Mga Pagbasa – Miyerkules, Mayo 6, 2020

May 6, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Hindi kailanman niloob ng Diyos na tayo ay mamatay. Nilalang niya tayo upang mabuhay, subalit pinili natin ang kamatayan. Muli tayong pinagkakalooban ng buhay ni Kristong ating Manunubos kaya lumapit tayo sa ating Ama sa pamamagitan niya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, lumakad nawa kami sa iyong liwanag.

Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y patuloy na magpahayag ng Mabuting Balita ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y tularan ang habag at kabutihan ni Jesus sa pangangalaga sa maging sa kanyang pinakaabang kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mamamayan ng mga mahihirap na bansa nawa’y maakit na lumapit kay Jesus na naging isang dukha para sa ating kapakanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may mabibigat ng pasanin sa buhay nawa’y makadama ng katangi-tanging pag-ibig at pangangalaga ng diyos sa kanila sa pamamagitan ng pagmamalasakit na nagmumula sa kanilang mga pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapang tapat sa Panginoon nawa’y itaas sa walang hanggang kaligayahan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, nasa iyong kamay ang aming buhay. Taglay ang pagtitiwala sa iyong mapagpalang pangangalaga, inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 6, 2020 at 12:08 am

Pagninilay: Ipinapakilala ni Hesus ang kanyang sarili bilang buhay na naparito upang tayo’y bigyan ng buhay na walang hanggan sa kabilang banda ng mundong ito. At upang ito’y mangyari, siya’y naparito sa sanlibutan upang sundin ang kalooban ng Ama sa pamamagitan ng kanyang pangangaral at kababalaghan. At sinabi niya na sinumang sumasampalataya sa kanya ay sumasampalataya rin sa Diyos Amang nagsugo sa kanya. At bilang katuparan ng ating pananampalataya ay inialay niya ang kanyang buhay sa Krus upang tayo’y mailigtas mula sa kasalanan. Subalit siya’y muling nabuhay upang tayo ay magkaroon ng bagong buhay at bagong pag-asa na sundin siya bilang ilaw ng sanlibutan. Bago siyang umakyat ng langit, nag-iwan siya sa atin ng misyon na dapat nating tudpin alang-alang sa Mabuting Balita. At sa kanyang pag-akyat sa kalangitan, ito’y isang tanda na ipaghahandaan niya tayo ng isang tahanan upang makapiling natin ang Diyos Ama. Kaya ang inaasahan niya sa atin na gawing makabuluhan ang ating buhay dito sa lupa upang makamtan natin ang kaligayan ng buhay na walang hanggan sa kalangitan. Subalit binalaan din niya tayo na magkakaroon ng hatol, at alam natin ito ang Huling Paghuhukom na magaganap sa katapusan ng mundo. Ngunit hindi ito bilang pananakot sa atin, kundi isang paalala na habang tayo’y nabubuhay, dapat manaig sa atin ang kabutihan at pagmamahal, alang-alang sa ginawa ni Kristo nang siya’y mamatay sa Krus at muling nabuhay mula sa libingan. Kaya itong ating pananampalataya sa Panginoon ay nawa’y maging matatag at mabunga sa pamamagitan ng mga mabubuting gawain tungo sa kapwa na naayon sa pamantayan ng ating Diyos Ama.

Reply

babylyn conti May 6, 2020 at 4:10 am

Nananatiling tapat ang Panginoon.
ANg pandemic na ating nararanasan ay panggising sa lahat ng Pilipino maging sa ibang mga bansa na magbalik sa tahanan kung saan naroroon ang pamilya. Maging kaisa tayo ng Panginoon sa
pananalangin kasma ng ating pamilya.
Panalangin ko na magtapos na ang pandemic na ito upang magpatuloy sa paglalakbay sa panibagong New Normal Life.
Pagpalain ang bumubuo ng Awit at Papuri. Salamat po sa inyo.

Reply

Edwin mahinay May 6, 2020 at 7:46 am

Kaisa niyo po kami sa panalangin

Reply

Rachel Dela Cruz May 6, 2020 at 6:45 pm

Pinupuri ka namin,Panginoong HesuKristo

Reply

Jerry May 6, 2020 at 9:11 pm

Salamat sa Diyos.Pinupuri ka namin Panginoong Hesucristo.Amen

Reply

Mark Jefferson Criste August 15, 2020 at 8:57 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: