Podcast: Download (Duration: 8:18 — 5.9MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon
Patnubay sa Misa
Pinasisigla ng halimbawa ng mga Pantas, magharap tayo ng ating mga handog at kahilingan sa Panginoon habang sinasabi nating:
Panginoon, gabayan mo kami ng iyong ilaw!
Para sa Simbahang Bagong Jerusalem kung saan tinatawagan ng Panginoon ang lahat ng tao sa mundo: Nawa siya’y manatiling maliwanag na tanda ng pag-ibig na panlahat ng Diyos. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at lahat ng mga pinunong espirituwal: Nawa ang kanilang mga turo at halimbawa ay maging parang mga talang namamatnubay sa mga tao tungo kay Hesus. Manalangin tayo!
Para sa ating mga misyonerong nagsisikap na maghatid ng liwanag ng Kristiyanong pananampalataya sa mga di nakakakilala rito: Magtagumpay nawa sila sa paglalangkap ng mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo sa kanilang kultura. Manalangin tayo!
Para sa mga kasapi ng mga BEC at mga pamayanang karismatiko: Nawa sila ay maging mga pampasigla sa ating mga parokya at sa bansa. Manalangin tayo!
Para sa bawat isa sa ating naririto ngayon: Nawa sumunod tayo sa paggabay ng Salita ng Diyos na ipinahahayag ng Simbahan. Manalangin tayo!
Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.)
Manalangin tayo!
Panginoong Hesus, tulad ng Jerusalem, bumabangon kaming nagniningning pagkat sumapit na ang iyong liwanag. Matulad nawa ang aming asal sa isang talang gumagabay sa iba tungo sa iyong nabubuhay at naghahari nang walang hanggan.
Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Oktubre 23, 2021
Linggo, Enero 30, 2022 »




{ 2 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ipinagdiriwang ngayon ng ating Simbahan ang isa sa mga pinakaluma at pinakamagandang kapistahan. Ang tawag dito sa kapistahan ito ay “epipanya,” isang salita na nagmula sa wikang Griyego na nangangahulugang “pagpapakita” o “pagpapahayag”. Kaya ang pormal na tawag sa pagdiriwang na ito ay “Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon”.
Ipinapahayag sa atin ng liturhiya ngayon ang pagpapakilala ng kaligtasan ng Diyos sa sangkatauhan, hindi lang sa mga Hudyo, kundi kasama na rito ang mga Hentil. Ito ang ipinapahayag sa atin ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa nang tayong lahat ay hinirang ni Kristo na makibahagi sa kanyang misyon ng pagpapadala ng Mabuting Balita. Ito’y tanda na ang ating misyon ay pakikibahagi sa kalasapan ng kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan sa langit. Kaya dati pa sa Lumang Tipan ipinahayag na ang planong pangkaligtasan ng Diyos ay para sa lahat. Sa katunayan, ipinahayag ni Propeta Isaias ang liwanag ng Panginoon na magniningning mula Jerusalem patungo sa lahat ng mga bansa, at magmumula raw sa mga iyon ang mga taong nakasakay sa mga kamelyo na dadalaw sa silayan ng liwanag.
Kaya ang Ebanghelyo ay ang pagkilala kay Hesukristo sa pamamagitan ng mga Pantas/Mago. Kilala ang mga Pantas sa kulturang popular bilang “Tatlong Hari Mago,” subalit hindi naman nabanggit sa Ebanghelyo kung sila ba’y mga hari. Ni hindi rin natin kung ano ang propesyo nila kung sila’y mga pari ng isang matandang relihiyon o ang isa sa kanila ay isang Muslim. Hindi rin nabanggit kung tatlo nga ba sila, sapagkat ang numero ay itinaya sa tatlong handog nila: ang ginto, kamanyang, at mira. Maraming mga pag-aaral kung nasaan nga ba sila nagmula, siguro sa may bandang Kalagitnaang Silangan (Middle East). Ngunit ang mahalaga ay itong mga Mago na ito ay mga dalubhasang tila nga ba’y mataas ang kanilang antas sa lipunan.
Ipinahayag din sa kanila ang karunungan ng Diyos na ilarawan ang pagsikat ng mga bituin, at isa sa mga bagong tala ay tanda ng Pagsilang ng bagong Hari. Kaya lumakbay sila mula pa sa mga malalayong lugar upang ipagpasya kay Haring Herodes Magno tungkol sa nakita nila, na hindi nila nabatid noong una ang balak ni Herodes. At matapos nito ay sinundan nila ang tala hanggang natagpuan nila ang bahay na pinatitirahan nina Birheng Maria, San Jose, at ang Sanggol na Hesus. Ayon na nga sa Ebanghelyo ay sila’y sumamba sa paanan ng Sanggol at inialay ang kanilang mga handog. Kaya matapos ito, bumalik sila sa kanilang bansa nang malaman nila ang balak ni Herodes sa bata.
Mga kapatid, ang pagdiriwang natin ng Epipanya ay may kaugnayan sa ating pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon. Sa pagpasok natin sa 2021, tayo rin ay patuloy na nagninilay tungkol sa kadakilaan ng Diyos na ipinakita sa Pagkatawang-tao ni Hesus. Matapos itong pagdiriwang na ito ay hindi pa natatapos ang Pasko ng Pagsilang dahil sa linggong ito ay pagninilayan pa natin ang pagpapakilala ng Panginoon (epipanya). Kaya natatapos ang mga masayang pagdiriwang sa susunod na Linggo, ang Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon. At matapos ang Pasko ay babalik po tayo sa Karaniwang Panahon. Kaya nga nawa’y makilala natin ang presensiya ng Diyos sa dakilang panahong ito upang dalhin natin ang kanyang pangalan sa ating mga ordinaryong pamumuhay.
Manigong Bagong Taon!!
Ang Unang Pagbasa ay pagbabalita ng magagandang mangyayari na hatid sa ating ng Panginoon kung tayo lamang ay susunod sa kanyang kalooban. Pagtupad sa kanyang pangako ng kaunlaran, kapayapaan at lubos na kaligayahan. Kaya’t kung ikaw ay naghanda sa kanyang pagdating katulad ng sinabi ni San Juan sa atin ay kamtin mo ngayong bagong taon ang pag-asa at gantimpala mula sa langit. Kung ikaw nman ay sa palagay mong naging palalo at naging makasalanan pa din nung panahon ng Adviento ay pagsisihan ito, hingiin ang kapatawaran sa Ama at simulan ang Bagong Taon na ito ng pagtalikod sa kasamaan upang makasama sa pagpapalang hatid ni Hesus.
Ang ebanghelyo ay kwento sa mga pantas na sinuway ang Haring Herodes at sinunod ang utos ng Diyos. Tularan natin ang mga ito, na hindi ang mga makapngyarihan sa lupa ang niyuyukuan, hindi mga makamundong bagay ang pinagsisilbihan, hindi sa mga materyal, pita ng laman nagpapasa-ilalim, hindi nagugumon sa masasarap na alok ng sanlibutan kundi ang Diyos ang sinusunod at sinasamba.
Mag kapatid, suriin natin ang ating mga sarili. Ano ang nagawa ko sa nakaraang taon? Naging kapaki pakinabang ba ako? Nalulugod kaya ang Diyos sa mga pinag gagawa ko? Waa kay akong sinusuway sa mga kautusan ng Diyos? O ako’y naging ganid lamang at nagpkasarap sa pita ng laman? O tumutok lamang ako sa mga materyal na bagay at naging abala sa pagppayaman o puro pera ang aking nasa isip?
Ngayong umpisa pa lamang ng taon, sikapin natin na ialay kay Hesus ang ating panahon. Bigyan natin sya mas maraming oras kesa sa ibang bagay. Magkaron tayo ng relasyon kay Hesus at hindi maliligaw ngayong taon at sa mga susunod pang mga araw.
Happy New Year!