Podcast: Download (Duration: 8:05 — 5.7MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Tinuturuan tayo ni Kristo sa pamamagitan ng mga talinhaga. Si Kristo ang manghahasik ng binhi ng Salita ng Diyos. Tumugon tayo sa kanyang gawaing ito sa pamamagitan ng ating pagtawag sa Ama.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Manghahasik, basbasan Mo kami.
Ang Simbahan sa daigdig nawa’y maging tulad ng mayamang lupa na nagbibigay bunga ng tig-iisandaang ani, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y mamuno sa pamamaraang kaaya-aya sa Diyos at sa kanilang nasasakupan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga hindi nasisiyasat na mga ambisyon at pagkamakasarili nawa’y hindi makasagabal sa Salita ng Diyos sa ating buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y makaranas ng nakapagpapagaling na kapangyarihan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pumanaw nawa’y magtamasa ng liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Makalangit na Ama, tulungan mo kaming makilala ang binhi ng iyong salita at gawa sa aming buhay. Huwag nawa kaming magambala ng mga alalahanin ng mundong ito, bagkus maging maliksi kami sa paglilingkod upang mamunga ang aming mga mabubuting gawain. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Martes, Enero 28, 2025
Huwebes, Enero 30, 2025 »




{ 4 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay mula pa rin sa Sulat sa mga Hebreo, na palaging nakatuon sa ating Panginoong Hesukristo bilang Tagapamagitan at walang hanggang saserdote, na dahil sa kanyang sakripisyo ay napatibay ang ating pananampalataya sa Diyos Ama at napabilang tayo bilang kanyang mga anak. Gumawa na ang Diyos ng tipan para sa kanyang bayang Israel, at ang tanda nito ay ang ritwal ng Pampaskuwa, nang sila ay nag-aalay ng mga hayop at kinukuha ang dugo nila para iwisik sa mga nagdiriwang ng pista. Subalit ipinahayag dito ng manunulat si Hesus ay pumasok sa dambana ng Diyos sa pag-upo niya sa trono ng Krus sa Golgota. At ginawa ni Kristo ang dakilang pag-aalay ng kanyang buhay, na siya namang bagong Korderong Pampaskuwa, bilang ganap na pagtubos sa sanlibutan laban sa mga kasalanan.
Kaya nga ginawa na ng Panginoong Hesus ang ganap na sakripisyong nagpapatibay sa inukit na tipan ng Diyos Ama. At ang paggunita sa dakilang misteryong ito ay tanda na tayong lahat ay inaanyayahang mas maging matapat sa kalooban ng Ama, at isabuhay ang diwa ng pagmamahal.
Si Hesus sa Ebanghelyo ay nagtuturo sa atin ng Parabula ng Manghahasik ng Lupa. Siya ang manghahasik na itinatanim ang mga butong nangangahulugan sa Salita ng Diyos. Ikinakalat niya ang mga buto hindi dahil nagsasayang siya ng oras, kundi makikita dito kung paano dapat mamunga ang Salitang ito sa buhay ng bawat tao. Ang apat na lugar ay nangangahulugang ang realidad na may ilang taong ayaw makinig sa Salita ng Diyos, may ilan naman naririnig ngunit tinutukso ng mga pagsubok at pang-uusig, may ilan naman naririnig ngunit ayaw isantabi ang mga makamundong bagay, at may ilan ang tunay na pinaninindigan ang Salita at isinasabuhay nito upang mamunga sa pagpapahayag ng mensahe ng Diyos.
Kaya nga mahalaga yung pagiging matapat sa kalooban ng Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig at paninindigan ng kanyang Salita. Nawa’y tunay na maging bukas-loob tayo sa kanyang mga pagpapala upang ipalaganap ito sa iba.
Sa unang pagbasa ito’y patungkol sa ating pagdiriwang ng banal sa eukaristiya ang mataas na pskikipag ugnayan natin sa Diyos
PAGNINILAY:
Ang Talinghaga ng Manghahasik ay sumasalamin sa iba’t ibang uri ng pagtugon ng tao sa Salita ng Diyos. Ang Salita ay laging inihahasik sa atin sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, Eukaristiya, mga homiliya, at iba’t ibang pamamaraan ng ebanghelisasyon. Ngunit nakasalalay sa atin kung paano ito tatanggapin at isasabuhay.
Sa Daan – Ang mga butong nahulog sa daan ay mga taong nakakarinig ng Salita ngunit agad itong nawawala. Maraming tukso at kasalanan ang pumipigil sa kanila upang ito’y tumubo.
Sa Batuhan – Ang mga butong tumubo ngunit mabilis na natuyo ay mga taong masigla sa simula ngunit nawawalan ng pananampalataya kapag dumating ang pagsubok.
Sa Dawagan – Ang mga butong sinakal ng dawag ay mga taong nalululong sa makamundong bagay, kayamanan, at pansariling interes kaya’t hindi nila kayang isabuhay ang Salita.
Sa Mabuting Lupa – Ito ang mga taong may bukas na puso at matibay na pananampalataya. Inalagaan at pinapamunga nila ang Salita sa kanilang buhay sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagsasabuhay ng ebanghelyo.
Sa ating buhay-Kristiyano, tayo’y tinatawag upang maging mabuting lupa na tatanggap ng Salita ng Diyos. Tanungin natin ang ating sarili: Anong uri ng lupa ang puso ko ngayon? Bukas ba ako sa Salita ng Diyos? Pinapakinggan ko ba ito nang may kababaang-loob?
Ang Talinghaga ng Manghahasik ay paalala sa atin na hindi sapat ang makinig lamang; mahalaga ang magsabuhay. Tularan natin ang mabuting lupa na nagbubunga ng mabuting gawa. Upang mangyari ito, kailangan natin ng matibay na ugat ng pananampalataya na hindi matitinag ng anumang pagsubok o tukso.
Magtiwala tayo sa biyaya ng Diyos na tumutulong sa atin upang magbunga ang Salita sa ating buhay. Patuloy tayong manalangin at sikaping alisin ang mga bagay na humahadlang sa ating pananampalataya upang maging tunay tayong halimbawa ng masaganang ani para sa Kaharian ng Diyos.
Manalangin tayo. Panginoon, buksan Mo ang aming mga puso upang kami’y maging mabuting lupa na tatanggap sa Iyong Salita. Tulungan Mo kaming alisin ang anumang humahadlang sa aming pananampalataya at buhayin ang Salita sa aming pang-araw-araw na pamumuhay. Amen.
REFLECTION:
The Parable of the Sower reflects the different ways people respond to the Word of God. The Word is constantly sown in us through the Sacred Scriptures, the Eucharist, homilies, and various means of evangelization. However, it depends on us how we will receive and live it.
1. On the Path – The seeds that fell on the path represent people who hear the Word but immediately lose it. Many temptations and sins prevent it from taking root.
2. On Rocky Ground – The seeds that sprouted quickly but withered are like people who are enthusiastic at first but lose faith when trials come.
3. Among Thorns – The seeds choked by thorns symbolize people consumed by worldly concerns, wealth, and selfish desires, preventing them from living out the Word.
4. On Good Soil – These are people with open hearts and strong faith. They bear fruit through good deeds and by living out the Gospel.
In our Christian journey, we are called to be good soil that receives the Word of God. Let us ask ourselves: What kind of soil is my heart today? Am I open to the Word of God? Do I listen to it with humility?
The Parable of the Sower reminds us that it is not enough to merely listen; what matters is living it out. Let us imitate the good soil that bears good fruit. For this to happen, we need a firm foundation of faith that remains steadfast amidst trials and temptations.
Let us trust in God’s grace to help the Word bear fruit in our lives. Let us continue to pray and strive to remove anything that hinders our faith so we may truly become a bountiful harvest for the Kingdom of God.
Let us pray.
Lord, open our hearts that we may become good soil to receive Your Word. Help us to remove anything that hinders our faith and bring the Word to life in our daily lives. Amen.