Miyerkules, Agosto 19, 2020

August 19, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Ang pamamaraan ng Diyos at hindi tulad ng sa atin. Dahil ang kanyang katurungan at kagabndahang-loob ay higit pa sa ating turing at sukat, lumapit tayo sa kanya habang nananalig na pakikinggan niya tayo at hindi bibiguin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng kanyang mga misyonero at tagapagpahayag, nawa’y maipalaganap ang Ebanghelyo ng Panginoon nang may katapangan at patitiyaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makapaglingkod sa Panginoon at sa isa’t isa nang walang hinihintay na merito at gantimpala, at sa halip gawin lamang ito nang may kabutihan mula sa ating mga puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga walang trabaho nawa’y dagling makatagpo ng kanilang hanapbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y masiyahan sa kalinga at unawa ng kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagtiyagang mamuhay nang mabuti sa mundong ito at namayapa nawa’y makatanggap ng gantimpala sa makalangit na Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon naming Diyos, mapagkumbaba kaming naglilingkod sa iyo sa abot ng aming makakaya nang walang hinihiling kapalt. Naniniwala kami na nasa piling ka namin at binibiyayaan mo kami ng mabubuting bagay dahil sa iyong Ama na si Jesus, aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez August 14, 2020 at 2:15 pm

PAGNINILAY: Ang Diyos ay tapat sa kanyang mga kalooban. Sa ating Ebanghelyo (Mateo 20:1-16), inihambing ni Hesus ang Kaharian ng Langit sa isang talinghagang isinulat ni Apostol San Mateo sa kanyang aklat. Nais kong bigyang-pansin ang tatlong punto ng talinghaga. Una ay ang pagsisikap. Sa pamamagitan ng talinghagang ito, natuto natin ang pagsisikap at pagmamatiyaga sa ubasan ng Diyos, ang buong sangkatauhan. Kaya bilang mga Kristiyano, tayo’y dapat magtrabaho para maanihin natin ang isang nabubungang prutas. Hindi lamang sa hanapbuhay ng isang tao, kundi pati rin sa paglilingkod at pagmamahal ng isa sa kanyang mga kapwa. Ikalawa ay ang katapatan.

Minsan sa ating buhay, tinatanong natin kung bakit kaunti lamang ang ating tinatanggap pagkatapos ng lahat ng kasipagan at katiyagaang ginawa natin. Ngunit ang tanong ngayon: “Mali ba ang Diyos? Hindi ba sapat ang kanyang mga ibinibigay na biyaya sa atin?” Dapat sa ating buhay, huwag tayo’y magalit o mainis kung maliit lang ang ating tinatanggap. Sapagkat ang Panginoon ay hindi tinitingin ang kahalagan ng kapalaran, kundi ang kapalaran ng Puso bawat isa. Kahit maliit man o malaki ang ibinigay niya sa atin, dapat tanggapin na lang natin ito dahil ang importante ay matapat tayo sa kanya, gaya ng kanyang katapatan sa ating lahat. Ikatlo at huli ay ang pagiging bukas-palad. Dapat matuto tayong magbigay at magbahagi ng ating mga biyaya, katulad ng ginawa ng Panginoong Diyos sa atin. Kaya nga sabi ng simulang linya ng isang panalangin ni San Ignacio ng Loyola: “Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad.” Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y matuto tayong magsumikap, maging matapat, at maging bukas-palad para sa pagsasagana ng bunga ng prutas sa ubasan ng Diyos, ang Kaharian ng Langit.

Reply

Jhenny August 19, 2020 at 7:27 am

Maraming salamat po Mahal na Panginoon, Amen

Reply

Flor August 19, 2020 at 11:35 pm

Kay Buti Mo Panginoon Sa Aming Lahat, Sapagkat Pantay Pantay Ang Tingin Mo Sa Bawat Isa Sa amin, Kaya’t Pinupiri’t Sinasamba Ka Namin Panginoong Hesukristo. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: