Podcast: Download (Duration: 7:49 — 5.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa
Si Hesus ay isang tapat at masintahing pastol. Ang kanyang pangaral ay may kaakibat na paghamon, lalong higit ang turo niya sa hiwaga ng Eukaristiya. Batid ang ating kahinaan, tayo’y magsumamo:
Diyos naming tapat, maging tapat nawa kami sa iyo!
Nawa’y ang Simbahan, sa pamumuno ng kahalili ni Pedro, ay tuwinang manatiling tapat sa pakikipagtipan sa Panginoon. Manalangin tayo!
Nawa’y palagiang maalaala ng mga Kristiyano na natutuksong sumunod sa masamang halimbawa ng mga taong di-tapat at imoral ang kanilang mga pangako sa kanilang binyag. Manalangin tayo!
Nawa’y sa pamamagitan ng tapat na pagmamahalan, ang mga mag-asawa’y magpatotoo sa pagmamahal na nagbubuk- lod kay Kristo at sa Simbahan. Manalangin tayo!
Nawa’y isa-isantabi ng mga di naniniwala sa presensiya ni Kristo sa Eukaristiya ang kanilang pangangatuwiran at pakumba- bang tanggapin ang turo ni Kristo hinggil dito. Manalangin tayo!
Nawa’y lahat ay manatiling tapat kay Hesus, kahit na marami ang tumatanggi sa kanyang turo at tumitiwalag sa Simbahan. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng may pa- nunungkulang pampolitika: Nawa’y lagi silang nakatuon sa paglilingkod, at sa pagkilos para sa wastong paglaganap ng lipunan at sa kapakanang pangkalahatan, lalu na sa pangangalaga para sa mahihirap at mga nawalan ng ikabubuhay. Manalangin tayo!
Panginoon ng lahat ng katotohanan at kaaliwan, kahit na ikaw ay iwan ng lahat dahil sa iyong mga kahingian, di kami titigil na sumamba, magmahal, at maglingkod sa iyo, pagka’t ikaw lamang ang may salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan, at nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Agosto 24, 2024
Lunes, Agosto 26, 2024 »
{ 8 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Apat na linggong nakalipas nang pagnilayan natin si Hesus bilang Tinapay ng Buhay [Ang nakaraang Linggo, Agosto 15, ay ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit]. Mula sa isang kababalaghan ng pagdami ng isda’t tinapay, naging aplikasyon ito nang ideklara niya ang kanyang sarili bilang pagkaing nagbibigay-buhay na walang hanggan. Kaya maraming mga Hudyo ay nadismaya sa kanyang sinabi dahil akala nila na literal na kainin ang kanyang laman at literal na inumin ang kanyang dugo.
Sa ating Ebanghelyo (Juan 6:60-69), dito tinatapos ni Hesus ang kanyang mga kasabihan tungkol sa Tinapay ng Buhay. Hindi lang ang mga tao ang nagduda sa kanya, kundi pati rin ang kanyang mga tagasunod. Kaya hinarap niya sila at sinabi na siya ay may salitang nagbibigay-buhay. Ipinaliwanag din niya kung bakit siya sinuyo ng Ama sa daigdig. Ngunit alam niya na marami sa kanila ay hindi nainiwala. At ganun nga nangyari na sila’y umalis at hindi nagsibalikan dahil hindi nila matanggap ang kanyang sinasabi. Subalit naiwan ang mga Apostol. Nang tanungin sila ni Hesus kung sila rin ay aalis, ito ang naging pahayag ni Apostol San Pedro: “Panginoon, kanino po kami pupunta? Nasa iyo ang mga salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami at ngayo’y natitiyak naming kayo ang Banal ng Diyos” (Juan 6:68-69). Kaya nga sa Cesarea ng Filipos naging Unang Santo Papa ng Simbahan si Pedro dahil sa kanyang pahayag na si Hesus ang Tagapagligtas, ang Anak ng Diyos (Cf. Mateo 16:13-19).
Bumaba ang Diyos Anak bilang tao para ipahayag ang mensahe ng pag-ibig. At natuparan ito sa pag-aalay ng kanyang sarili sa altar ng Krus para sa ating kaligtasan. Kaya nga tuwing ipinagdiriwang natin ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya, pinapalusog tayo ng Salita ng Diyos at ng Katawan ni Kristo. Sa Unang Pagbasa (Josue 24:1-2a, 15-17, 18b), nagpahayag si Josue sa mga lipi ng Siquem na tanging ang Diyos ang Panginoon ng buhay, at tugon naman ng mga tao ay ang tapat na pagsunod sa Panginoon at hinding pagtatalikod sa kanya. Sa Ikalawang Pagbasa (Efeso 5:21-32), hinimok ni San Pablo na magtatag ng mga komunidad ng pag-ibig ng Diyos. At makikita dito sa buhay mag-asawa na kung saan ang mga pangako ng Sakramento ng Kasal ay dapat tuparin ng bawat asawa sa isa’t isa na sila’y magmahalan katulad ng pagmamahal ni Kristo sa Simbahan, ang kanyang Katawan at tayo’y mga miyembro nito.
Ang hamon sa atin ay makinig kay Hesus, at isabuhay ang mga pagpapahalagang Kristiyano. Sa ating paglakbay sa daang ito, nawa’y manalig tayo sa Panginoon, tanggapin natin siya nang buong puso sa Banal na Komunyon, at ipalaganap ang kanyang Mabuting Balita sa ating araw-araw na pamumuhay.
O Diyos ikaw ang Diyos, aming tagapaglitas, ikaw ang hahango, sa pighating lubos, Ikaw lamang ang sasambahing malugod , walng diyos diyosan , ang syang magpapahiram ng buhay at buhay na walangahanggan.Ikaw nga ang tunay na Diyoa, akoy magpapatirapa at sasambahin Kang may galak na lubos.Tinuro mo kami ay umibig sa Iyo at sa kapwa na walang pagiibot.O Hesus namin , kanino pa kami magtitiwala, ngunit sa pagibig Nyo ay sapat na, bukod tanging turo mo ay buhay na walang kamatayan , ang syang hangad mo magpakailan man. Pupurihin Ka o Ama naming mapagmahal, ang paggaasawa ay pinagisa, sa puso at dandamin na kasama Ka, at hindi kailanman magasawa ay hindi mapaghihiwalay, adahil patuloy kami ay aalagaan. sa kamay ng Diyos ay lubos ang tiwala magpakailan man.
Salamat sa Diyos. Salamat pagkaing nagbibigay buhay at inuming naglilinis sa amin sa mga kasalanan. Patawarin nyo po sana kami sa aming mga pagkakasala at turuan nyo po kami magpatawad sa aming kapwa. Hilumin nyo po ang sangkatauhan at kayo nawa o Dyos ang maghari sa lahat. Pagpalain kayo magpakailanman. Amen!
Kung ang lahat ng mag asawa ay mababasa at susundin ang mga isinasaad sa Ikalawanh Pagbasa, marahil ay maghihiwalay at walang mga anak na masasaktan at maapektuhan sa pagkakaroon ng broken family. Sa ating panahon ay hindi madali para sa mga babae ang magpasa ilalim sa kanilang asawa lalo nb kung ang lalaki at mabisyo, tamad, nambababae, walang hanapbuhay at nananakit.. Kaya’t para matupad ito ay dapat pangunahan ng lalaki ang tahanan sa pagsisiskap sa kanyang pamily at higit sa lahat ay ang wagas na pagmamahal sa babae katulad ng pagmamahal nya sa kanyang sarili. Oo, hindi madali pero doable, hindi iyan sasabihin ng Diyos kung iyan ay imposibleng magawa ng tao.
Sa ebanghelyo ngayon ay pinapaalala sa atin na ang buhay ay hindi puro kasiyahan lamang, darating ang kapighatian, mga problema, tagumpay, karamdaman, kayamanan at mga pasanin pero wag na wag kang tatalikod sa Diyos, sapagkat si Hesus ay laging nariyan para sa atin wag lang tayong bibitaw dahil Sya lamang ang ating pag asa at kaligtasan.
Kung ang lahat ng mag asawa ay mababasa at susundin ang mga isinasaad sa Ikalawang Pagbasa, marahil ay maghihiwalay at walang mga anak na masasaktan at maapektuhan sa pagkakaroon ng broken family. Sa ating panahon ay hindi madali para sa mga babae ang magpasailalim sa kanilang asawa lalo na kung ang lalaki at mabisyo, tamad, nambababae, walang hanapbuhay at nananakit.. Kaya’t para matupad ito ay dapat pangunahan ng lalaki ang tahanan sa pagsisiskap sa kanyang pamilya at higit sa lahat ay ang wagas na pagmamahal sa babae katulad ng pagmamahal nya sa kanyang sarili. Oo, hindi madali pero doble, hindi iyan sasabihin ng Diyos kung iyan ay imposibleng magawa ng tao.
Sa ebanghelyo ngayon ay pinapaalala sa atin na ang buhay ay hindi puro kasiyahan lamang, darating ang kapighatian, mga problema, tagumpay, karamdaman, kayamanan at mga pasanin pero wag na wag kang tatalikod sa Diyos, sapagkat si Hesus Nazareno ay laging nariyan para sa atin wag lang tayong bibitaw dahil Sya lamang ang ating pag asa at kaligtasan.
MAGNILAY: Anong aral ni Hesus ang hirap kang paniwalaan, pagtiwalaan at sundan? Sa aral ni Hesus tungkol sa Tinapay ng Buhay isa-isa na siyang iniwan ng mga dati niyang tagasunod. Hindi na nila siya mapaniwalaan, mapagtiwalaan at masundan.
Tatlong dahilan kaya tinatalikuran na natin ang Panginoon:
Una, hindi na natin siya maunawaan. May mga turo siyang hindi tumutugma sa ating pananaw tulad ng bakit ako dapat laging magpatawad o ipagdasal ang kaaway o magpasan ng krus ng buhay?
Ikalawa, hindi na natin mapagtiwalaan na ang aral niya ay makakabuti nga sa atin. Mas pinagtitiwalaan natin ang sarili nating gusto. Isyu ng tiwala ang pagsunod kaninuman lalo sa Panginoon.
Ikatlo, matigas lang talaga ang ulo natin. Ayaw lang natin talagang magbago sa sarili lalo ang mga nakagawian natin mali. Alam nating ang makinig sa Panginoon ay nangangahulugan ng pagsisisi at pagbabagong- buhay.
Tinatanong ni Hesus ang Labindalawa: Iiwan nyo rin ba ako? Tinatanong din niya tayo: Iiwan din ba natin siya? Hindi na ba natin siya paniniwalaan, pagtitiwalaan at susundan?
MANALANGIN: Panginoon, tulungan mo kaming makaunawa sa iyo. Dagdagan mo ang aming pagtitiwala sa iyo. Pagtibayin mo ang aming pagsunod sa iyo.
GAWIN: Huwag ka sanang agad-agad tumalikod sa Panginoon. Pag-aralang mabuti upang maunawaan siya; taimtim pang manalangin upang lumalim ang tiwala sa kanya; subukang sumunod upang matuklasan ang karunungan sa likod ng kanyang mga
Kung ang lahat ng mag asawa ay mababasa at susundin ang mga isinasaad sa Ikalawang Pagbasa, marahil ay maghihiwalay at walang mga anak na masasaktan at maapektuhan sa pagkakaroon ng broken family. Sa ating panahon ay hindi madali para sa mga babae ang magpasailalim sa kanilang asawa lalo na kung ang lalaki at mabisyo, tamad, nambababae, walang hanapbuhay at nananakit.. Kaya’t para matupad ito ay dapat pangunahan ng lalaki ang tahanan sa pagsisisikap sa kanyang pamilya at higit sa lahat ay ang wagas na pagmamahal sa babae katulad ng pagmamahal nya sa kanyang sarili. Oo, hindi madali pero doble, hindi iyan sasabihin ng Diyos kung iyan ay imposibleng magawa ng tao.
Sa ebanghelyo ngayon ay pinapaalala sa atin na ang buhay ay hindi puro kasiyahan lamang, darating ang kapighatian, mga problema, tagumpay, karamdaman, kayamanan at mga pasanin pero wag na wag kang tatalikod sa Diyos, sapagkat si Hesus Nazareno ay laging nariyan para sa atin wag lang tayong bibitaw dahil S’ya lamang ang ating pag asa at kaligtasan.
Magandang araw na linggo, mga kapatid, ang ebanghelyo natin ngayon, ay karugtong sa mga ebanghelyo na ating naririnig at nababasa noong mga nakaraangga linggo. maraming mga tao ang hindi nakakaintindi nito. Sa kapanahunan ni Kristo Jesus, mga tao na sumosunod sa kanya’t dumusubaybay ay tumatalikod at iniwan cya, dahil hindi nila naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ni kristo Jesus ng pakain ng kanyang laman at pag-inom ng kanyang dugo. Na katulad katulad din natin ngayon sa ating kapanahunan at pananampalataya, tayo po ay aalinlangan, kung tayo ba ay susunod sa kanya o hindi. Tayong lahat na nagsasabing ako ay kristyano, ay inahalintulad sa isang pamilya, may lalaki at babae, na nagmamahalan, na ang lalaki ang ulo sa pamilya,(Vertical) ang babae ang tahapag-alaga sa kanyang mga anak(horizontal) na ito ay maihahambing sa ating simbahan, si kristo ang ama, (Vertical) ang mga pari o tagapamahala ng simbahan ang ina(horizontal) at tayo ang mga anak. Ang pagmamahal ni Panginoong Jesus sa simbahan, ibinigay nya ang kanyang sarili upang tayo ay maging anak ng Diyos. walang makapagpunta sa ama kung wala ang Kristo Jesus, na kung hindi tayo nakikipag isang laman at dugo kay Kristo Jesus, na kaya pong sinabi na kung gusto po nating makapunta sa Ama na nasa langit, dapat po tayo kumain at uminom sa kanyang(kristo Kesus) dugo at laman.