Linggo, Abril 24, 2022

April 24, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K)

Buksan natin ang ating mga puso sa Diyos na siyang bukal ng lahat ng awa at pagmamahal, at manalangin tayo nang buong tapat na pananalig:

Mahabaging Diyos, dinggin ang aming panalangin!

Para sa mga pinuno ng Simbahan: Nawa sila’y maging inspirasyon sa lahat ng mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang pagtatalaga, pagkakaisa, at katapatan kay Kristo. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may karamdamang pisikal, sikolohikal, o moral: Nawa makatagpo sila ng lunas at ginhawa sa kagandahang- loob ng lahat ng sumasampalataya. Manalangin tayo!

Para sa mga taong tulad ni Tomas ay nahihirapang maniwala sa Muling Pagkabuhay: Nawa matulungan sila ng pagsaksi ng pamayanang Kristiyano upang manaig sila sa kanilang mga pag-aalinlangan. Manalangin tayo!

Para sa mga nagbibigay ng sakramento ng kumpisal: Nawa sila’y maging mga karapat-dapat na kasangkapan ng mapagpagaling na pag-ibig ni Kristo. Manalangin tayo!

Para sa nalalapit nating halalan: Nawa makapangyari ang kapayapaan sa bansa at mapagsikapan nating masugpo ang pandaraya’t karahasan. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang mga sarili nating kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, salamat sa mga Pampaskuwang kaloob ng Espiritu Santo, kapayapaan at kapatawaran. Lalo nawa kaming mapalapit sa Iyo at sa isa’t isa, at gawin Mo kaming mga kasangkapan ng Iyong pagmamahal sa lahat naming mga kapatid. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus, Hari ng A wa.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 18, 2022 at 8:06 am

PAGNINILAY: Kadalasang maririnig natin ang salawikaing ito: “Ang pagkikita ay pagsasampalataya!” Ngunit hindi laging ganun ang sitwasyon. Tuwing mga taong A, B at K ng linggong ito, pareho lang ang Salmong Tugunan (Salmo 117) at ang Banal na Ebanghelyo (Juan 20:19-31) dahil ipinapakita ng mga pagbasang ito ang pag-ibig at awa ng Diyos na parang isang karagatan, kaya nga tuwing linggong ito ay ipinagdiriwang ang Linggo ng Banal na Awa ng Diyos. Pagkatapos ang kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo, umalis si Apostol sa Santo Tomas dahil inahahanap niya ang kanyang kapatid na isang tagasunod sa Panginoon.

Ang salitang ‘Tomas’ ay galing mula sa salitang Hebro na ‘Didymio,’ na may ibig sabihin “ang Kambal”. Hinahanap-hanap ng mga kawal ang mga alagad na malapit kay Hesus dahil ipinautos nito ng mga pinunong Hudyo kay Gobernador Poncio Pilato. Pero noong gabi ng ika-5 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan ng kinaroroonan nila dahil natatakot ang mga sampung alagad, lalo na si San Pedro na nagkaila sa Panginoon ng tatlong beses. At isang saglit, nagpakita ang Panginoong Hesukristo sa kanila na wala diyan si Santo Tomas. Pagkatapos dumating siya at ibinalita sa kanya ng mga minahamal na kapatid na apostol na nabuhay nga ang kanilang Guro, ngunit tinanggi niya ito at maniniwala siya kung makikita niya ang mga sugat ng Panginoon. At nangyari nga nang makalipas ng isang linggo, noong ika-12 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan pa rin kung saan natitipon ang mga alagad na kasama na nila si Tomas. At ganun nga, nagpakita si Hesus at tinanggal niya ang pagdududa ni ng Apostol tungkol sa Muling Pagkabuhay sa pananampalataya. Buong pananampalataya sinabi ni Tomas: “Diyos ko at Panginoon ko” (Juan 20:28)! Kaya ipinakita ni Hesus ang bagong salawikain: “Ang pagsasampalataya ay pagkikita!” Pinalad niya ang mga taong hindi nakikita sa kanya pero naniniwala.

Ang ating Ebanghelyo ay nagpapakita sa Mabathalang Awa ng Diyos na parang isang karagatan. Alam natin na ang karagatan ay ang pinakamalaki at pinakamalawak na anyo ng tubig. Ganyan din ang awa ng Diyos dahil tulad ng isang karagatan na hindi natin alam kung saan natatapos, hindi kukupas ang kanyang pag-ibig at awa, kaya tunay nga nakasabi sa tugon ng Salmong Tugunan ngayon: “Butihi’y Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw” (Salmo 117:1). At sabi nga ng karamihan: “Kung gaanong kalalim ang naranasang awa ng Diyos, ganoon din kalalim ang pag-ibig ng Diyos na nararanasan. At dahil sa awa at pag-ibig na ito ng Diyos, sumisibol ang pananampalataya na handang magtaya, kahit ng buhay at kamatayan para sa Diyos at kapwa.” Sa ating paglakbay sa daan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nawa’y maranasan natin ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at ibahagi at iparamdam ang mensahe ng awa sa ating mga kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño April 24, 2022 at 1:29 pm

Mapapalad tayong nabubuhay sa kasalukuyan ngayon na hindi mga nakasama o nakita ng personal si Hesus pero naniniwala at sumasampalataya.

Pero hindi sapat ang sabihin ng tao na sya ay naniniwala sa Diyos. Kailangan ipakita natin ito sa ating isip, salita ata gawa. May mga taong sinasabing sila ay madasalin at relihiyoso pero hindi mo nman kinakakitaan na sumusunod sa kalooban ng Diyos. May mga taong nagsisimba tuwing Linggo pero hindi nman nagmamahal ng kapwa at sarili lamang ang mahalaga sa kanya o ang kanyang sariling pamilya. Paano mong masasabing minamahal mo ang Diyos na hindi mo nakikita kung ang kapatid mo na nakikita mo ay hindi mo kayang mahalin.

Mahalin natin ang Diyos ng higit sa lahat sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa ating kapwa. Kapag sinabi nating sumasampalataya tayo sa Diyos pero nanatili tayong; ganid sa pera, mapagmataas, mandaraya, nakikiapid, nangangalunya, nagananasa sa hindi natin asawa o pag-aari, palamura, bastos, mayabang, hindi marunong magpatawad ng kaawayno kapatid, makamundo at mapang api…. Matatawag tayong mga mapag-imbabaw at hindi tayo kalulugdan ni Hesus.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: