Podcast: Download (Duration: 5:49 — 4.2MB)
Paggunita kina Dakilang San Basilio
at San Gregorio Nasianseno,
mga Obispo at Pantas ng Simbahan
1 Juan 2, 22-28
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4
Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.
Juan 1, 19-28
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Memorial of Saints Basil the Great and Gregory Nazianzen, Bishops and Doctors of the Church (White)
UNANG PAGBASA
1 Juan 2, 22-28
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan
Minamahal kong mga kapatid, sino ang sinungaling? Hindi ba ang tumatangging si Hesus ang Kristo? Ito nga ang anti-Kristo: ang ayaw kumilala sa Ama at sa Anak. Ang di kumikilala sa Anak ay di rin kumikilala sa Ama. Kapag tinanggap ninuman ang Anak, pati ang Ama’y sasakanya.
Pakaingatan ninyo sa inyong puso ang narinig ninyo sa simula pa. Kung gawin ninyo ito, mananatili kayo sa Anak at sa Ama. At ito ang ipinangako sa atin ni Kristo: buhay na walang haggan.
Ang isinulat ko sa inyo ay ang tungkol sa mga nagnanasang magligaw sa inyo. Ang Espiritu’y ipinagkaloob na ni Kristo sa inyo. At habang siya’y nananatili sa inyo, hindi na kailangang turuan kayo ninuman. Ang Espiritu ang nagtuturo sa inyo sa lahat ng bagay, at totoo ang itinuturo niya – hindi kasinungalingan. At tulad ng itinuro ng Espiritu, manatili kayo kay Kristo.
Kaya nga, mga anak, manatili kayo sa kanya upang maging panatag ang ating loob sa muling pagparito niya at hindi tayo mahiya sa kanya sa araw na yaon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4
Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.
Umawit ng bagong awit at sa Poon ay ialay,
pagkat yaong ginawa n’ya ay kahanga-hangang tunay!
Sa sariling lakas niya at taglay na kabanalan,
walang hirap na natamo yaong hangad na tagumpay.
Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.
Ang tagumpay niyang ito’y siya na rin ang naghayag,
sa harap ng mga bansa’y nahayag ang pagliligtas.
Ang pangako sa Israel lubos niyang tinutupad.
Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.
Tapat siya sa kanila at ang pag-ibig ay wagas
Ang tagumpay ng ating Diyos kahit saan ay namalas!
Magkaingay na may galak, yaong lahat sa daigdig;
ang Poon ay buong galak na purihin sa pag-awit!
Kahit saa’y namamalas,
tagumpay ng Nagliligtas.
ALELUYA
Hebreo 1, 1-2
Aleluya! Aleluya!
N’ong dati’y mga propeta
ngayon nama’y Anak niya
ang sugo ng D’yos na Ama.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Juan 1, 19-28
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Nang suguin ng mga Judio sa Jerusalem ang ilang saserdote at Levita upang itanong kung sino siya, sinabi ni Juan ang katotohanan. Sinabi niyang hindi siya ang Mesias. “Kung gayo’y sino ka?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?” “Hindi po,” tugon niya. “Ikaw ba ang Propetang hinihintay namin?” Sumagot siya, “Hindi po.” “Sino ka kung gayun?” Tanong nila uli. “Sabihin mo sa amin para masabi namin sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” Sumagot si Juan, “Ako ‘Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!’” Ang Propeta Isaias ang maysabi nito. Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. Muli nilang tinanong si Juan, “Bakit ka nagbibinyag, hindi pala naman ikaw ang Mesias, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sumagot siya, “Ako’y nagbibinyag sa tubig, ngunit nasa gitna ninyo ang isang hindi ninyo nakikilala. Siya ang susunod sa akin, subalit hindi ako karapat-dapat magkalag man lamang ng tali ng kanyang panyapak.” Ito’y nangyari sa Betania, sa ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Huwebes, Enero 1, 2026
Sabado, Enero 3, 2026 »




{ 7 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Tayo ay nasa ikalawang araw ng taong 2020, at kakasimula lang po ng Bagong Taon. Patuloy tayong nagninilay sa kadakilaan ng Diyos ngayong Kapaskuhan. Ating inaalala ang kanyang pagbaba mula sa langit sa anyo ng isang Sanggol upang ang ating abang antas ay kanyang itataas na tayo’y marapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama. Binababala tayo ni San Juan Apostol sa Unang Pagbasa na mag-ingat sa mga taong magliligaw sa atin patungo sa maling landas. May mga bagay na nakakapagpaakit sa atin na sumunod tayo, subalit ito pala ay isang balak upang tayo’y magkasala. Kaya nga hinikayat tayo ni San Juan na manatili tayo sa Panginoon at maging matapat sa kanyang kalooban upang makaharap tayo sa kanya kapag dumating na ang Huling Paghuhukom. Ang Ebanghelyo ngayon ay nagpapakita sa kababaang-loob ni San Juan Bautista. Nang siya’y itinanong kung siya ba ay si Elias o ang propeta, o higit sa lahat ang Mesiyas, matuwid ang kanyang pagtanggi sa kanila. At ipinahayag rin niya nang may kababaang-loob na may isang taong darating na higit pa sa kanya, at hindi siya karapat-dapat ikalas ang mga sandalyas nito. Kaya ito ang tanda ng kanyang pagbibinyag gamit ang tubig para sa pagpapatawad ng kasalanan dahil alam ni Juan na si Hesus ay mas dakila kaisa sa kanya. Siguro naitatanong natin kung bakit si San Juan Bautista ay naririnig ngayong Pasko ng Pasilang, kung siya’y madalas marinig tuwing Adbiyento? Alam po natin na si San Juan Bautista ay ang tagapaghanda ng daan para sa Panginoon. Kaya itinuturo niya sa atin ang kababang-loob na tanggapin natin ang kaligtasan ng Diyos at ipadama natin sa iba’t ibang sitwasyon sa buhay. Kaya nga ito ang dahilan kung bakit ipinagdiriwang natin ang Pagsilang ng Mesiyas dahil sa kababang-loob ni Hesus bagamat siya ay Diyos na makapiling sa atin nang hindi kailanma’y nagkasala, upang tayo ay maging karapat-dapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama. Nawa sa ating pagsisimula ng Bagong Taon ay mapanibago ang ating buhay na tayong lahat ay maging magpakumbaba at gawin ang tama at mabuti para sa ikabubuti ng tao at ikalulugod ng Diyos.
PAGNINILAY
Ang kakayahan nating mag-isip ay isang regalo mula sa Diyos. Ito ay nagbibigay-daan sa atin upang mailarawan kung sino ang gusto nating maging at kung paano natin nais na tapusin: “When you wish upon a star…makes no difference who you are…” Upang itama ang ating mga karanasan at ang mga magkasalungat na personalidad na pinaka hinahangaan natin. Sino ang higit na hinahangaan natin? Ang sagot dapat ay si Hesus, ang kagalakan ng hangad ng tao. Nawa’y maging handa tayong ituwid ang landas patungo kay Kristo, upang maging isang walang takot na saksi tulad ni Juan. Nawa’y sagutin natin ang mga mapaghamong tanong at tumugon sa poot ng may kalinawan at lakas ng loob. Ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay sa pamamagitan ng pagsunod sa bituin na patungo sa Kanya, Hesus ang Mesiyas.
Panginoon, tulungan Mo kaming maging mulat sa Iyong presensya sa lahat ng aming nakakaharap. Nawa’y magbigay kami ng katibayan sa Iyo sa aming buhay. Amen.
***
Pagninilay ni Jess C. Gregorio sa Mabuting Balita:
Wala tayong alam sa Kaharian ng Diyos kung hindi ang naituro mismo ng Espiritu niya na nasa atin. Bagama’t alam natin ang kuwento ng pinagdaanan ng bayan ng Diyos, mga sinabi ng kanyang mga propeta, at ginawi ng mga kinalulugdang tao, wala tayong karunungan para maintindihan mga iyan, o makilala man lang Siya sa mga nangyayari sa ating mga paligid. Hinahabi ng mga demonyo ang mga kuwentong isinisiwalat at pinaniniwalaan ng mga taong wala sa Espiritu. Mga pawang kasinungalingan na pinang uuto ng mga mahina at makasalanan. Kung hindi na nila mapabulaanan ang mga kababalaghang gawa ng Diyos sa kabayanan, ay tahasang sinasabi na gawa ng demonyo ang lahat ng iyan. Tatanungin kuno kung saan galing ang kapangyarihan? Sino ang nagbigay ng autoridad? Kung iyong sasabihin ang Diyos Ama at Anak sa Espiritung nananahan, sila ay magbibingi-bingihan. Magbubulag-bulagan. At sasabihing sa ating walang iba kundi sa kampon ng kadiliman. At yuyurakan, pagbabalaan, tatakutin ang mga Kristiyanong nagpatianod sa galaw at lakas ng Espiritung Mahal. Na ang pakay ay pahinain muli ang naibigay na kapangyarihan. Tunay nga na maraming saserdote at levita sa paligid nuon at magpa hanggang ngayon. Buti na lang may San Juan Bautista nuon. Pero sino tayo ngayon?
*Pagninilay:*
Ang Mabuting Balita ay nagtuturo sa atin tungkol sa pagdating ng Mesiyas na nagdadala ng kaligtasan at liwanag. Si Juan Bautista ay isang propeta na nagbabala sa mga tao tungkol sa pagdating ng Mesiyas at nagtuturo sa kanila na maghanda para sa kanya.
Ang mga tao ay nagtatanong kay Juan kung sino siya, at siya ay sumagot na siya ay ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang na nagsasabi na “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!” Siya ay nagbabala sa mga tao na ang Mesiyas ay darating na at sila ay dapat maghanda.
*Religious Quotes:*
1. “Ang Mesiyas ay darating na nagdadala ng kaligtasan at liwanag.” – Isaias 9:2
2. “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!” – Isaias 40:3
*Bible Verse:*
– “Ang Mesiyas ay darating na nagdadala ng kaligtasan at liwanag.” – Isaias 9:2
– “Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!” – Isaias 40:3
*Aral:*
– Ang Mesiyas ay darating na nagdadala ng kaligtasan at liwanag.
– Dapat nating maghanda para sa pagdating ng Mesiyas.
*Dasal:*
Panginoon, tulungan mo kaming maghanda para sa pagdating ng Mesiyas. Bigyan mo kami ng liwanag at gabay upang tayo ay makapaghanda para sa kanya. Amen.
PAGNINILAY:
“Manatili”
Sa pagpapatuloy ng Panahon ng Pasko, inilalayo tayo ng Simbahan sa mababaw na pagdiriwang at inaakay sa mas malalim na pagkilala kay Kristo. Hindi lamang Siya ang Sanggol sa sabsaban, kundi ang Anak ng Diyos na pumarito sa katahimikan at kababaang-loob. Sa Ikalawang Linggo ng Pasko, ipinapakita sa atin ng mga Pagbasa na ang tunay na pagkilala kay Hesus ay hindi bunga ng ingay o pansariling pagpapakita, kundi ng pusong marunong magpakumbaba at manatili sa katotohanan.
Sa Unang Pagbasa, binabalaan tayo ni San Juan laban sa pandaraya at sa pagtanggi kay Kristo. Ang kababaang-loob ay ipinapakita sa pananatili—pananatili sa aral na ating tinanggap “mula sa simula.”
Theologically, ito ang Christological fidelity: ang paninindigang si Hesus ang Kristo, ang Anak na nagbubunyag ng Ama. Ang mapagpakumbabang puso ay hindi nag-aangking higit na marunong kaysa sa ipinahayag ng Diyos; sa halip, ito’y nagpapahintulot sa Espiritu na magturo at humubog sa konsensya. Ang kayabangan ang ugat ng pagkaligaw; ang kababaang-loob ang daan ng katapatan.
Sa Salmo, ipinahahayag na “kahit saan ay namamalas ang tagumpay ng Nagliligtas.” Hindi ito tagumpay na ipinagmamalaki ng tao, kundi gawa ng Diyos na tapat sa Kanyang pangako. Ang mapagpakumbabang pananampalataya ay marunong magpuri—inaangkin na ang kaligtasan ay kaloob, hindi tropeo.
Sa Mabuting Balita, tinuturuan tayo na si San Juan Bautista ang huwaran ng kababaang-loob. Tatlong beses siyang tinanong kung sino siya—at tatlong beses din niyang itinanggi ang anumang titulong maglalagay sa kanya sa sentro. “Ako ang tinig,” sabi niya—hindi ang Salita. Theologically, malinaw ang distinction between the witness and the Word: ang saksi ay naglalaho upang ang Kristo ang mahayag. Ang tunay na kabanalan ay hindi nagpapakilala ng sarili, kundi nagtuturo patungo kay Hesus. Ang kababaang-loob ay ang lakas ng pusong marunong umatras upang ang Diyos ang umusad.
Pagsasabuhay
-Suriin ang ating sarili: may mga sandali bang hinahanap natin ang pagkilala kaysa katotohanan?
-Sa paglilingkod, matutunan nating sabihing: “Hindi ako ang sentro; si Kristo.”
-Manatili sa aral na tinanggap—sa Salita, sa Simbahan, at sa paggabay ng Espiritu Santo.
Word of the Day
“Manatili”
Ang kababaang-loob ay ang tapat na pananatili kay Kristo, hindi ang pag-angat ng sarili.
Panalangin
Panginoong Hesus,
turuan Mo kaming magpakumbaba tulad ni San Juan Bautista—
na maging tinig lamang na nagtatanghal sa Iyo,
at hindi salitang naghahanap ng papuri.
Panatilihin Mo kami sa katotohanang tinanggap namin mula sa simula,
at hayaan Mong ang Iyong Espiritu ang humubog sa aming puso.
Sa Panahon ng Pasko, tulungan Mo kaming magliwanag
hindi sa sarili naming dangal,
kundi sa kababaang-loob na nagpapahayag sa Iyo
bilang aming Panginoon at Tagapagligtas.
Amen.
Humility medicine of relationships in life.
Stay low and we will be bless.
What God will give you nobody can get it away from you.
When brings you up nobody can take you down.
You can never destroy a person bless by God.
Piliin mag pakumbaba sa tulong ng Diyos ay bubuti ang ating buhay.
Pagpapala ay nasa baba.
Pagpapakumbaba ni San Juan.
Huwag magpanggap para lang ikaw ay matanggap.
Humility is the way for other people to respect, admire and love us.
All sins are rooted by pride.
Padre Pio “Humility is recognizing we cannot nothing without that God but we can do everything with His grace.”
Amen
God is good sobra sobra
Sobra sobra God is good
Thank you, Lord
#GvFriday
Blessed 2026
PAGNINILAY
“Sino nga ba ang sinungaling? Hindi ba’t siya na nagsasabing si Jesus ay hindi ang Cristo? Ang mga nagsasabi nito ay kaaway ni Cristo; hindi nila pinaniniwalaan ang Ama at ang Anak. Ang hindi kumikilala sa Anak ay hindi rin kumikilala sa Ama. Ang kumikilala sa Anak ay kumikilala rin sa Ama.”…
Ang hindi nakakakilala o maniwala na si Jesus ay Cristo ay “anti-christ” o kaaway ng Dios.
Cristo “means” pinahiran upang ganapin ang pagiging:
1 Propeta (Mangangaral),
2. Kordero ng Dios (Alay para sa ating kaligtasan),
3. Mataas na pari (Tagapag-alay ng kanyang dugo) at
4. Hari (sa kanyang pagbabalik).