Huwebes, Hulyo 2, 2020

July 2, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, palakasin at ibangon mo kami.

Ang Simbahan nawa’y palagiang isagawa ang mapagligtas na misyon ni Kristo sa pamamagitan ng pagpapatawad ng mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari na nagdiriwang ng Sakramento ng Pakikipag-kasundo nawa’y laging magpakita ng habag at pang-unawa sa lahat ng mga nagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y maging laging handang magpatawad ng ating kapwa sapagkat bahagi ito ng ating tungkulin sa pagsunod kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatagpo ng kasiyahan at pag-asa sa gitna ng kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namayapa nawa’y makasalo sa walang hanggang kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa kapatawaran na dulot ng iyong Anak sa amin. Kami nawa’y makapagpatawad sa mga nagkakasala sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 30, 2020 at 11:22 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ngayon ay tungkol kay Propeta Amos, na kilala bilang “propeta ng katarungang panlipunan”. Ito yung madalas ipunto ni Amos sa mga taga-Israel o ang Hilagang Kaharian dahil sa kanilang pag-aalipusta at pagyuyurak sa pagkatao at karapatan ng mga mahihirap at mababa ang kalooban sa kanilang lipunan. Natuntunan ni Amasias, isang pari ng Betel, ang pangangaral ng propeta, kaya nagsumbong siya kay Haring Jeroboam. At hinarap ng paring ito si Amos at tinawag pa nito bilang “bulaang propeta”. Kaya tumugon si Amos na patuloy siyang mangnagaral laban sa kasamaan ng Israel. Hindi siya titigil sa pagsasalita sapagkat alam niya na pumapanig siya sa Diyos na dumidinig sa hinaing ng mga inaapi at inaalipusta ng mga makamundong lipunan.

Ang Ebanghelyo ay isa na naman kilalang kababalaghan ng ating Panginoong Hesukristo. Makikita natin ang kanyang popularidad sa maraming nayon at bayan ng Israel. Nais niyang mangaral sa isang sambahayan sa Capernaum, ang kanyang ikalawang siyudad ng paninirahan, at di inaasahang mapupuno ang bahay na kanyang tinutuluyan kahit hanggang sa labas. At pumasok sa eksena ang apat na lalaking dinadala ang paralitiko sa isang higaan. Dahil hindi sila makapasok, ginawa nila ang lahat para idala ang kanilang kaibigan palapit kay Hesus, kahit gumawa ng butas sa bubong ng bahay. At dahil sa kanilang malaking pananampalataya, sinabi ni Kristo sa paralitiko na ang mga kasalanan nito ay napatawad na. Ngunit pinagbulungan siya ng mga Pariseo at eskriba sapagkat tingin nila na nilalapastangan niya ang Diyos, na pinaniniwalaan nilang tanging magpapatawad ng mga kasalanan. Subalit natuntunan ni Hesus ang kanilang pinag-iisip at hinamon sila kung sasabihin niya sa paralitiko na ang kasalanan nito ay napatawad na o kaya iutos sa taong ito na gumaling. Kaya pinatunayan ni Kristo na siya’y may awtoridad mula sa Diyos Ama na magpagaling hindi lang sa pisikal, kundi pati na rin sa espirituwal na paraan. At sa huli, namangha ang mga tao sa ginawa ng Panginoong Hesus na hindi katulad sa nakita nila noon na mga kababalaghan sa nakaraan. Mahalaga dito sa ating kwento ngayon ang pagkilala na Diyos na patuloy na humihilom sa bawat sugat na ating nararasanan, pisikal man ito o espirituwal. At ang pagtanggap ng kanyang pagpapagaling ay nangangahulugang idala rin natin ang ibang tao palapit sa kanya, katulad ng 4 na lalaki na nagdala ng kanilang kaibigang paralitiko nang ito’y pinaggaling ni Hesus.

Reply

Jerry July 2, 2020 at 11:54 pm

Salamat sa Diyos.Pinupuri ka namin Panginoong Hesucristo.Amen

Reply

MARY JANE MENDOZA July 3, 2020 at 7:17 am

Kapuri puri ang Panginoong Hesukristo. Walang hanngang papuri at pasasalamat sa Diyos. Naway mapagaling ang buong sanlibutan ng panginoong tagapagligtas.
Salamat sa kagalingan idinudulot mo sa amin at patawarin kami sa aming mga sala para lang pagpapatawad sa nagkasala sa amin. Amen.

Reply

Mark Jefferson Criste August 15, 2020 at 7:39 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: