Sabado, Hunyo 11, 2022

June 11, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Hunyo 11
San Barnabas, Apostol

Manalangin tayo sa Diyos Ama na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas at makabatid ng katotohanan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Maghari ka nawa sa amin, O Panginoon.

Ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari nawa’y patnubayan ng Banal na Espiritu sa pagtataguyod ng layunin ng misyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y maipahayag si Kristo sa mundo sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod na may kababaang-loob na hindi nakabatay sa kanilang kapangyarihan o kabantugan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga laykong mananampalataya nawa’y mapukaw ang kalooban sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa para sila ay makipagtulungan sa pangmisyong gawain ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y makaunawa sa kanilang pananagutang palaganapin ang Mabuting Balita ng kaligtasan sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataang lalaki at babae nawa’y magkaroon ng tapang na tumugon sa panawagan ni Kristo at makibahagi sa mga gawaing pangmisyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming Diyos, kalooban mo na maipahayag at maitatag ang iyong Kaharian sa lahat ng dako. Sa pamamagitan ni San Barnabas, marapatin mong maging mabunga ang aming mga pagsisikap na mapalaganap ang iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez June 9, 2022 at 7:22 am

PAGNINILAY: Ipinagdiriwang natin ngayon ang Paggunita kay San Bernabe, isang apostol ni San Pablo. Narinig natin sa Unang Pagbasa kung paanong maraming naniwala sa pananampalataya kay Kristo, kaya ipinadala si Bernabe sa Jerusalem upang ipahayag sa mga tao na ipagpatuloy ang pangangaral ng Mabuting Balita. At patuloy siya sa pangangaral na si Hesus ay ang Panginoon. Isang kilalang katangian ni San Bernabe ay ang pagiging bukas palad sa mga mahihirap na miyembro ng Sambayanan ng Diyos. Siya rin ay nagsilbing kasamahan habang si San Pablo ay nangangaral sa bawat nayon ng mga Hudyo at Hentil. Ipinangaral din ni Bernabe ang Mabuting Balita hanggang Salamis, kung saan siya’y binato hanggang mamatay. Katulad ng mga Apostol at ng iba pang mga alagad ni Kristo, si San Bernabe ay isa sa mga matiyagang saksi ng Mabuting Balita. Siya’y nagsisilbing paalala na patuloy ang misyon ng Ebanghelisasyon ng ating Inang Simbahan. Ang mensahe ng Panginoon ay kinakailangang ipahayag sa bawat tao at isabuhay rin sa mga pang-araw-araw na sitwasyon. Ang mahalaga ay makilala ng lahat ang dakilang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng presensiya ni Hesukristo sa mga tanda ng Panginoon.

Reply

Marco June 11, 2022 at 11:00 am

Maging tapat tayo saatin kapwa wag tayong manlamang or Mang api Ng ating kapawa dapat natin itong mahalin kagaya nang pag mamahal saatin Ng diyos

Reply

Ferdy Baetiong Parino June 11, 2022 at 11:57 am

Ang ebanghelyo ngayon ay paalala ni Hesus na mag ingat tayo sa atinh mga binibitawang salita lalo na sa pangangako.

Bukod sa dapat nating tupdin ang ating mga sinumpaang pangako sa Diyos ay sinabi nya na wag tayong gagamit ng mga katagang saksi ko ang langit, mamatay man ako at kung anu ano pa sapagkat ang kasunod noon ay galing sa masama.

Akala natin ay simple lamang ang mga katagang iyo, aminin natin ginagamit natin ang mga salitang ito upang mapaniwala natin ang ating kausap, mamatay man ako” meron pang nagsasabi ng “swear to God o kaya nman ay” sumpa man sa Diyos. Ayon kay Hesus ay kalapastangan ito.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: