Sabado, Agosto 20, 2022

August 20, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Mayroon tayong isang Ama sa Langit at isang Guro, ang kanyang bugtong na Anak. Lumapit tayo sa Ama at ipanalangin ang lahat ng kanyang mga anak sa lupa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Basbasan Mo kami, aming nag-iisang Ama.

Ang mga tinawag sa ministri ng orden nawa’y maging tapat at matiyaga sa kanilang banal na tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at mga guro nawa’y maituro sa mga kabataang nasa kanilang pangangalaga ang mabuting halimbawa ng kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos nawa’y maging gabay natin sa ating mga kilos at nawa’y lagi nating asamin na gumawa nang mabuti, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, nalulumbay, at mga maysakit nawa’y tingnan natin nang may habag, at pagaanin ang kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, dinadala namin sa iyong harapan ang mga pangangailangan ng mga nakakakilala sa iyo at yaong mga hindi pa nakaririnig ng iyong pangalan. Ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 19, 2022 at 4:47 pm

PAGNINILAY: Ang Panginoong Hesus ay ang dakilang Mesiyas na nagligtas at nagturo sa atin ng daan patungo sa Diyos Ama. Ito ang kanyang paanyaya sa atin sa Ebanghelyo na ituring natin ang Diyos bilang iisang Ama, at siya bilang iisang Guro. Nagbabala siya na huwag tularan ang kapaimbabawan ng mga eskriba at Pariseo, na gumagawa lang ng mga rituwal ng Judaismo para lang magpasikat sa publiko. Sapagkat ang kanilang mga tunay na kulay ay maghangad ng masama sa kanilang kapwang Hudyo kahit sa labas ay parang marangal ang kanilang kasuotan at porma.

Inilalahad sa Unang Pagbasa ang pangitain ni Propeta Ezekiel tungkol sa isang anghel na umakay sa kanya patungo sa pasukan ng lungsod, at may isang pang pangitain na kung saan ang lungsod ay winawasak, at pumasok ang Panginoon sa kanyang templo upang mamamahala sa isang bayang nais ihubog at ibuo muli mula sa pagkasira dahil sa kasalanan. At narinig nga ni Ezekiel ang isang tinig na nagsasabi kung saan mananahan ang kaluwalhatian ng Diyos sa kanyang templo. Kaya ang presensiya kaluwalhatian ng Diyos ay higit pa sa ating pansariling pagkakamit at pagnanasa sa mga makamundong bagay.

Ang ating pagkilala kay Hesus ay ang pagkatulad sa kanyang kababang-loob. Kung itinuturing natin siya na Panginoon ng ating buhay, maging matapat tayo sa kanya, lalung-lalo na sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. At nawa’y magkaroon tayo ng kabanalan na hindi humahangad na sumikat, kundi gumagawa ng kabutihan.

Reply

Dong August 20, 2022 at 1:34 pm

Pinupuri ja namin panginoong jesus kristo nazareno kaawaan mo kami AMEN

Reply

Jenuelle August 20, 2022 at 11:00 pm

Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: