Podcast: Download (Duration: 8:04 — 5.8MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Ipinahayag ni Kristong ating Panginoon ang kanyang mapagligtas na Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang mapagpakasakit na Lingkod, ilahad natin sa Amang mahabagin ang ating mga panalangin.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin mo kaming mga tunay na lingkod, O Panginoon
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging tunay na mga lingkod na kumikilos na mayroong malasakit na tulad nang ipinakita ni Kristo sa kanyang mga tagasunod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng mga gobyerno, nawa’y gamitin nila ang kanilang katungkulan para sa kabutihan ng kanilang pinamamahalaan at iwasan ang away at kawalang-tiwala, manalangin tayo sa Panginoon.
Ating lahat nawang mapagtanto na ang tagumpay sa mata ng Diyos ay hindi nasusukat sa mga panuntunan ng mundo kundi sa paggalang na ibinibigay natin sa ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y kanilang maunawaan na nagiging isang dakilang biyaya ang paghihirap nila kapag iniugnay sa paghihirap ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Makalangit na Ama, tulungan mo kaming maglingkod sa bawat isa katulad ng iyong Anak na ibinigay ang kanyang buhay para sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Mayo 26, 2026
Huwebes, Mayo 28, 2026 »




{ 8 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay isang paalala ni San Pedro na ang tumubos sa atin ay hindi anumang materyal na bagay, kundi ang buhay na Salita ng Diyos na si Hesus, na nangusap at nagpahayag ng kaligtasan ng Diyos. At ang pahayag na ito ay ang atas ng pagkakaibigan at pagmamahalan, na dala sa ating mga puso ang diwa ng pagiging mga Kristiyano. At ito ang ating panghahawakan hanggang sa makamit natin ang kaningningan ng kaluwalhatian sa langit, na gabayan tayo ng buhay na Salita upang mas maitatag pa natin ang pakikipagrelasyon natin sa kapwa.
Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paghiling ng magkapatid at mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan kung pwde silang makaupo sa kanan at kaliwa ni Kristo kapag siya’y iluluwalhati na. N’ung tinanong sila ni Hesus kung iinom sila mula sa kalis ng paghihirap at mabibinyag ba sila ng binyag na kanyang ginampanan, ang tugon nila ay isang Oo. Kaya nakita ni Hesus ang kanilang kakayahang gawin ang dalawang bagay na iyon, subalit ang kanilang hinihiling ay hindi basta-basta lang ibibigay sa kanila, kundi para sa mga taong inihanda ang mga pwestong iyon. At nang marinig ng ibang Sampung Apostol, sila’y nagalit sa dalawang magkapatid. Kaya tinipon silang lahat ni Hesus at sinabi na ang mga matataas na pinuno ng mundo ay nagpapamalas ng kanilang awtoridad, ngunit hindi ito ang pamantayan ni Hesus. Kaya sinabi niya sa kanyang mga Apostol na ang sinumang nagnanais na maging una ay magiging huli, at ang sinumang nagnanais na maging dakila ay dapat maging lingkod. At bilang isang huwaran, si Hesus na Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi maglingkod, at ialay ang buhay upang mailigtas ang lahat.
Ang bawat karanasan ng tao ngayon ay may dahilan kung bakit nangyayari iyon. At ang mahalaga rito ay sa kabila ng matinding paghihirap, patuloy tayong magtiwala sa Diyos dahil siya ang ating makakapitan. At habang ginawa natin iyon, tayo ay maging mabuting tao sa ibang tao, lalung-lalo na kapag tayo ay inaatasang mamuno sa isang grupo, tayo nawa ay magpakumbaba at maglingkod bilang ating pagmamahal sa kanila.
PAGNINILAY
Sa mundong kadalasang pinahahalagahan ang kapangyarihan, katayuan, at kayamanan, tinatawag tayo ni Hesus na unahin ang paglilingkod sa iba at unahin ang kanilang mga pangangailangan kaysa sa atin. Sinasabi Niya sa atin na ang sinumang gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ng lahat, kung paanong Siya ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod. Ito ay maaaring sumasalamin sa atin sa personal na antas. Maaaring madalas tayong nahihirapan sa pagnanais na makilala at magtagumpay. Maaaring hinabol natin ang mga titulo at parangal, iniisip na ito ay maghahatid sa atin ng kaligayahan at kasiyahan.
Habang pinagninilayan natin ang mga salita ni Hesus, naisip natin na ang tunay na kadakilaan ay hindi nakasalalay sa paghahanap ng kaluwalhatian para sa sarili, kundi sa mapagpakumbabang paglilingkod sa iba. Maaari tayong gumawa ng tunay na pagsisikap na ilipat ang ating pagtuon mula sa ating sariling mga ambisyon patungo sa mga pangangailangan ng mga nakapaligid sa atin. Maaari tayong magboluntaryo sa mga lokal na kawanggawa, tumulong sa mga kaibigang nangangailangan, at subukang maging isang nakikinig sa mga dumaranas ng mahihirap na panahon. Sa paggawa nito, nakakatagpo tayo ng isang layunin na may kahulugan at katuparan na hindi natin naranasan noong tayo ay nakatuon lamang sa ating sariling mga hangarin. Ang piliin na maglingkod tulad ng ginawa ni Hesus, tatanggap tayo ng higit pa sa ibinibigay natin. Nawa’y magkaroon ang ating mga puso ng pagnanais na maglingkod sa iba ng may pagpapakumbaba at pagmamahal.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming maging isang lingkod na tulad Mo. Amen.
***
Sa Dios Lahat Ang Kapurihan Sa Ngalan Ni Hesukristo…Amen!
PAGNINILAY:
Marcos 10, 32-45
Ang Mabuting Balita ngayon mula sa Gospel of Mark 10:32-45 ay isa sa pinakamalalim na paanyaya ni Hesus tungkol sa tunay na kahulugan ng kadakilaan, paglilingkod, at pag-aalay ng sarili.
“Ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod.”— Marcos 10:45
Habang paakyat si Hesus sa Jerusalem, alam Niya ang naghihintay sa Kanya: pagtataksil, pagdurusa, kahihiyan, at kamatayan. Nauuna Siya sa paglalakad. Ang mga alagad ay natatakot, ngunit si Hesus ay matatag. Ito ang larawan ng isang tunay na pastol — handang maunang humarap sa krus alang-alang sa kanyang mga tupa.
Sa gitna ng seryosong pahayag ni Hesus tungkol sa Kanyang paghihirap, kapansin-pansin na hindi pa rin lubos na nauunawaan nina Santiago at Juan ang misyon Niya. Humiling sila ng karangalan: maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus sa Kanyang kaharian. Para bang iniisip pa rin nila ang makamundong tagumpay at kapangyarihan.
Ngunit dito ipinakita ni Hesus ang napakalaking kaibahan ng kaharian ng Diyos sa kaharian ng mundo.
Sa mundo:
ang dakila ay pinaglilingkuran,
ang makapangyarihan ay sinusunod,
ang mataas ay pinupuri.
Ngunit sa kaharian ng Diyos:
ang dakila ay marunong yumuko,
ang pinuno ay handang magsakripisyo,
ang tunay na mataas ay marunong magmahal nang walang hinihintay na kapalit.
Hindi ipinagbawal ni Hesus ang pagnanais na maging dakila. Ngunit itinuwid Niya kung paano ito makakamtan:
“Ang sinumang ibig maging dakila ay dapat maging lingkod.”
Napakaganda ng aral na ito lalo na sa mga naglilingkod sa Simbahan. Bilang mga ministers, readers, catechists, PPC members, EMHC, o formators, minsan may tukso rin ng paghahanap ng pagkilala, posisyon, o paghanga. Ngunit malinaw ang paalala ni Hesus:
ang tunay na paglilingkod ay hindi tungkol sa titulo kundi tungkol sa pag-aalay ng sarili.
Ang krus ang naging trono ni Kristo.
Ang korona Niya ay tinik.
Ang Kanyang tagumpay ay bunga ng pag-ibig na handang mamatay para sa marami.
Kaya ang tanong ng Ebanghelyo sa atin ngayon: Handa ba tayong maglingkod kahit walang kapalit? Handa ba tayong magmahal kahit hindi napapansin? Handa ba tayong maging mababa alang-alang sa Diyos?
Sapagkat sa mata ng Diyos, ang pinakamataas ay yaong pinakamapagpakumbaba.
Pagsasabuhay:
Ngayong araw, gumawa tayo ng tahimik at simpleng paglilingkod nang walang hinihintay na papuri o pagkilala. Sapagkat ang paglilingkod na may kababaang-loob ay dakila sa harapan ng Diyos.
“Ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod.”
Ito rin ang diwa ng buhay ni Saint Augustine of Canterbury — ang santong ginugunita natin sa araw na ito isang lingkod-misyonero na buong pusong nag-alay ng sarili upang maipalaganap ang Mabuting Balita.
Si San Agustin ng Kanterberi ay isang mongheng Benedictino na isinugo ni Pope Gregory I noong ika-6 na siglo upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa England, lalo na sa mga Anglo-Saxons.
Dumating siya sa England noong taong 597 AD kasama ang ilang monghe bilang misyonero. Noong panahong iyon, marami pa sa mga tao roon ay pagano o hindi Kristiyano.
Sa tulong ng hari ng Kent na si Haring Ethelbert ng Kent, matagumpay niyang naipangaral ang Ebanghelyo. Maraming tao ang nabinyagan, kabilang ang hari mismo. Kalaunan, siya ang naging unang Arsobispo ng Canterbury.
Ambag niya sa Simbahan
1. Pinalaganap niya ang Kristiyanismo sa England.
Malaki ang naging papel niya sa pagbabalik at pagpapalalim ng pananampalatayang Kristiyano sa England.
2. Itinatag niya ang Simbahan sa Canterbury.
Ang Canterbury ay naging sentro ng Simbahan sa England at nananatiling mahalagang sentro ng Kristiyanismo hanggang ngayon.
3. Nagbigay siya ng halimbawa ng misyon at pagtitiis.
Hindi naging madali ang kanyang misyon dahil sa kultura, wika, at panganib noon. Ngunit nagtiwala siya sa Diyos at nagpatuloy sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita.
4. Larawan siya ng mapagkumbabang lingkod
Ang kanyang buhay ay magandang halimbawa ng Ebanghelyo ngayon:
ang tunay na kadakilaan ay nasa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.
Panalangin:
Panginoong Hesus, turuan Mo kaming maging tunay na lingkod tulad Mo. Alisin Mo sa aming puso ang pagmamataas at paghahangad ng papuri. Bigyan Mo kami ng pusong mapagkumbaba at handang maglingkod nang may pag-ibig. Sa pamamagitan ng panalangin ni San Agustin ng Kanterberi, patatagin Mo kami sa aming misyon bilang Iyong mga alagad. Amen.
To God be the highest glory now and forever.
Sa Ebanghelyo, habang si Hesus ay papunta sa Jerusalem at malinaw na sinasabi ang Kanyang daraanan, paghihirap, pagtanggi, at kamatayan, iba naman ang nasa isip nina Santiago at Juan. Nakikita na nila ang “success.” Ang maupo sa kaliwa at kanan ni Hesus kapag naghari na siya. Parang nakita na nila ang end goal, pero hindi nila naunawaan ang proseso. Kaya sinabi ni Hesus, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi.” Ipinakita Niya na ang Kanyang landas ay hindi biglaang tagumpay, kundi hakbang-hakbang na pag-aalay ng sarili hanggang sa krus. At doon Niya binago ang kahulugan ng success. Ang maging dakila ay maging lingkod. Hindi shortcut ang daan, kundi serbisyo. Hindi agad-agad ang kaluwalhatian, kundi dadaan sa sakripisyo.
Mga kapanalig, baka minsan ganito rin tayo. Gusto natin ang bunga, pero ayaw natin ng proseso. Gusto natin ng tagumpay, pero umiiwas tayo sa mga hakbang ng paglilingkod, pagtitiis, at pag-aalay. Inaanyayahan tayo ni Hesus na yakapin ang hakbang na tunay na tagumpay. Ang araw-araw na pagmamahal kahit hindi nakikita o napapansin.
Panginoong Hesus, kapag minamadali namin ang tagumpay, turuan Mo kaming magtiwala sa Iyong proseso. Bigyan Mo kami ng lakas na tahakin ang bawat hakbang ng paglilingkod. Nawa’y matutunan naming ang tunay na success ay ang maging tulad Mo, mapagkumbaba, mapagbigay, at tapat hanggang wakas.
Salamat sa Diyos!
Sa unang pagbasa, ipinapahayag ng apostol ng mga gentil na si Pablo na ang mga gentil ay naligtas sa dugo o buhay na inialay ni Jesus, ang kordero ng Dios. Sa pamamagitan pakikinig ng salita ng Panginoon na mamamalagi kailanman ay nanalig ang mga gentil sa Mabuting Balitang ipinangaral. Malinis na ang mga Gentil dahil sa pagsunod o pananalig sa katotohanan ito.
“Mga pinakamamahal, alam ninyo kung ano ang itinubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang itinubos sa inyo’y di mga bagay na nasisira o nauubos, paris ng ginto o pilak, kundi ang buhay ni Kristong inihain sa krus. Siya ang Korderong walang batik at kapintasan. Itinalaga na siya ng Diyos sa gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at alang-alang sa inyo, ipinahayag siya bago sumapit ang katapusan ng mga panahon. Dahil sa kanya, nanalig kayo sa Diyos na sa kanya’y muling bumuhay at nagparangal, anupat ang inyong pananampalataya at pag-asa ay nasa Diyos.Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, anupat naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa’y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan. Sapagkat muli kayong isinilang, hindi sa pamamagitan ng tao kundi sa bisa ng buhay at walang kamatayang salita ng Diyos. Ayon sa Kasulatan,
“Ang lahat ng tao ay gaya ng damo,
Gaya ng bulaklak nito ang lahat niyang kariktan.
Ang damo ay natutuyo, at nalalanta ang bulaklak,
Ngunit ang salita ng Panginoon ay mamamalagi kailanman.”
At ito ang Mabuting Balitang ipinangaral sa inyo.”
Sa gospel reading, ipinapahayag ni Jesus na ang paraan ng pagliligtas niya sa espiritu ng tao ay sa pamamagitan lamang ng pagpapakababa o paghubad ang kanyang pagka-Dios (Filipos 2:6-8 ).Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami. Kaya ang sinumang mag-ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.
“Noong panahong iyon, nasa daan ang mga alagad patungong Jerusalem. Nauuna sa kanila si Hesus; nangangamba ang mga alagad at natatakot naman ang mga taong sumusunod sa kanya. Ibinukod ni Hesus ang Labindalawa at sinabi ang mangyayari sa kanya. Wika niya, “Ngayo’y paahon tayo sa Jerusalem. Ang Anak ng Tao’y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba. Kanilang hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya’y tutuyain nila, luluran, hahagupitin, at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkaraan ng tatlong araw.”Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedro, at ang sabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.” “Ano yon?” tanong ni Jesus. Sumagot sila, “Sana’y makaupo kami katabi ninyo sa inyong kaharian – isa sa kanan at isa sa kaliwa.” “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Hesus sa kanila. “Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko? Pabibinyag ba kayo sa sa binyag na daranasin ko?” “Opo,” tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ang hirap na babatahin ko’y babatahin nga ninyo, at kayo’y bibinyagan sa binyag na daranasin ko. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan.”Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya’t pinalapit sila ni Hesus at sinabi, “Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ay siyang pinapanginoon, at ang mga dinadakila ay siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo ang ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat. Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”
Kumusta naman tayo. Nalinis at naligtas ba tayo sa pagsunod sa katotohan na ang dugo ni Jesus ang kaligtasan natin? Nagpakumbaba rin ba tayo tulad ni Jesus upang mailigtas din ang ibang tao?
Nothing can beat a humble life.
Matutong magpakumbaba gaya ni Kristo.
Naisin na unahing maglingkod sa iba dyan tayo tunay na magiging marangal at dakila di lang sa buhay na ito kundi sa susunod na buhay sa kaharian ng Diyos sa kalangitan.
Put God in center of our life.
Balanse ang buhay. Mas ligtas derecho ang buhay.
Tunay na pagbabago nag uumpisa sa loob palabas.
Manatili at kumapit hayaan ang panginoon ay pumasok sa ating puso at gamitin tayo na mgalingkod sa iba.
Sa pagpapala ng buhay at marangal sa susunod na bbuhay.
Amen
-Father Jowel Gatus
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good.
Blessed2026
Thank You, Lord for a new day. Praying for a healing heart, peace, and strength. Amen #PeaceInMiddleEast #GvWednesday