Lunes, Oktubre 14, 2024

October 14, 2024

Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir

Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Lucas 11, 29-32


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr (Red)

UNANG PAGBASA
Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, nasusulat na si Abraham, ay nagkaanak ng dalawang lalaki; sa alipin ang isa at ang isa’y sa malaya. Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang pangyayari, ngunit ang anak sa malaya ay bunga ng pangako ng Diyos. Ito ay isang talinghaga. Larawan ng dalawang tipan ang dalawang babae. Ang isa’y ang tipan sa Bundok ng Sinai na kinakatawan ni Agar at ng kanyang mga anak na pawang alipin. Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina. Ayon sa Kasulatan,
“Magsaya ka, O babaing hindi nagkaanak!
Humiyaw ka dahil sa kagalakan, ikaw na di nakaranas ng pagdaramdam sa panganganak!
Sapagkat higit na marami ang anak ng babaing nangungulila kaysa babaing may asawa.”

Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo anak ng alipin kundi ng malaya.
Pinalaya tayo ni Kristo upang manatiling malaya.
Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paalipin uli!

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

o kaya: Aleluya.

Dapat na magpuri ang mga alipin,
ang ngalan ng Poon ay dapat purihin.
Ang kanyang pangalan ay papurihan,
magmula ngayo’t magpakailanman.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Buhat sa silangan, hanggang sa kanluran,
ang ngalan ng Poon, pupurihing tunay.
Siya’y naghahari sa lahat ng bansa,
lampas pa sa langit ang pagkadakila.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

Walang makatulad ang Panginoong Diyos,
na sa kalangitan doon naluluklok;
buhat sa itaas siya’y tumutunghay,
ang lupa at langit kanyang minamasdan.
Mula sa alabok ang mga mahirap,
sa pagkalugami ay itinataas.

Ngalan ng D’yos ay idangal
ngayon at magpakailanman.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 11, 29-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang dumaragsa ang mga tao, sinabi ni Hesus, “Napakasama ng lahing ito! Naghahanap sila ng palatandaan mula sa langit, subalit walang ipapakita sa kanila maliban sa palatandaang inilalarawan ng nangyari kay Jonas. Kung paanong naging isang palatandaan si Jonas sa mga taga-Ninive, gayun din naman, magiging isang palatandaan sa lahing ito ang Anak ng Tao. Sa Araw ng Paghuhukom, titindig ang Reyna ng Timog laban sa lahing ito at sila’y hahatulan niya ng kaparusahan. Sapagkat nanggaling siya sa dulo ng daigdig upang pakinggan ang karunungan ni Solomon; ngunit higit na di-hamak kay Solomon ang naririto! Sa Araw ng Paghuhukom ay titindig ang mga taga-Ninive laban sa lahing ito at hahatulan ng kaparusahan, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas; ngunit higit na di-hamak kay Jonas ang naririto!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 15, 2018 at 5:41 am

From Fr. Benny Tuazon: Lk. 11:29-32) Monday of the Twenty Eight Week in Ordinary Time, Memorial of Teresa of Avila.

In today’s Gospel Jesus admonished the people regarding their generation. He went as far as saying they were an evil generation. The issue was their asking for a sign. He cited the sign of Jonah and the Queen of the south. The Ninevites responded to Jonah’s call to repentance while the Queen of the south trusted the wisdom of Solomon. Both benefited from the two representatives of God.

Not the case with the Jews. No less than the Son of God was sent to being the Good News of salvation. God personally attended to our salvation. He did more than just proclaiming the Good News but offered His life for us. It was a testimony of His great love for us and the necessity of salvation.
Signs are part of human experience. We operate through signs. We need signs in order for us to be guided and educated. Our capacity to recognize and understand signs reflects our maturity in life, and especially in faith. But we should not miss the most important sign. Jesus is God’s perfect sign of His presence and love. In Jesus, the sign is the signified and the messenger is the message. The Jews missed recognizing Jesus.

As for us, we were given better and bigger signs. We have the whole life and ministry of Jesus including His mysteries. His words and actions were effective signs. We have far less reasons not to believe in Him. Will we commit the same mistake as the Jews?

It is interesting to note that even up to now, the Jews are still waiting for the Messiah. They had not learned their lesson. Jesus is the Messiah the Scriptures prophesied. Let us not insist on more signs which are usually self determined. Rather, let us reflect and savor what were given to us and be open to God’s New revelations.

Reply

Reynald David Perez October 15, 2018 at 6:07 am

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ngayon ay isang pagsusubok ng mga Pariseo at eskriba ng isang tanda mula sa Panginoong Hesus. Kaya’t tinawag ni Hesus ang henerasyong iyon bilang napakasama sapagkat ito’y naghahanap ng isang palatandaan, at sinabi niya na walang tanda ang ibibigay kundi ang tungkol kay Propetang Jonas. Alam po natin na si Jonas ay nagtakbo palayo sa Diyos papuntang Tarsish sapagkat ayaw niya dati na magpropesiya tungkol sa kasamaan ng Nineve. Kaya’t nagkaroon ng bagyo sa dagat, at inamin sa mga manlalakbay na siya ang puno’t dulo ng bagyo, at nais siyang itaboy sa dagat. Kaya ang nangyari ay kinain siya ng isang malalaking isda, at doon siya’y nanatili sa bituka ng isda sa loob ng tatlong araw at talong gabi. Makalipas ang mga araw na iyon, siya’y pinalaya at tinawag muli ng Diyos na magpahayag sa mga taga-Nineve, isang bayang makasalanan, at dito sinabi ni Jonas ang magiging parusa ng siyudad sa loob ng 40 araw. Kaya agad nagsisi ang mga tao, pati ang hari ay nagtawag ng araw ng pag-aayuno bilang pagsisi sa Panginoong Diyos, at hindi natuloy ang plano ng pagwasak ng Nineve. Makikita dito na inihantulad ni Jesus ang pananatili ni Jonas sa kanyang magiging nakatakdang plano ng Diyos, ngunit ang mangyayari sa kanya ay higit pa sa nangyari sa propeta. Katulad ng pananatili ni Jonas sa loob ng isda ng 3 araw at 3 gabi, si Hesus ay ililibing matapos ang kanyang kamatayan sa Krus, ngunit siya’y muling mabubuhay makalipas ang 3 araw at 3 gabi. Kaya inilalarawan ni Hesus ang magiging kanyang Misteryong Paskwal upang tuparin ang plano ng Diyos na tayo’y mailigtas at gawing mga anak ng Diyos Ama. Sabi ni San Pablo sa Unang Pagbasa na tayo’y mga anak ng kalayaan, hindi alipin nito. Ito ang biyaya ng “free will” kung saan tayo ay nabubuhay nang marapat sa paninigin ng Diyos na gumagawa ng mabuti at tinatalikdan ang masasama. Kaya tayo’y tinatawagan na mamuhay nang marapat sa mundong ito habang hinihintay natin ang Araw ng Paghuhukom upang katulad ng Reyna ng Timog na dulaw upang makinig sa karunungan ni Haring Solomon, tayo rin ay matatagpuang handang panagutin ni Hesukristo sa kanyang muling pagpapario sa daigdig ayon sa ating pagpapamalas ng pag-ibig ng Diyos sa ating kapwa.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: