Mga Pagbasa – Martes, Marso 17, 2020

March 17, 2020

PANALANGIN NG BAYAN

Manalangin tayo sa Diyos upang tayo, ang kanyang bayang nakararanas ng kanyang pagpapatawad, ay maghatid ng kagalakan ng pagkakasundo sa mundo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin mo kaming tagapaghatid ng iyong kapayapaan.

Ang Simbahang pinalaya ng Dugo ni Kristo nawa’y mamuhay sa pagkakasundo at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Simbahang Kristiyano nawa’y mapagsama sa ilalim ng nag-iisang ebanghelyo ng pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y matutong magpatawad at umunawa sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ating lahat nawang matutuhan ang habag ni Jesus upang tayo ay makapagpatawad sa isa’t isa mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng kapayapaan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit,
lagi mo nawa kaming palakasin ng iyong pag-ibig at habag, at tulungan kaming maghandog ng pagpapatawad sa iba. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon.
Amen.

Pages: 1 2

{ 2 comments… read them below or add one }

Flordeliza Crux March 17, 2020 at 5:36 am

Marami pong salamat sa paglalagay din ninyo ng:
Spiritual Communion
Oratio Imperata, at
Panalangin ng Santo Papa laban sa COVID 19.

Purihin ang Panginoon!
Mabuhay ang Awit at Papuri

Reply

Barbara Silvia L. Manalo March 17, 2020 at 10:23 am

Pinupuri at pinasasalamatan ka namin ,Poong Hesukristo. AMEN.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: