang taong mapanghamak sa kapwa at mayabang ay ang Demonyo ang nakikinig sa kanya.

Reply

Mauro Austria October 23, 2022 at 2:21 pm

“Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas.” Yan ang salitang pinakabuod ng ebanghelyo sa araw na ito. Sa ating buhay, aminin natin o hindi, madalas na natin napatunayan ang mga katagang ito. Sa ating buhay pananampalataya, wala tayong pwedeng ipagyabang o ipamagmataas sa mata ng ating Diyos, sapagka’t iniisip pa lang natin, hindi man bigkasin o ibulong ng bibig, ito ay alam na ng ating Diyos. Naiisip pa lang natin at tinitibok ng ating puso ito ay kanya ng nalalaman. Kaya kung anuman ang kabutihang ginawa natin katulad ng Pariseo, gawin nating bukal sa ating kalooban at wag natin ikupara ang ating sarili sa iba. Sapagkat sa bandng huli ang nagpapakumbaba at kumikilala sa kanyang pagkakamali at pagkakasala, ang siyang magkakamit ng biyaya galing sa langit.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: