Biyernes, Oktubre 30, 2020

October 30, 2020

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Diyos Ama na tumatawag sa atin bilang kanyang mga anak at maging malaya sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesu-Kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapag-alay nawa kami sa iyo ng pagpupuri dahil sa lahat ng iyong biyaya, O Panginoon.

Ang mga Kristiyano nawa’y ituring ang mga utos ng Diyos bilang pinto sa kalayaan mula sa kasalanan at kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Huwag nawa nating ilagay ang batas na higit pa sa tao, bagkus gawin muna natin ang dakilang utos na mahalin natin ang ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng tunay na diwa ng pagmamahal sa ating pakikitungo sa mga dukha at inaapi, at makita natin si Kristo sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nasa ospital nawa’y gumaling sa kanilang karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapiling na ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoong Diyos, maging paanyaya nawa sa amin ang bawat batas mo na mahalin at paglingkuran, unawain at igalang, akayin at gabayan ang aming mga kapwa. Hinihiling namin ito sa pamamgitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez October 30, 2020 at 1:08 am

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ngayon ay ang simula ng salaysay ni San Pablo sa mga taga-Filipos. Isinulat ito sa panahon nang ang Apostol ay nakadakip sa bilangguan kasama ni Silas. Alam natin na dahil sa kanilang pag-awit sa Diyos, nagkaroon ng lindol at nakalaya sila mula sa mga kadena. At nang makaharap nila ang bantay na natatakot maparusa, hinikayat nila siya na sumampalataya sa ating Panginoong Hesukristo. Habang siya’y nakabilanggo, sinabi ni San Pablo sa mga Kristiyanong komunidad ng Filipos na sila nawa ay maging matatag sa kanilang relasyon sa isa’t isa. Katulad ng pangnagaral at pagbibigay-saksi ng Apostol sa Mabuting Balita, gayundin sana ang maging kalakaran at pamumuhay ng mga Kristiyano sa lugar na ito upang mas lumago pa ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus.

Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paanyaya ng Pariseo kay Hesus na makipaghapunan sa bahay nito. Alam natin ang layunin ng taong ito sapagkat bilang miyembro ng grupong ito, nais nilang hanapin ng butas ang Panginoon sapagkat alam niya na dumalaw si Hesus sa kanyang tahanan sa Araw ng Pamamahinga. Kaya nang makita ni Hesus ang isang taong namamanas, hinamon niya ang mga Pariseo at mga dalubhasa ng Kautusan kung gagawin nila ang isang mabuting gawain sa banal na araw ng mga Hudyo. At ginamit ni Kristo ang larawan ng anak o bakang nahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga nagdurusa at kinakailangan ng tulong. Kaya makikita natin sa ating Panginoong Hesukristo ang tunay na debosyon at pananampalataya sa Diyos Ama ay ipinapakita sa konkretong gawa katulad ng kabutihan tungo sa ating kapwa.

Makikita natin sa dalawang pagbasa ngayon ang kahalagahan ng pakikipagrelasyon natin sa kapwa. Hindi lang ito eros o filia, kundi agape, na handa tayong magmahal para sa kapakanan ng ibang tao at bilang sakripisyo na sila’y ingatan mula sa anumang kapahamakan. Sinasabi nga na sa katapusan ng panahon, hahatulan tayo ni Kristo ayon sa pagmamahal na ipinadama natin sa mundong ito. Kaya nawa ang ating pananampalataya at pagtanggap sa Mabuting Balita ay ipakita sa ating mabuti & tamang kilos, at sa ating magandang asal.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: