Podcast: Download (Duration: 8:13 — 9.9MB)
PANALANGIN NG BAYAN
May pananalig tayong kumakapit sa Ebanghelyo na naghihikayat sa ating itatag ang espiritwal na tahanan sa kalooban ng Diyos. Manalangin tayo ngayon sa Ama.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, patatagin mo kami sa iyong salita.
Ang mga pinuno at miyembro ng Simbahan nawa’y mamuhay sa espiritu ng Ebanghelyo at laging hanapin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng tapat at mababang-loob na paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga mag-asawa nawa’y matagpuan ang kaligayahan sa pamamagitan ng kanilang katapatan sa isa’t isa at sa mabuting halimbawa na kanilang ipinakikita sa kanilang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga kabataang lumalaki sa magulo at nakalilitong daigdig nawa’y makatagpo ng kahulugan sa kanilang mga buhay at matulungan silang malagpasan ang anumang kabiguan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit na nagdurusa sa masamang pangangatawanan nawa’y makaranas ng mapagmahal na kabutihan, mapagkalingan presensya, at mapagpagaling na kapayapaan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa mga taong nauna nang lumisan sa mundong ito nawa’y igawad ang walang hanggang kapahingahan at walang katapusang liwanag, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoong Diyos, ukitin mo ang iyong mga salita at mga utos sa aming mga puso at akayin mo kami sa daan ng pag-ibig at kapayapaan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Hunyo 24, 2026
Biyernes, Hunyo 26, 2026 »




{ 3 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ngayon ay tumutungo sa pagkadakip ng mga taga-Babilonia sa Jerusalem. Dahil si Haring Joaquin ng Judah ay hindi naging tapat sa Diyos, nilusob ng mga kawal ng Babilonia ang Jerusalem. Siya’y tinangay ng mga kawal ni Haring Nabucodnosor, kasama ang kanyang ina, asawa, at iba pang mga kasamahan niya sa pamamahala noon sa Juda. Dahil siya’y sumuko sa Hari ng Babilonia, may bagong pumalit sa kanya, ang kanyang pamangkin na si Sedequias. At makikita natin na dahil si Sedequias ay hindi rin kalugud-lugod sa Panginoon, mabibihag sa wakas ang buong Juda. At ang mga Hudyo ay ginawang alipin sa Babilonia. Subalit hindi nagtatapos ang kwento diyan, sapagkat ipinangako ng Diyos na ililigtas niya ang kanyang bayan. Muli niyang papanibago ang kanyang tipan na makilala ng tao na sila ang bayan ng Diyos, at ang Panginoon ang Diyos nila.
Ang Ebanghelyo ngayon ay isang pagtatapos sa mahabang Pangangaral ni Hesukristo sa Bundok. Dito tinatapos niya ang kanyang pangangaral sa paghihikayat sa kanyang mga tagakinig tungkol sa pagiging matapat sa Diyos. Hindi lahat ng tao na tumatawag at sumasampalataya sa Panginoon ay makakasiguradong papasok sila sa langit. Ang mahalaga dito yung pakikinig sa Salita ng Diyos, pagiging matapat sa dakilang kalooban, at paggawa ng kabutihan at katuwiran ayon sa pamantayan ng Diyos. Ang mga gumagawa nito ay katulad sa isang taong nagtatayo ng isang bahay sa ibabaw ng bato. Samantala ang mga nakikinig lang sa Salita ngunit hindi ito isinasabuhay ay katulad naman sa isang taong nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng buhangin. Sa totoong buhay, ito ang pagiging masagana ng ating buhay-pananamapalataya. Tayo ay tinatawag na magtayo ng matatag na pundasyon ng pananampalataya na kasingtigas ng isang bato. Magagawa natin ito kung tayo ay makikinig sa Salita ng Diyos at isasabuhay natin ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
MAGNILAY: Tuwing gagawa tayo ng mabuti at tumutupad ng salita ng Diyos lumalakas at tumitibay ang ating loob. Tumatatag ang pagkatao natin. Hindi tayo naitutumba agad-agad ng mga hamon at pagsubok ng buhay. Samantala, tuwing gagawa tayo ng mali at sumusuway sa kalooban ng Diyos rumurupok ang ating kalooban. Sa harap ng bagyo ng buhay agad tayong bumabagsak. Humihina ang pundasyon natin. Ang salita ng Diyos ay may kaloob na katatagan sa bawat nakikinig at tumutupad nito. Ito ay lakas at sandigan natin.
MANALANGIN: Panginoon, patibayin nawa kami ng pagtupad namin ng iyong mga salita.
GAWIN: Isalin sa gawa ang bawat salita ng Diyos na napakinggan mo.
PAGNINILAY
Walang kapangyarihan na tila may lakas upang labanan ang tsunami at lindol. Iniiwan nila ang lahat sa kanilang landas na nawasak, nagiba at naluray. Ganito ang mangyayari sa atin kung ang ibibigay natin sa Panginoon ay serbisyo lang mula sa labi. Totoo kung minsan ay ipinapahayag natin ang ating pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga labi ngunit sa katunayan ay mayroon tayong iba pang mga bagay na tinatawag na ating mga diyos. Ang tanda ng ating tunay na pagmamahal at pangako sa Panginoon ay nasusubok sa pamamagitan ng ating kahandaang makinig sa Kanyang mga salita at kumilos at mamuhay ayon sa mga ito. Kung magkagayon, ano pa man ay mananatili tayong matatag dahil ginawa nating pundasyon ng ating buhay ang Panginoon at ang Kanyang salita. Walang sakuna ang maaaring magdulot sa atin ng anumang pinsala.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming palakasin ang mahihinang lugar sa aming espirituwal na bahay.? Amen.
***