Podcast: Download (Duration: 5:13 — 3.8MB)
Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos
Bilang 6, 22-27
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8
Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
Galacia 4, 4-7
Lucas 2, 16-21
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Solemnity of Mary, the Holy Mother of God (White)
World Day of Prayer for Peace
UNANG PAGBASA
Bilang 6, 22-27
Pagbasa mula sa aklat ng mga Bilang
Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ito ang sasabihin nila sa pagbebendisyon nila sa mga Israelita:
Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon;
nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan;
lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.
Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbebendisyon sa mga Israelita at pagpapalain ko ang mga ito.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8
Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan,
kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.
Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,
pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.
Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
Purihin ka nawa ng lahat ng tao,
purihin ka nila sa lahat ng dako.
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.
Kami’y iyong kaawaan,
pagpalain, Poong mahal.
IKALAWANG PAGBASA
Galacia 4, 4-7
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia
Mga kapatid:
Noong dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayun, tayo’y mabibilang na mga anak ng Diyos.
Upang ipakilalang kayo’y mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya tayo ng Espiritu ng kanyang Anak nang tayo’y makatawag sa kanya ng “Ama! Ama ko!” Kaya’t hindi ka na alipin kundi anak. Sapagkat anak, ikaw ay tagapagmana ayon sa kalooban ng Diyos.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Hebreo 1, 1-2
Aleluya! Aleluya!
N’ong dati’y mga propeta
ngayon nama’y Anak niya
ang sugo ng D’yos na Ama,
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 2, 16-21
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon: Nagmamadali ang mga pastol na lumakad patungong Betlehem at nakita nila sina Maria at Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Kaya’t isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel tungkol sa sanggol na ito; at nagtaka ang lahat ng nakarinig sa sinabi ng mga pastol. Natanim sa isip ni Maria ang mga bagay na ito at kanyang pinagbulay-bulay. Umalis ang mga pastol na nagpupuri sa Diyos at nagpapahayag ng kanyang kadakilaan dahil sa lahat ng narinig nila at nakita na ayon sa ibinalita sa kanila ng anghel.
Pagdating ng ikawalong araw ay tinuli ang bata at pinangalanang Hesus – ang pangalang ibinigay ng anghel bago pa siya ipinaglihi.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Miyerkules, Disyembre 31, 2025
Biyernes, Enero 2, 2026 »




{ 8 comments… read them below or add one }
Maligaya at Malusong na bagong taon sa ating lahat. Sa araw na ito tayo ay nagdiriwang Ng 3 in 1. Hindi po ito Kape o pagkaing instant. Tayo po ay nagdiriwang Ng tatlong mahalagang bagay sa ating Buhay bilang mga Katoliko. Una, Pagiging Ina ni Maria; Ikalawa ikalawang Araw Ng paghahanda Ng kapistahan Ng Poong Hesus Nazareno sa susunod na Linggo Ika-9 Ng Enero, 2022; at pangatlo Ang Pandaigdigang Araw Ng Panalangin para sa Kapayapaan.
Sa Dakilang Kapistahan ni Maria bilang Ina Ng ating Panginoong Hesukristo at atin ding Ina tayo ay inaanyayahan Ng ikalawang pagbasa at Ebanghelyo na maniwala Kay Maria na nasusulat sa ating bibliya kahit sa Koran Ng mga Kapatid nating Muslim. Sa ating Tradisyon bilang pananampalataya tinatawag natin sa ating mga dasal na ipanalangin niya tayo sa kanyang anak na si Hesukristo na ating Panginoon. Ang kanilang ugnayan bilang mag-ina ay nagpapatibay din sa ating ugnayan na meron tayong Ina at Kapatid na laging nariyan para samahan tayo sa ating pamumuhay. Tulad Ng mga Pastol, matuto tayong lumakad at makinig sa Plano Ng ating Diyos na masilayan Sina Jose, Maria, at Hesus sa lahat Ng taong ating nakakasalamuha. Ang bawat Isa ay may mensahe at koneksyon na kailangAn nating Makita at maramdaman.Si Hesus sa sabsaban ay bungga Ng pag-ibig Ng Diyos para sa ating lahat na nagmula sa salita na nagkatawang tao. Ang imahe Ng Poong Hesus Nazareno ay bunga din Ng pag-ibig at tawag sa atin na isabuhay Ang salitang pag-ibig sa pagtanggap, pagbubuhat Ng Krus, at pagtagumpayan Ang bawat problemA na dumarating sa ating Buhay kasama Ang ating Pamilya at buo nating komunidad. Kapag naisabuhay natin ito, paniguradong makakamit natin Ang Kapayapaan na ating minimithi. Sa unang pagbasa, tinuturuan tayong basbasan Ang bawat Isa bilang binyagang Katoliko na Pagpalain nawa tayo Ng Panginoon; nawa’y kahabagan tayo Ng Panginoon at subaybayan; lingapin at pigyan tayo Ng kapayapaan.
PAGNINILAY: Isang masagana at manigong Bagong Taong 2024 sa inyong lahat. Tayo ngayon ay nagtatapos ng Taong 2023, at papasok na po sa Taong 2024. Ito yung ating sibil na pagdiriwang ng Bagong Taon. Ang pagdiriwang ng simula ng taon ay kaugnay pa rin sa pasimula ng Taong Panliturhiya ng Simbahan. Sinimulan natin ang ating “bagong taon” noong Unang Linggo ng Adbiyento. Matapos ang 4 na Linggo ng paghahanda at pananabik, tayo ay pumasok sa Panahon ng Pasko ng Pagsilang.
Ang pinagninilayan po natin sa Kapaskuhan ay ang katuparan ng kaligtasan ng Diyos para sa sangkatauhan. Ito ang ipinapahayag sa atin ng Ikalawang Pagbasa sa takdang panahon nang matupad ang pangako ng Ama sa pagsusugo ni Kristong ipinanganak ng Birheng Maria upang tayo’y marapat na tawaging mga anak ng Diyos Ama dahil sa pagpapalang ito. Kaya nga ang ating pagdiriwang ngayon sa liturhiya ay paggalang sa ating Mahal na Ina bilang Ina ng Diyos. Siguro maraming magtatanong kung bakit tinatawag natin si Maria sa ganyang titulo na pinakatanyag sa lahat ng mga tawag sa kanya. Kung susuriin po natin ang “Ina ng Diyos,” ang kataga ay nabanggit sa Pagdalaw ni Maria kay Elisabet nang ipahayag ni Elisabet na dinadalaw siya ng “ina ng Panginoon” (Cf. Lucas 1:43). At n’ung dumating si San Gabriel Arkanghel kay Maria, ipinahayag sa kanya na ang sanggol na isisilang niya ay ang “Anak ng Diyos”. Kaya nga ang ating Mahal na Ina ay ‘Theotokos’ sapagkat dinala niya sa kanyang sinapupunan ang Diyos na nagkatawang-tao (na walang iba kundi si Hesukristo). Kaya nga rin si Maria ay ang “Ina ng Anak ng Diyos” at dahil si Hesus ay totoong Tao at totoong Diyos, ang Mahal na Ina ay “Ina ng Diyos”.
Isa pang maaring pagnilayan ay ang disposisyon ni Maria tungo sa kalooban ng Diyos. Nakita natin sa Ebanghelyo kung paano iningatan niya ang mga nangyaring pagdalaw ng mga pastol sa kanilang tinitirhan. Hindi naunaawan ni Maria kung paanong nabalita ng mga pastol ang Pagsilang ni Kristo, subalit nang ingatan niya ang bagay na iyan sa kanyang puso, mas naunawaan niya ang plano ng Diyos para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sa kabuuan, tayo ay nasa 2024 na. Maraming naganap noong 2023, kaya tayo ay naglilista ng mga “resolutions” bilang tanda kung ano ang nais natin makamtan at mga bagay na nais nating baguhin. Subalit ang mga “New Year’s resolutions” natin ay madalas hindi naitutupad. Ngunit ang maari natin dalhin para sa bagong taon ay ang pagpapala ng Diyos na narinig natin sa Unang Pagbasa, na siya namang dinadasal ng Pari sa huling pagbabasbas ng Misa.
Ang bawat taon ay “Anno Domini” o “Taon ng Panginoon”. Tayo ay patuloy na pinagpapala ng Panginoon ng kanyang grasya, awa, at kapayapaan. At nawa’y katulad ng Mahal na Ina, tayo ay maging marapat na tawaging mga anak ng ating Diyos sa pagsunod at pagiging matapat sa kanyang dakilang kalooban.
Mapayapa at Minigong Bagong Taon sa ating lahat!
Ang ipinagdiriwang natin sa Linggong ito ay isa lamang sa mga titulo na ipinagkaloob sa karangalan ng Mahal na Birhen Maria Ina ng Diyos. Sa mga ibang pagbasa ay may mga narinig na tayong mga pangungusap na nagpapatibay na ang Birheng Maria ay Ina ng ating Panginoon. Una na, ang sa pagpapakita sa kanya ng Arkanghel Gabriel, sumunod ang pagdalaw ng Mahal na Birhen sa kanyang pinsang si Elizabeth, at yung pagdalaw ng mga pastol upang ibalita ang tungkol sa sanggol na si Hesus na ipinanganak niya sa sabsaban sa Bethlehem.
Sa mga pagbasa, magandang pagnilayan na hindi lang ang Birheng Maria ang “babaing bukod na pinagpala” ang nakatanggap mula sa Diyos ng pagpapala kundi tayo man ay pinagkalooban ng biyaya na tawagin ang Diyos na Ama. Sa ikalawang pagbasa, tayo din ay pinadalhan ng Espiritu ng kanyang Anak upang matawag natin ang Panginoong Diyos na Ama! Dahil dito, tayo ay inari na mga anak ng Diyos na mga tagapagmana ng kaharian kung lahat tayo ay pasasakop sa Kautusan na iniaalok sa atin ng Panginoon na siya magpapalaya sa atin sa dungis ng kasalanan.
Si Birheng Maria ay ang pinaka-bantayog at perpektong Modelo ng pagka-masunurin upang mahanap ang ninanais ng Diyos na dapat tingalain. Hindi naging hadlang ang mura niyang edad upang unawain at maisakatuparan ang ibinibigay ng Diyos na kaligtasan sa sangkatauhan.
Ang paanyaya ng Ebanghelyo at mga pagbasa na tayo din ay mapuspus ng Espiritu Santo upang maging daluyan ng pag-ibig ng Diyos. Nawa’y makatugon din tayo tulad ni Maria sa panawagan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng paglingap natin sa ating kapwa lalo higit doon sa mas nangangailangan hindi lamang sa kapanahunan ng Pasko kundi sa lahat ng panahon.
Mapayapa at Manigong Bagong Taon po sa ating lahat!
Ang ipinagdiriwang natin sa Linggong ito ay isa lamang sa mga titulo na ipinagkaloob sa karangalan ng Mahal na Birhen Maria Ina ng Diyos. Sa mga ibang pagbasa ay may mga narinig na tayong mga pangungusap na nagpapatibay na ang Birheng Maria ay Ina ng ating Panginoon. Una na, ang sa pagpapakita sa kanya ng Arkanghel Gabriel, sumunod ang pagdalaw ng Mahal na Birhen sa kanyang pinsang si Elizabeth, at yung pagdalaw ng mga pastol upang ibalita ang tungkol sa sanggol na si Hesus na ipinanganak niya sa sabsaban sa Bethlehem.
Sa mga pagbasa, magandang pagnilayan na hindi lang ang Birheng Maria ang “babaing bukod na pinagpala” ang nakatanggap mula sa Diyos ng pagpapala kundi tayo man ay pinagkalooban ng biyaya na tawagin ang Diyos na Ama. Sa ikalawang pagbasa, tayo din ay pinadalhan ng Espiritu ng kanyang Anak upang matawag natin ang Panginoong Diyos na Ama! Dahil dito, tayo ay inari na mga anak ng Diyos na mga tagapagmana ng kaharian kung lahat tayo ay pasasakop sa Kautusan na iniaalok sa atin ng Panginoon na siya magpapalaya sa atin sa dungis ng kasalanan.
Si Birheng Maria ay ang pinaka-bantayog at perpektong Modelo ng pagka-masunurin upang maganap ang ninanais ng Diyos na dapat tingalain. Hindi naging hadlang ang mura niyang edad upang unawain at maisakatuparan ang ibinibigay ng Diyos na kaligtasan sa sangkatauhan.
Ang paanyaya ng Ebanghelyo at mga pagbasa na tayo din ay mapuspus ng Espiritu Santo upang maging daluyan ng pag-ibig ng Diyos. Nawa’y makatugon din tayo tulad ni Maria sa panawagan ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ng paglingap natin sa ating kapwa lalo higit doon sa mas nangangailangan hindi lamang sa kapanahunan ng Pasko kundi sa lahat ng panahon.
Ang pagpapala ng Diyos, ay makikita kay Maria sapagkat sa simula pa ng ipinaglihi at ipinanganak si Hesus na syang magbibigay ng liwanag sa ating kaligtasan. At si Maria ang bukod tangin pinagpala sa babaeng lahat. Manigong bagong taon at maligayang kapistahan ni Maria.
PAGNINILAY:
Walang nakakaalam kung ano ang mangyayari satin sa susunod na labindalawang buwan. O, maaaring may alam tayong ilang aspeto na magaganap sa bagong taon na ito, ngunit hindi lahat ay ipinakikita sa atin. Hinihiling ng ating Panginoong Hesus na tanggapin natin ang taong ito bilang regalo mula sa Diyos. Tulad ni Mama Mary, dapat handa tayong magsabi ng, “Oo”, sa anumang hilingin sa atin ng Diyos. Maaaring mas mabuti na hindi natin alam ang lahat ng darating sa atin, kung hindi, baka matukso tayong magsabi ng, “Hindi”! Gayunpaman, sa pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos, maaari tayong sumulong. Nawa’y maglaan din tayo ng panahon upang pagnilayan at pahalagahan kung paano naroroon ang Diyos sa ating buhay, nagpapalakas sa atin at nagbibigay sa atin ng kapayapaan, kahit na sa gitna ng mapanghamong panahon. Nakikinig din tayo sa Diyos upang marinig kung paano maaaring gusto ng Diyos na ibahagi natin ang kapayapaang iyon sa iba.
Maria, Ina ng Diyos, turuan mo kaming pagnilayan sa loob ng aming puso ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa amin sa pamamagitan ni Hesus na iyong Anak. Amen.
***
Maligaya at Malusong na bagong taon sa ating lahat. Sa araw na ito tayo ay nagdiriwang Ng 3 in 1. Hindi po ito Kape o pagkaing instant. Tayo po ay nagdiriwang Ng tatlong mahalagang bagay sa ating Buhay bilang mga Katoliko. Una, Pagiging Ina ni Maria; Ikalawa ikalawang Araw Ng paghahanda Ng kapistahan Ng Poong Hesus Nazareno sa susunod na Linggo Ika-9 Ng Enero, 2026; at pangatlo Ang Pandaigdigang Araw Ng Panalangin para sa Kapayapaan.
Sa Dakilang Kapistahan ni Maria bilang Ina Ng ating Panginoong Hesukristo at atin ding Ina tayo ay inaanyayahan Ng ikalawang pagbasa at Ebanghelyo na maniwala Kay Maria na nasusulat sa ating bibliya kahit sa Koran Ng mga Kapatid nating Muslim. Sa ating Tradisyon bilang pananampalataya tinatawag natin sa ating mga dasal na ipanalangin niya tayo sa kanyang anak na si Hesukristo na ating Panginoon. Ang kanilang ugnayan bilang mag-ina ay nagpapatibay din sa ating ugnayan na meron tayong Ina at Kapatid na laging nariyan para samahan tayo sa ating pamumuhay. Tulad Ng mga Pastol, matuto tayong lumakad at makinig sa Plano Ng ating Diyos na masilayan Sina Jose, Maria, at Hesus sa lahat Ng taong ating nakakasalamuha. Ang bawat Isa ay may mensahe at koneksyon na kailangAn nating Makita at maramdaman.Si Hesus sa sabsaban ay bungga Ng pag-ibig Ng Diyos para sa ating lahat na nagmula sa salita na nagkatawang tao. Ang imahe Ng Poong Hesus Nazareno ay bunga din Ng pag-ibig at tawag sa atin na isabuhay Ang salitang pag-ibig sa pagtanggap, pagbubuhat Ng Krus, at pagtagumpayan Ang bawat problemA na dumarating sa ating Buhay kasama Ang ating Pamilya at buo nating komunidad. Kapag naisabuhay natin ito, paniguradong makakamit natin Ang Kapayapaan na ating minimithi. Sa unang pagbasa, tinuturuan tayong basbasan Ang bawat Isa bilang binyagang Katoliko na Pagpalain nawa tayo Ng Panginoon; nawa’y kahabagan tayo Ng Panginoon at subaybayan; lingapin at pigyan tayo Ng kapayapaan.
PAGNINILAY
New Year’s Resolution
Sa unang pagbasa, nagbigay ng bendisyon at propesiya ang Dios sa mga Israelita ng ganito:
“Pagpalain ka nawa at ingatan ng Panginoon;
nawa’y kahabagan ka niya at subaybayan;
lingapin ka nawa niya at bigyan ng kapayapaan.”
Sa ikalawang pagbasa, sinasabi ni Pablo na ang mga inaalipin at pinabigat ang kanilang buhay dahil sa mga kautusan ni Moses ay pinalaya sa pagtupad nito ni Jesus sa krus upang matubos ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus (Paschal Mystery) ay natupad ang bendisyon sa unang pagbasa na pagpapala, pag-iingat, habag at kapayapaan sa lahat ng naniwala sa Paschal ni Jesus.
Sa gospel reading, ang mga pastol na simple at my kababaang loob ang pinagpahayagan ng pagsilang ni Jesus kaya napuntahan nila si siya at nagbigay pugay. Tanging ang makakarinig at makakapaniwala sa mensahe ng Dios tungkol kay Jesus ay yaon lamang may payak at kababaang loob .
Sa panahon natin ay hindi pinapansin nga mga abalang tao ang mensahe ng Dios sa biblia kung kaya’t hindi nila nakilala at mapaniwalaan si Jesus ng lubusan at makuha nila ang bendisyon ng Dios na pag-iingat, habag at kapayapaan na walang hanggan. Kung hindi maging aba ang mga tao tulad ng mga pastol dahil mas inuuna nilang maghanapbuhay at magpayaman, hindi maisisilang sa puso nila si Jesus at magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Bakit pagdalo ng Misa ang sentro at rurok ng pagsamba ng mga katoliko ?
Dito natatanggap ang hinihiling na mga biyaya ng Dios kung kaya’t ang ikalawang Vatican Council (Sacrosantum Concilium #14 noong 1963) ay nanawagan sa mga katoliko na maging aktibo sa pagdalo ng misa mula umpisa hanggang katapusan (active full participation of the mass).
Ang misa ay may dalawang yugto, ang Liturgy of the Word (pagbasa ng biblia) at Liturgy of the Eucharist (komunyon). Magkakabisa lamang ang natanggap mong komunyon kung napakinggan mo ang mga pagbasa sa biblia at nakapaniwala ka. Kaya walang silbi ang pagdalo mo sa misa kung sa Liturgy of the Eucharist ka lang aktibong dumadalo at walang mapaniwalaan sa Liturgy of the Word.
Magkakabisa at matatanggap mo lamang ang biyaya kapag aktibo kang dumadalo sa misa mula umpisa hanggang matapos ito.
Kaya bago ka dumalo ng misa ay basahin mo muna ang mga daily mass readings at subukan mong unawain ang ipinapaniwala o ipinababatid ng Dios sa iyo upang magkabisa ang pangungumunyon mo.
Ito ang magandang New Year’s Resolution sa 2026.
Sa tatlong (3) taon na regular na pagbabasa ng magkaugnay na mensahe ng luma at bagong tipan sa Daily Mass Readings ay mababasa mo na ang buong biblia.