Podcast: Download (Duration: 6:25 — 8.3MB)
Miyerkules ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
Efeso 6, 1-9
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 13kd-14
Ang Poong Diyos ay tapat,
pangako n’ya’y magaganap.
Lucas 13, 22-30
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Wednesday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green)
UNANG PAGBASA
Efeso 6, 1-9
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso
Mga anak, sundin ninyo ang iyong magulang, alang-alang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangako; ganito ang pangako: “ikaw ay giginhawa at lalawig ang iyong buhay rito sa lupa.”
Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo ang inyong anak dahil sa malabis ninyong kahigpitan; sa halip, palakihin sila sa tuntunin at aral ng Panginoon.
Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga panginoon dito sa lupa nang buong galang, takot at katapatan, na parang si Kristo ang inyong pinagliilingkuran. May nakakikita man o wala, ganyan ang gawin ninyo, hindi upang magbigay-lugod sa mga tao kundi dahil sa kayo’y lingkod ni Kristo at kusang-loob na gumaganap ng kalooban ng Diyos. Maglingkod kayo nang may mabuting kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa mga tao lamang. Sapagkat alam ninyong gagantihin ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, alipin man o malaya.
Mga panginoon, maging mabuti kayo sa inyong mga alipin at huwag silang pagbataan, sapagkat alam ninyong kayo’y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit at walang itinatangi.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 13kd-14
Ang Poong Diyos ay tapat,
pangako n’ya’y magaganap.
Magpupuring lahat sa iyo, O Panginoon, ang iyong nilalang;
lahat mong nilikha ay pupurihin ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang ‘yong kaharian,
at ibababalitang tunay kang dakila’t makapangyarihan.
Ang Poong Diyos ay tapat,
pangako n’ya’y magaganap.
Dakila mong gawa’y upang matalastas ng lahat ng tao,
mababatid nila ang kadikalaan ng paghahari mo.
Ang paghahari mo’y sadyang walang hanggan, hindi magbabago.
Ang Poong Diyos ay tapat,
pangako n’ya’y magaganap.
Di ka bibiguin sa mga pangako pagkat ang Diyos ay tapat,
ang kanyang ginawa kahit ano ito ay mabuting lahat,
Siya’y tumutulong sa lahat ng tao na may suliranin;
yaong inaapi’y inaalis niya sa pagkagupiling.
Ang Poong Diyos ay tapat,
pangako n’ya’y magaganap.
ALELUYA
2 Tesalonica 2, 14
Aleluya! Aleluya!
Tayo’y tinawag ng Diyos
upang magningning na lubos
sa aral ni Kristo Hesus.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 13, 22-30
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siya’y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?” Sinabi niya, “Pagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok.
“Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!’ At sasabihin ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.’ Sasabihin naman ng Panginoon, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!’ Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo nama’y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Martes, Oktubre 29, 2024
Huwebes, Oktubre 31, 2024 »
{ 6 comments… read them below or add one }
Karamihan po siguro sa atin nung tayo ay mga bata pa ay nakaranas ng pagdidisiplina ng ating mga magulang. Ang pagdidisiplina noon ay talaga namang may kahigpitan. Yung din po siguro ang naranasan ko sa pagdidisiplina sa akin. Sa mga magulang ko po, Ang ama ko po ay syang disciplinarian. Napakahigpit. Isa syang teacher sa bayan namin, at minsan ay nagtuturo sya ng GMRC(Good Manners and Right Conduct), sa elementarya.. dumaan din po ako sa kanya kaya medyo takot din ako sa clase nya.
Minsan din po akong napagalitan at napalayas sa bahay dahil sa katigasan ng ulo, Hindi ako makapasok ng bahay. That time i felt neglected, naranasan ko ring di makakain.. ang hirap pala talag kapag di ka makapasok ng bahay kahit isang araw lang. Later on I realized na, meron din palang magandang bunga ang pagdidisiplina ng magulang, dito nahubog ang pagkatao sa tamang paraan at magsilbing leksyon ang mga maling bagay na nagawa.
Sa ebanghelyo natin ngayon, ganito din po ang mangyayari sa atin kung hindi tayo mamumuhay ng naayon sa kabutihan at hindi pagsunod sa mga utos ng Panginoon. Ganito, ang mangyayari sa Huling Paghuhukom, the Judgment Day.. sabi sa pagbasa:“Kapag ang pinto’y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Sasagutin niya kayo, ‘Hindi ko alam kung tagasaan kayo!
Dito ipinapakita na wala nang puwang ang mga taong Tumalikod sa Panginoon. Nung sila ay nabubuhay pa, marahil binigyan sila ng maraming pagkakataon na magbagong buhay subalit, hindi parin nila nagawa, at ipinagpatuloy parin ang mga maling gawain. Ika nga, nasa huli ang pagsisisi.
Mga Kapatid ang mensahe sa atin ngayon ay nawa’y magpunyagi tayong makapasok sa Tahanan ng ating Panginoon, Bagamat ang daan ay makitid at masikip, Pero tiyak pong May pintuan tayong mapapasukan. Kinakailangan lang natin magsakripisyo along the way. Ang pagsunod kay Kristo ay may kalakip na Sakripisyo. There is always a cross to bear and even we will experience crucifixion later on, but dont be afraid, there is always a Ressurection.
Habang tayoy nabubuhay maraming pagkakataon para alagaan at diligan ang binhi ng pananampalataya na itinanim sa atin ng ating Panginoon. Tulad ng Ebanghelyo kahapon, we are challenge to cultivate the seed of faith through doing good things here on earth. And be a yeast to propagate that faith for the greater Glory of God. Amen.
Pagninilay: Ang kaloob ng kaligtasan ay inihanda ng Diyos para sa mga taong nakahandang tanggapin ito. Kaya ang hantungan nitong kaligtasan ay buhay na walang hanggan sa kalangitan. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 13:22-30), si Hesus ay itinanong kung kakaunti lang ang maililigtas. Ang tugon niya ay isang paanyaya na pumasok sa makipot na pintuan, sapagkat maraming nag-iisip na makakapasok sila, ngunit hindi sila’y makapasok diyan. Sa maraming pagkakataon, inaakala ng marami na awtomatik lamang ang buhay. Maraming gustong mawalan ang mga pagdurusa at paghihirap upang mas maging maginhawa ang pamumuhay. Siguro araw-araw tayo’y napapagod matapos ang isang araw ng pagtratrabaho, pag-aaral, at iba pang gawain. Ngunit tayo’y inaanyahan ni Hesus na pumasok sa makipot na pinto, at siya ang pintong ito na Daan patungo sa Diyos Ama. Kung tatanggapin natin siya bilang Panginoon ng ating buhay nang may pananampalataya, tayo rin ay tumulad sa kanya sa pagsunod sa kalooban ng Ama kahit sa mga pagdurusa at paghihirap sa buhay. Hindi naman ninanais ng Diyos na tayo’y pahirapan, sapagkat natural na pangyayari ang mga ganitong pagdurusa. Subalit ang dapat mas pahalagahan natin ang ating pananampalataya na patuloy tayong tutupad sa misyong itinakda sa atin sa pagpaparangal ng Mabuting Balita. At kung mayroon tayong matatag na relasyon sa Panginoon ay ganun rin sa ating kapwa. Sa Unang Pagbasa (Efeso 6:1-9), tayo’y hinihikayat ni San Pablo na mahalin ang isa’t isa at magkaroon ng mabuting relasyon: ang mga anak ay sumusunod sa kanilang mga magulang, ang mga magulang ay gumagabay sa kanilang mga anak, ang mga alipin ay naglilingkod sa kanilang mga panginoon, at ang mga panginoon ay pantay-pantay tinatrato ang kanilang mga alipin. Nawa tayo’y makamtan ng kaligtasang inilaan sa atin ng Diyos sa pagsunod sa kanyang dakilang kalooban at pagiging matapat sa kanya sa kabila ng ating mga paghihirap sa buhay. At nawa’y patuloy nating pailaliman ang ating relasyon sa kanya at sa kapwa-tao.
O Diyos Ama naming makapangyarihan sa lahat, lalo nyo pong patatagin ang aming pananampalataya nang may kababaang loob, maunawin at mapagmahal na puso sa iyo, pamilya at kapwa. Itinaas ko po ito sa iyo Diyos Ama sa pamamagitan nang iyong Anak na aming Hesukristo kasama na ang Banal na Ispirito magpasawalang hanggan Amen.
Maraming salamat sa awitatpapuri.com at sa inyo na patuloy na nagbabahagi ng pagninilay sa mga pagbasa at ebanghelyo.
Naniniwala po ako na bukod sa akin ay maramii pa kayong natutulungan upang higit pang makapagpalago ng aming buhay espiritual.
Sa tulad ko na may mga pinagdadaanang pagsubok sa ngaun, sa aking pagbibigay ng oras upang manalangin sa ating Panginoon at pag aralan ng mabuti ang kanyang mensahe sa araw araw sa pamamagitan ng awitatpapuri.com ay napakalaking tulong upang mapagaan ang aking nararamdaman at upang lalo kong maramdaman na nandyan lng ang ating Panginoon na handang makinig sa nilalaman ng aking puso at upang gabayan ako sa tamang landas patungo sa kanya kahit alam ko na masikip ang daan patungo sa langit , ngunit kung lagi akong magsusumikap na tamang landas ang tahakin, alam kong ang makipot na daan na iyon ay magiging madaling tahakin upang makarating sa kahariihan ng ating Panginoon.Amen.
May katumbas na pagpapala ang pagsunod sa mga salita at utos ng Diyos, at sadyang sa pagtupad nito ay kailangang magsakripisyo. Ang paggalang sa ating mga magulang ay may kalakip na pangakong maginhawa at mahabang buhay. Maraming pagsubok at hamon sa buhay ang ating mararanasan at nawa’y malampasan natin itong lahat ng may buong tiwala na andyan ang Diyos at hindi Niya tayo pababayaan.
Panginoon nawa’y patawarin mo ako sa aking mga nagawang kasalananan at pagkukulang Saiyo at sa aking mga magulang.
Nawa’y higit kong hangarin ang makapagbigay at makagawa ng mabuti para sa aking kapwa sa bawat araw ko dito sa lupa. Hinihiling ko po na sana’y gumaling ako sa aking mga karamdaman at magkaroon ng malakas na pangangatawan para makapgtrabaho akong muli. Ang lahat ng ito”y itinataas ko sa Panginoong Hesukristo. Amen
REFLECTION: What lies ahead in the road towards salvation? It is something that will be granted by God to us in return after our endurance in earthly merits and trials with faithfulness towards him. The gift of salvation is something that lies not on earth below, but that of above, and that is the glory of eternal life. The Gospel today is an exhortation from Jesus that in order to attain salvation, we are called to enter the narrow door. He explains that many who try to enter it did not succeed cause they’re not strong enough. This is in answer to the one who asked him if a few people will be saved. Salvation is not merited by those who have gained many abilities and skills to show off, that portray special characteristics for other peoples to it. But rather, salvation looks into the willingness of the person to do and obey the will of God the Father. At that time, only the Jews have believed that they will inherit that great promise because they have believed in God, however Jesus says that many will come from the four corners of the world and will recline at table in the Kingdom. This refers to how St. Luke portrays the salvation story to be open for all, and that Christ is the Savior not only of the Jews, but also of the Gentiles. And lastly, salvation is said to be attained by the last who will be first, and then the first who will be last. The way to attain such gift is entering the narrow door, wherein there’s no escape to life situations and problems. What is being tested here is our faith in God that remains steadfast despite any trials and difficulties that we face. If we continue to hold on to our faith even towards the end, we will merit the gift of salvation one day in Paradise. And we are also called to manifest a good relationship with him and other people. St. Paul in the First Reading reminds us to be faithful to each other: children obeying their parents, parents teaching their children what is right and doing it as well, slaves serving their masters faithfully, and masters treating their servants fairly. If we do these good deeds and kind acts, as we continue to endure the present sufferings of this world, then we are continuously passing through the narrow door. And this narrow door is none other than Jesus himself, to whom we must put our faith and trust, that we may always do the holy will of God. That is the way on how we can merit salvation.